CHAPTER 182 " I'M YOUR ENEMY IN DISGUISE " PART 1

410 15 8
                                    

Habang sinusubuan ni Rafal ng lugaw ang kanyang pasyente ay pareho silang nakatutok sa telebisyon. Napanuod nila ang isang kakapasok lamang na balita hinggil sa hindi umano na pagsugod ng iba't-ibang klase ng ibon sa isang mall sa Changwon. Ayon sa news anchor, hindi maipaliwanag ng mga eksperto ang ibig sabihin ng nangyayari dahil hindi naman daw makokonsidera na ito ay isang migrasyon. Ang pag-atake ng mga ibon sa mall ay hindi naman naging sanhi ng kaguluhan sa mga taong naroon ngunit tila raw may kakaibang ginagawa ang mga ito habang nakadapo sa mga salamin ng nasabing mall.

" Sa tingin ko, may panibago na namang halimaw dito sa Changwon, " saad ng binatang diwata habang sinusubuan ang matandang babae na bahagyang nakahiga sa kama.

" Ha-halimaw ba kamo? Katulad ba 'yan ni Nathalie d' Ultima. "

" I'm not sure pero nakakapagtaka naman na ang mga ibon na 'yan ay aatake sa isang mall 'di po ba? "

" Hay, diyos ko! Pa-paano na ang pamilya ko... ba-baka pakana na naman 'yan ng demonyong si Eliziah d' Ultima."

" Huminahon po kayo. Sigurado po akong safe ang pamilya niyo. Palaging dumadaan doon si Henrik sa prutasan niyo upang tignan ang kalagayan nila. "

" Pe-pero... hanggang kailan ba ako rito magtatago? Bakit hindi na lang kaya sabihin ni Henrik sa pamilya ko na buhay pa ako... o 'di kaya eh kunin na lang niya sila para dalhin dito, " suhestyon ng matandang babae.

" Misis, mainit po ang mata sa inyo ng mga pulis. Kapag may kakaibang nangyari sa pamilya niyo. I mean bigla silang nawala o may kakaibang ginagawa baka malaman pa nilang buhay kayo. Gusto niyo po ba'ng madamay sila? " sinubuan muli ni Rafal ang pasyenteng kausap nito.

" Hay, sana naman walang mangyaring masama sa kanila. Pinapangako ko gagawin ko ang lahat para sabihin sa taong-bayan ang kademonyohan na ginawa sa amin noon ni Eliziah d' Ultima na 'yan hmm... " pumatak ang luha sa mga mata ng matandang babae habang ngumunguya. " Pi-pinatay nila ang kumare ko... huhuhu! Ha-hayop siya! Ti-tignan mo ang mga daliri ko sa kamay at paa. Pinagbabali niya itong lahat huhuhu! Binali niya hanggang mamatay ang kaibigan ko huhuhu! Tapos pinatapon pa pala kami sa bangin. Hayoooppp!!! " nag-umpisa na itong maghysterical habang nagsasalita. (Read: Chapter 171 Let The Past Bend The Truth Part 2 -BOOK 3)

Inilapag naman ng nurse ang mangkok na hawak nito. Hinimas niya ang likurang bahagi ng kanyang pasyente. " Tahan na po... kailangan niyong maging matatag... malakas para sa pamilya niyo... para sa sarili niyo. Hindi pa tapos ang laban niyo sa mga d' Ultima. Ang katulad niyo na biktima ng kaharasan nila... ang babali ng mga sungay nila rito sa Changwon. "

-----

Samantala, naantala ang ginagawang pagkanta ng dalawang magkaibigan sa karaoke. Hindi maipaliwanag ni Chelsea ang kanyang nararamdaman. " Sis, are you okay, namumutla ka ha. "

" Ah, I don't know Nicole. Um-umalis na lang siguro tayo rito. Bigla akong nahilo... " himas-himas nito ang kanang bahagi ng kanyang ulo.

" Gano'n ba, sayang naman nakakaanim pa lang tayong kanta, " agad nitong isinukbit ang bag sa balikat matapos ay kinuha na ang ilang paper bag na pinaglalagyan ng kanyang mga pinamili.

***

(CAMPBELL MANSION) 7:14 pm

Sa harap ng mahabang lamesa habang kumakain ng hapunan si Lucy kasama ang dalawa nitong bisita. Nagpatuloy pa rin ang kanilang pag-uusap tungkol sa nalalapit na coronation para sa Woman of the Year na gaganapin sa plaza ng Changwon.

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon