CHAPTER 160 " THINK TWICE, MOVE WISE "

1.1K 29 10
                                    

" Why... what's wrong Adrian? "

" May nararamdaman po akong mga tao sa labas... " naging kulay asul ang mga mata ng binata. Agad itong umakyat papunta sa itaas ng bahay.

Samantala habang nakamasid ang dalawang miyembro ng grupong The SON sa labas ng bahay ay napag-usapan ng mga ito ang kanilang mga napapansin.

" Wala naman yata siyang kasama sa bahay na 'yan, " saad ng isang lalaking nakasuot ng black robe na nagtatago sa dilim.

" Paano mo nasabi... nakapasok ka na ba d'yan? " tugon ng kasama nito.

" Hindi, pero wala kasing sumalubong sa kanya kanina ng pumasok siya sa pintuan. "

" Baka naman natutulog na. "

" Hmm, bakit kaya siya pinasusundan ni Eriol sa atin. "

" Ang nasabi niya lang sa akin eh isa ring supernatural being ang lalaking 'yan. Matagal niya nang alam na may kakaiba rito dahil nakakagamit ito ng kapangyarihan. "

" Really? Nasabi niya ba sa 'yo kung anong klaseng halimaw 'yung lalaking ito. Saka pumapatay din ba siya tulad ni Nathalie d' Ultima... "

" Sino kayo? " saad ng isang tao mula sa kanilang likuran.

Nagulat naman ang dalawang lalaki dahil bigla na lang sumulpot ang isang nilalang sa kanilang likuran. " Si-sino ka... pa-paano ka nakapunta rito sa amin... " Agad namang bumunot na isang bagay sa tagiliran nito ang kanyang kasama. " H'wag kang lalapit sa amin... " hinahawi nito ang kanyang kamay hawak ang isang maliit na patalim.

" Ang lakas ng loob niyong magpunta rito ngayon. Bakit kayo narito? " tanong ng tao na nakasuot ng white robe. Natatakpan ng mahabang hood ang mukha nito.

" Hahaha! Bakit naman.. namin sasabihin sa 'yo!? Hindi ka nga namin kilala... kung ako sa 'yo h'wag mo na kaming pakialamanan. "

" Tama! Isa pa, hindi mo ba kami nakikilala? Miyembro kami ng grupong The SON na tumutugis sa mga halimaw na narito sa aming bayan. Bakit nakasuot ka ng white robe? H'wag mong sabihin na mayroon ka ring grupo, " dagdag pa ng isa.

Mabilis na hinawakan ng taong nakaputi ang kamay ng lalaki. Hinugod nito ang hawak na patalim at itinulak sa kasama nito. " Umalis na kayo ritong dalawa bago pa ako may gawin sa inyo. "

" Hindi kami aalis rito hanggat hindi pa namin nakikita ang lalaking nakatira sa bahay na 'yun! "

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon