CHAPTER 139 " TAKE IT OR LEAVE IT? "

1.4K 59 11
                                    

" Ahhh! Henrik, mag-iingat ka sa kanila, " patuloy sa pakikipaglaban si Maya sa mga taong puno na kanyang kinakaharap.

" Salamat Maya... kaya lang akala ko ba mababangis na hayop ang nandito bakit pati mga punung-kahoy ay sinasalakay tayo, " naglabas ng dilaw na liwanag ang kamay ni Henrik at agad niya itong pinuntirya sa mga taong puno.

Tinadyakan ni Maya ang kalaban nito at tinira ng liwanag ng kanyang kamay. " Hindi ko alam Henrik, ang totoo niyan hindi naman nanakit ang mga ito kung wala tayong ginagawa sa kanila. "

" Hindi kaya nagambala natin sila Maya? " sinalag ng binata ang atakeng ginawa sa kanya ng taong-puno gamit ang hawak na sanga.

" Malamang pakana ito ni Veldrin. Hindi kaya may mga alagad na siyang narito sa loob ng kagubatan!? Ahhh! "  pinagpapalo ni Maya ang kanyang mga kalaban.

" Magaling... matutuwa si Panginoong Veldrin sa ibabalita ko sa kanya, " sambit ng isang dryadalis na naging alagad na nito. Agad niyang nilisan ang kagubatan ng Miz Ah' Calla upang makabalik agad sa trono ng Alfeia.

*****

Matapos ang libing ni Marie sa isang sementeryo. Napansin ni Nathalie si Chelsea kasama ang kaibigan nitong si Nicole na naglalakad. " Hey, how are you Chelsea? " nakangiting bati nito kasabay ng paghubad ng shades na suot.

" Chels, sino siya? " napatingin si Nicole sa kaibigan.

" Kapatid siya ni Felix. "

Ngumisi naman si Nathalie at napatingin kay Nicole. " Yes, I'm Felix's loving and beautiful sister kaya kung puwede sana hihiramin ko muna ang BFF mo'ng si Chelsea Young? "

" Okay, Sis hihiramin ka raw muna niya, " anito kay Chelsea.

" Nakakapagtaka lang na nandito ka sa libing ng kaibigan ko. Hindi man lang kita napansin kanina, " napahawi si Chelsea sa mahabang buhok nito.

Napatawa naman ng mahina si Nathalie. " Of course, this is Changwon. Hindi naman masamang makipaglibing sa isang taong pinatay raw ng halimaw, " tinitigan nito sa mata si Chelsea habang nakangiti.

" Ano ba'ng gusto mo? " mariing sagot ni Chelsea.

" Well, we need to talk... in private. "

" Ano pa'ng pag-uusapan natin. Hindi ko na hinahabol ang kapatid mo hindi ba? " nakataas kilay na sinabi ng dalaga.

Patuloy sa pag-ngiti si Nathalie at bigla nitong hinawakan ang braso ng dalaga. " Kung gusto mo'ng malaman kung bakit ako nandito ngayon puwes makikipag-usap ka ng tayong dalawa lang." Nagkatinginan naman sina Chelsea at Nicole ng sandaling iyon.

" Sige Sis, hihintayin na lang kita rito habang nag-uusap kayo, " sabi ni Nicole sa kaibigan.

---

" Bakit ka ba talaga nandito? " tanong ni Chelsea na hindi kumportable sa kausap.

" Honestly, it's because of you. "

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon