CHAPTER 193 " HER MOTHER'S LOVE "

261 14 5
                                    

(KINAHAPUNAN) 3:12 PM

Kasalukuyang magkausap sina Adrian at Detective Menard Jung sa isang simpleng kainan sa Changwon. Ipinanuod sa kanya ng detective ang isang kopya ng video mula sa kanyang cellphone na hawak. Ito ang footage mula sa dashcam ng kotse ni Victoria Stacey ng araw na dukutin siya ng mga armadong lalaki. " I-imposible... papaano niya nagawa 'yun. "

" Mukhang kasabwat itong babae na sinasabi mong kasama ng tiyahin mo sa nangyaring pagdukot. "

" Hindi ko po maintindihan. Paano niya magagawa 'yun kay Tita Victoria? Kinupkop siya ng tiyahin ko... pinag-aral pa... binihisan... tinratong kapamilya... " napapikit ang mga mata ni Adrian kasabay ng paghinga nito ng malalim.

" Ang video na 'yan ay galing sa dashcam ng kotse ni Ms. Victoria Stacey na itinatago sa Changwon Police Station. Hawak ni General Min mismo ang dashcam pero mabuti na lang at nakapuslit ako para makakuha ng kopya, " pahayag ni Detective Jung sa binata.

" Pero bakit nila tinatago ang katotohanan... hindi ba dapat tulungan nila kami na mahanap ang tiyahin ko at mahuli si Mira!? Anong klaseng mga pulis sila! "

" Bata, huminahon ka muna... huwag kang gumawa ng eksena rito, " napatingin sa paligid ang detektib.

" Paano naman po ako hihinahon kung may maling nangyayari. Napaka-unfair po ng serbisyo nila sa aming mga humihingi ng tulong. "

" Kaya nga 'di ba tinutulungan kita. Tandaan mo bata pasikreto lang ang ginagawa kong pagtulong sa 'yo. I don't know what their motive in hiding this video sa media pero hindi na bago 'yun dito sa Changwon dahil hawak sila ng mga d' Ultima, " pahayag ni Detective Jung.

Naging mahinahon naman si Adrian sa harap ng detektib na kanyang kausap. " Kaya pala kahit anong update ay wala silang maibigay sa akin dahil mismong sila ang nagtatago ng katotohanan. "

" Ganon na nga. By the way, may naiisip ka ba'ng rason kung bakit nagawa nu'ng Mira 'yun sa tiyahin mo? "

" Wala po. Napakaganda ng relasyon nilang dalawa. Kinupkop ni Tita Victoria si Mira sa lansangan dahil naaawa siya rito na pakalat-kalat at nagbubungkal ng pagkain sa mga trash bin sa tinutuluyan niyang condo unit. "

" Kinupkop? "

" Isang pulubi noon si Mira na mahilig magbungkal sa mga basurahan. "

" I see. Kung pulubi pala si Mira... anong koneksyon niya sa mga d' Ultima. "

" Ano pong ibig ninyong sabihin? "

Bahagyang inilapit ni Detective Jung ang sarili nito kay Adrian. " Kapag kasi hindi lumalabas sa media ibig sabihin may kinalaman 'yun sa mga d' Ultima. Kaya kung itinatago ni General Min ang dashcam video sa kotse ng tiyahin mo. It means may koneksyon ito sa mga d' Ultima na maaaring makasira sa pangalan nila. "

" Koneksyon? Ah! Tama... magkalaban po ang kaibigan ni Mrs. d' Ultima at ang tiyahin ko noon sa Woman of the Year. Malamang kaya nila ginawa 'yon para hindi makadalo ang tiyahin ko sa event. "

" Ganon? Parang ang babaw naman ng dahilan nila kung gagawin 'yun. Bueno, ito ba'ng sinasabi mong kaibigan ni Mrs. d' Ultima ay 'yung nanalo sa Woman of the Year last week? "

" Opo. Si Luciana Campbell. "

" Kung ganon maaaring may kinalaman din siya sa nangyari. Dahil ang pagkawala ng tiyahin mo ay magiging dahilan ng pagkapanalo niya. "

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon