CHAPTER 148 " FACE TO FACE " PART 2

1K 43 5
                                    

" Sa wakas nagkita tayong muli Henrik, "  saad ni Veldrin habang matalim na nakatingin sa binata.

" Sino siya Maya? " sambit ni Henrik.

" Siya si Veldrin. Siya ang kapatid mo Henrik dito sa Alfeia. "

" Kay tagal ko'ng hinintay ang pagbabalik mo mahal kong kapatid. Saan ka ba nagpunta at ngayon ka lang nagpakita. "

" Hindi mo na kailangan pa'ng malaman kung saan ako nagpunta Veldrin. Nandito ako para iligtas ang aking mga kauri. "

" Nagpapatawa ka ba Henrik. Hindi mo na magagawang iligtas sila... dahil dito pa lang papaslangin na kita! Ahhh!!! " naglabas ng itim na liwanag si Veldrin sa kamay nito. Tila isang apoy ang kanyang nasa palad at mabilis niyang inilahad ang kanyang mga kamay papunta kina Henrik at Maya.

" Maya! " niyakap ni Henrik ang dalagang dryadalis upang iiwas sa itim na mahikang ibinabato sa kanila.

" Sugurin sila! Wala kayong ititirang buhay! " singhal ni Veldrin sa mga alagad na kasama. Agad namang binunot ng mga alagad nito ang kanilang mga sandata at nag-umpisa nang tumakbo upang sumugod.

" Henrik, humanda ka na dahil ito na ang laban na matagal mo nang minimithi para sa iyong mga magulang, " ani Maya at inilahad nito ang dalawang kamay upang maglabas ng dilaw na liwanag.

*****

Matapos kumain ay nagtungo sina Eliziah at Debbie sa terrace kasama si General Min. Pinag-uusapan nila kung ano na ang balita sa dalawang armadong lalaki na nagtangkang dukutin si Debbie noon.

Samantala si Nathalie at Chelsea naman ay abala sa pakikipagkuwentuhan kay Lucy sa living room ng mansyon. " So, kailan ka pa nakabalik ng Changwon? " tanong ni Nathalie matapos uminom ng champagne.

" Last week pa. "

" Hindi mo man lang ako sinabihan na nakabalik ka na rito. Hindi ka tuloy nainvite ni Mama. "

" It's okay Nathalie, after all si Felix naman ang nag-invite sa akin dito ngayon. I guess hindi naman ako naging gate crasher, " nakangiting sagot ni Lucy.

" Ikaw pala ang owner ng Campbell Jewelries sa Seoul right? " sambit ni Chelsea.

" Yeah, pero hindi lang ako ay may-ari nito kundi 'yung Lolo ko. Actually nagpunta ako sa Seoul nitong nakaraang linggo to meet our foreign investors. Kaya wala ako rito sa Changwon. "

Hinawi ni Nathalie ang kanyang buhok. " Sinabi nga sa akin ng mga muchacha mo nu'ng nagpunta ako sa mansyon mo. Well, gano'n ka pala kaabalang tao 'no. 'Yung tipong hindi mo mahahagilap kung nasaan. "

" Nagpunta rin kami ng kaibigan ko sa inyo kasi gusto ko sanang tumingin ng mga alahas na ibinebenta mo and at the same time to say sorry na rin about last time sa ginawa ko sa 'yo rito, " dagdag ni Chelsea na medyo nahihiyang magsalita. (Read: Chapter 120 The Face Of Darkness -BOOK 2)

" You know past is past. Kung magpapadala ako sa nangyari noon sa atin I'm sure magagalit din ako sa 'yo ngayon Ms. Chelsea Young. But I decided na mag-move on because mas magandang magkaroon ng mga bagong kaibigan kaysa magkaroon ng mga sikretong kaaway, " nakangiting sagot ni Lucy kay Chelsea. Matapos nito ay tumingin siya kay Nathalie. " Right Nathalie? "

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon