CHAPTER 191 " MAY I STAB YOU IN THE BACK? " PART 1

271 17 6
                                    

(CHANGWON PLAZA) 6:30 PM

Bago pa man mangyari ang 7th local election bukas ay mauuna ng hirangin ng taong-bayan ang panibagong babaeng makokorohan upang kilalanin bilang Woman of the Year. Ipinakilala ng emcee ang mga kilalang bisita na dumalo sa pagtitipon gayundin ang mga kandidatong naroon. Tanging sina Victoria Stacey at Miriam Ma ang hindi nakadalo sa nasabing selebrasyon. Habang nasa loob ng tent abala si Nicole sa paglalagay ng make-up sa kanyang mukha. Samantala, kausap naman ni Chelsea si Vincent sa cellphone nito. " Na-nandito ka ngayon? Saan? "

" Hindi ko na sasabihin sa 'yo kung nasaan ako para hindi ka kabahan mamaya, " biro ng binata na nasa kabilang linya.

" Me... kakabahan? Imposible dahil kakanta lang naman kami ng friend ko sa opening... " nang mapansin ni Chelsea sa labas na papunta sa tent nila si Kashmir na nagpapanggap bilang si Luciana ay kaagad na itong nagpaalam sa kausap. " Sige na, magpeprepare pa ako. Bye. "

" Uyy, sino ba 'yan? Ikaw ha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Uyy, sino ba 'yan? Ikaw ha... lumalovelife ka na ata Sis! Hindi mo ba ako kukuwentuhan sa lucky guy na 'yan? Hmm! " panunukso ni Nicole sa kaibigan nito matapos magretouch ng make-up sa mukha.

" He is a friend. Okay. "

" Finally, nakita rin kita Chelsea," bulalas ni Kashmir ng makapasok sa tent kung nasaan ang taong kanyang hinahanap.

" Wh-what's the matter? "

" I need your help. "

" OMG! Na-nandito si Ms. Luciana Campbell!!! " kinikilig si Nicole ng makita ang taong kausap ni Chelsea.

Isang ngiti naman ang isinukli ni Kashmir habang siya ay nagpapanggap. " We have something to talk... hihiramin ko na muna siya ha? "

" Su-sure! Kahit huwag niyo na siyang ibalik hehehe! "

Nang makalabas sa tent ang dalawa ay kaagad sinabi ni Kashmir ang kanyang problema kay Chelsea. " Kinakabahan ako... what if magkamali ako mamaya. Hay, what should I do? "

" Ano ka ba, hindi ba inaral na natin kung paano kumilos si Luciana kaya wala kang dapat alalahanin. "

" Pero alam mo namang nahihirapan pa rin ako kung paano ko gagayahin ang paggalaw niya... tulad ng paglalakad nang ganito kataas ang heels. Tulungan mo ako baka magkamali ako mamaya. "

Hinawakan naman ni Chelsea ang kanang kamay ng blood hag na nasa kanyang harapan. " Relax. I know mahirap kasi biglaan 'yung pagpapanggap mo bilang si Luciana. But don't worry kung hindi mo ma-perfect ang pagkilos mo mamaya because we both know na nagpapanggap ka lang naman. "

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon