CHAPTER 197 " TIME TO REVEAL THE TRUTH "

203 12 7
                                    

Patuloy pa rin ang paglalaban ng mag-ama sa loob ng malaking pentagram. " Kung ako sa 'yo sumuko ka na lang dahil kahit ano pa 'yang gawin mo... hindi mo kakayanin ang isang tulad kong malakas na warlock na nakakagamit ng itim na mahika! Hahahahaha! " patuloy sa pagwasiwas ng hawak niyang malaking espada si Viktor habang paulit-ulit namang iyong sinasalag ni Resha gamit ang pananggalang sa isang kamay. Gumamit na rin ng Force Sword Spell ang dalaga upang magkaroon ng malaking espada sa kabila nitong kamay. " Ahhh... ahhh... bu-buong buhay ko... hinintay ko ang araw ng pagbabalik mo... ang magkasama tayong muli pero... ahhh... ahhh... hindi ko inaasahang magiging isang bangungot lang pala ang makita ka pa! Ahhhhh!!! " buong lakas na nakipag-espadahan si Resha sa kanyang ama.

" Gano'n ba, sorry kung nasira ko ang expectation mo ha. " Nag-usal ng panibagong spell si Viktor na pinatama sa pananggang ginagamit ng kanyang anak na mangkukulam. " Tignan natin kung makakapagsalita ka pa kapag tinamaan ka ng mga ito! " Nagbadya ang kalangitan at tumama ang kidlat sa Wave Shield na hawak ni Resha sa isa nitong kamay. " Ahhhhhh!!!!! " sigaw nito habang nakakaramdam ng malakas na kuryente sa katawan na naging dahilan upang mapatalsik siya at magpagulong-gulong sa lupa.

" Hindi uubra sa Thundercloud Spell ko ang panangga mong gawa sa elemento ng tubig. Makukuryente ka lang kapag ginamit mo pa ulit ang Wave Shield na 'yan! " itinuro ni Viktor ang anak gamit ang hawak nitong malaking espada sa kamay. " Sigurado akong... " hindi na natapos ng warlock ang kanyang sasabihin ng makita nitong nakakakilos pa ang kanyang anak sa kabila ng tinamo nitong kuryente sa katawan.

Kung patuloy kung gagamitin ang Cure Spell sa mga sugat ko tiyak na maubusan ako ng enerhiya panglaban sa kanya. Marami siyang alam na elemental spells pero hindi ako puwedeng sumuko kung gusto ko pang mabuhay. (Resha)

Muling nagpakawala ng sunud-sunod na kidlat si Viktor mula sa langit papunta sa kanyang anak. Kaagad namang gumamit ng Binding Earth Spell si Resha upang salubungin ang mga kidlat na tatama sa kanya. Pagkatapos ay naisipan niyang gamitin ang sariling dugo mula sa kanyang mga sugat upang magamit ang isang uri ng Blood Spell ang Blood Armor Spell.

" Hahahaha! Sinabi ko naman sa 'yo hindi mo ako kakayanin. Humanda ka na dahil magkikita na kayo ng iyong ina sa kabilang buhay hahahaha! " pahayag ni Viktor habang pinagmamasdan ang dalagang mangkukulam ng bigla itong natigilan sa kanyang nakita. " Paanong nangyari 'yon? Sa mga sugat na mayroon ka at mga kidlat na sunod-sunod kung ginamit sa 'yo paano ka pa nakakatayo ngayon!? "

" Papa... ahhh... ahhh... " napangisi naman si Resha habang pinagmamasdan ang reaksyon ng kanyang ama na nanlalaki ang mga mata sa galit. " Masyado mo naman akong minamaliit. Nakalimutan mo yata na nasa akin ang aklat ng mahika ng mahabang panahon, " bigla na lang nakaramdam si Viktor ng init sa kanyang mga sugat sa katawan hanggang makita niyang nag-aapoy ito. Mabilis siyang napatingin sa kanyang harapan at doon ay napansin niyang peke ang kalaban niya.

Nalinlang niya ako... malamang gumamit siya ng isang salamangka na nakakagawa ng ilusyon upang malinlang niya. Pero nasaan siya... wala siya sa likod at harapan ko... nasaan ang batang iyon!? (Viktor)

Mabilis na nawala ang apoy sa mga sugat ng warlock gamit ang isang uri ng Cure Spell. " Magaling... mukhang may ibubuga ka pala sa paggamit ng mahika. Nagawa mong itago ang tunay na ikaw ng hindi ko napapansin..." agad pumadyak ng malakas sa lupa si Viktor na naging dahilan ng malakas na pagyanig ng lupa hanggang sa bumuka ito at iluwa si Resha mula sa ilalim. " Pero hindi uubra sa akin ang mga pakulo mong iyan! " tinangka niyang saksakin ng espada ang anak ngunit bigla itong naging anyong ibon kung kaya't nakailag. Gumamit si Viktor ng Frost Fall Spell upang mapalamig ang loob ng pentagram at mahirapang makalipad ang ibon ng dahil sa sobrang lamig. " Pareho tayong magtitiis sa lamig hanggang mamatay ang isa sa atin! Hahahaha! "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon