CHAPTER 128 " ONE TRUE LOVE "

1.5K 68 7
                                    

Hindi ako maaaring magkamali... si Lucy talaga 'yung babaing nakita ko kanina. (Felix)

" Felix, are you okay? Kanina ko pa napapansin na tahimik ka rito, " nilapitan ni Nathalie ang kapatid.

" Ah, wala 'to Ate Nathalie, may bigla lang akong naisip. "

Naupo ang dalaga sa tabi ni Felix. " H'wag mo nang isipin si Tita Debbie. Nakausap ko na 'yung doctor na tumingin sa kanya ngayon. She's okay... "

" Mabuti naman. Nga pala Ate, saan ka nagpunta kagabi bigla ka na lang kasing nawala. "

" Kagabi? Ah, nagpunta lang ako kay Luciana. "

" Luciana? " may halong pagtataka ang binata.

" Yeah, si Luciana. Actually, kaibigan siya ni Mama. Binisita ko lang... nakipagkuwentuhan gano'n, " nakangiting sagot nito.

" I see, anyway, sinabi ba sa 'yo ni Mama kung ano'ng oras siya makakapunta rito. "

" Busy siya, marami raw siyang inaasikaso ngayon sa Slaughter House kaya nga ako muna ang pinapunta niya rito. Malapit na kasi ang Valentines Day baka maraming kakatayin ngayon hahaha! "

Napangiti naman si Felix. " Ano'ng konek? Nga pala, sino pala ang ka-date mo ngayong nalalapit na Valentines Day? "

" Date? Hehehe! Wala eh... "

" Wala? What do you mean na wala. As far as I know,  mahilig kang mangolekta ng boys sa mga bar. Hahaha! "

Napataas kilay si Nathalie at sinuntok ng marahan ang balikat ng kapatid. " Grabe ka sa akin Felix! Hindi ha. "

" Hahaha! Biro lang naman. "

" Ang totoo niyan mayroon na talaga akong nagugustuhan Felix. Kaya lang wala siya ngayon dito. "

" Wala? Why, umalis ba siya? "

" Parang gano'n, nagleave kasi siya sa work. "

" Wow! Interesting ha. Kailan mo ba 'yan balak ipakilala sa akin para makilatis ko ang lalaking iyon. "

" Makikilala mo rin siya someday Felix. Basta he's charming and gentleman. Iba siya sa mga lalaking nakilala ko sa lahat. "

Inakbayan ni Felix si Nathalie. " It seems na malakas ang tama mo sa lalaking 'yon. Congrats! Hehehe! "

---

Nagkita sina Lucy at Resha sa isang hindi gaanong matao na coffee shop. Kadalasan puro matatanda ang nagkakape roon habang nagpapahinga. " Lucy, pasensya ka na kung hindi ko sinasagot ang mga tawag mo kanina. Kasama ko kasi si Adrian. "

" Okay lang Resh, " seryosong sagot nito.

" May problema ba Lucy? Kanina ko pa napapansin simula nu'ng dumating ako parang seryoso ka. Ano ba'ng balita kay Jewel? "

" Comatose pa rin siya. Pasensya ka na Resh. Iniisip ko lang kasi si Felix... "

Napahinto si Resha sa pag-inom ng kape. " A-ano? Iniisip mo si Felix? "

" Nakita niya ako kanina. "

" Hala, saan!? " inilapag nito ang tasa.

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon