CHAPTER 172 " TALES OF RUBY CAMPBELL "

385 16 1
                                    

(BACKSTORY)

"Seoul" 1998

" Henrik, sa tingin mo ba matutuwa ang lolo ko sa pasalubong natin sa kanya? " masayang pinagmamasdan ni Ruby ang mga bulaklak na ginawa nitong kuwintas na kinuha niya sa garden ng mansyon.

" Henrik, sa tingin mo ba matutuwa ang lolo ko sa pasalubong natin sa kanya? " masayang pinagmamasdan ni Ruby ang mga bulaklak na ginawa nitong kuwintas na kinuha niya sa garden ng mansyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Ah, hindi ko lang alam Ruby dahil galing naman sa garden 'yang mga bulaklak. Pero sigurado akong mahal na mahal ka niya kaya kahit anong gawin mo ay tatanggapin niya. "

Biglang idinantay ng dalaga ang ulo niya sa balikat ni Henrik. " Ito lang kasi ang naisip kong pasalubong sa kanya. Alam kong pagod siya sa biyahe niya mula sa America. Tingin mo ba, hindi niya ito magugustuhan? " naging seryoso ang boses nito.

Napangiti naman ang binata. " Huwag ka ng malungkot d'yan dahil mahal na mahal ka ng lolo mo kaya alam kong magugustuhan niya 'yan. Napakaganda nga ng kuwintas na ginawa mo. "

Bahagyang pinisil ng dalaga ang pisnge ng kanyang katabi. " Ikaw talaga, habal tumatagal marunong ka na ring mambola... " Tumayo ito bitbit ang mga bulaklak na ginawang kuwintas. " Halika na nga at hintayin na natin siya sa maindoor ng mansyon! Bilisan mo Henrik! " hila nito ang isang kamay ng binata habang nagmamadaling tumakbo.

" Kamusta naman po ang bakasyon niyo sa America? " saad ni Ruby habang kumakain kasama sina Maestro at Henrik.

" Ayos naman ako apo. Ikaw, kamusta na kayong dalawa ni Henrik? Balita ko ay palagi raw kayong magkasama ha, " nakangiti nitong pinagmamasdan ang dalawa habang kumakain.

" Ah, okay naman po kami. Marami na rin siyang alam lolo. Alam mo ba na marunong na si Henrik mambola? Hahaha! "

" Talaga? " napatingin ito sa binata na nasa kanyang kanan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Talaga? " napatingin ito sa binata na nasa kanyang kanan. " Totoo ba 'yun Henrik? Sabi ng apo ko marunong ka na raw mambola? Hahaha! " naghiwa ng steak ang matandang lalaki.

" Ma-mambola? Iyon po ba ang tawag sa pagsasabi na maganda ang isang bagay? " hindi alam nito ang kanyang sasabihin.

" Hahaha! Sinabihan mo ba'ng maganda ang apo ko? "

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon