CHAPTER 132 " BLOODY VALENTINE " (PART 2)

1.3K 65 18
                                    

" Hey, Adrian, wala pa ba si Resha Kim? " tanong ni Eriol sa binata.

" Wala pa po siya. "

" Kaya pala malungkot ka, " nakangising saad nito.

" Paano ako'ng hindi malulungkot. Wala pa po 'yung girlfriend ko, " sagot ni Adrian at naglakad nang palayo.

" Good evening po, Mr. Nam. "

Napalingon naman ang binatang instructor. " Yes? "

" Ako nga pala si Nicole. Sophomore po ako rito sa KNU, " masayang pakilala ng dalaga.

Ngumiti si Eriol. " Okay, so what can I do for you? "

Biglang sumabat si Marie. " Mr. Nam, puwede niyo po ba'ng isayaw si Nicole. Kasi po crush niya po kayo... "

" Ano ka ba Sis... nakakahiya ka, " sambit ni Nicole sa kaibigan.

" Yeah, sure. Halika Ms. Nicole isasayaw kita. "

Walang mapaglagyan ang kasiyahan ni Nicole nang marinig ang sagot ni Eriol. " To-totoo po ba 'yan? "

" Oo naman. Sakto maganda ang love song na tumutugtog ngayon, " hinawakan ng lalaki ang kamay ni Nicole at nagpunta sila sa mga estudyanteng sumasayaw.

" Goodluck Sis! Magpakasaya ka d'yan sa crush mo ha, " masayang kantyaw ni Marie habang nakatingin sa kaibigan.

Samantala nang dumating si Felix ay nagkagulo ang kababaihang mga estudyante.

" Felix, sayaw naman tayo! "

" Ang guwapo talaga ni Felix d' Ultima! Ayee! "

" Parang awa mo na Felix sumayaw tayo... "

" Hello, Felix? " bati ni Marie sa binata.

" Hi. "

" Wala ka yatang kasama ngayon? "

" Yup, ikaw hindi mo yata kasama si Chelsea Young? "

" Ah, hindi yata siya makakapunta ngayon. Narealize ko rin kasing dumistansya sa kanya. "

" I see, mukhang nagbago naman na siya. "

Hello? Baka naging weird na rin siguro. Hindi magbabago ang babaing iyon dahil gusto niya siya lang ang sikat dito sa KNU. (Marie)

" Nagbago nga siya. Mas lalu na siyang lumala. Alam mo 'yun, dahil sa hindi ka niya nakuha kay Lucy Hyun kami lagi ni Nicole ang pinagbubuntungan niya ng galit. "

" Talaga. Nakakaawa naman ang kalagayan niya. Kayo na nga lang ang mga kaibigan niya rito tapos ginaganyan pa niya kayo. "

Umarte ang dalaga na umiiyak. " Ho-honestly, hindi naman talaga kami nagagalit kay Lu-Lucy Hyun eh. Kasi ang gusto ni Chelsea ay tulungan namin siya sa mga bi-binabalak niya noon. Felix, nagagalit siya sa amin kapag kinokontra namin ang mga gusto niya huhuhu. "

" So, you mean sunud-sunuran kayo ni Nicole sa kanya? "

Biglang lumapit ng bahagya si Marie sa binata at niyakap ito. " Oo huhuhu... wala kaming magawa kasi sa-sabi niya kapag raw hi-hindi kami sumunod. Ipapaexpel niya kami ni Nicole huhuhu "

" Ngayon alam ko na ang totoo, " sambit ni Felix.

Nagtaka naman si Nicole sa kanyang nakita. Hindi niya maisip kung paano nakausap ni Marie si Felix at nakayakap pa ito sa binata habang umiiyak.

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon