CHAPTER 158 " SWEEP SOMETHING UNDER THE RUG "

1.3K 53 10
                                    

" I'm sorry kung nahuli ako ng dating, " saad ni Margareth bago tuluyang umupo sa silya.

" It's okay, kakaalis lang din naman ng kaibigan ko, " tugon ni Chelsea sa kararating lang na doktora.

" So, about saan naman itong imbitasyon mo? "

" Nalaman ko kasi na narito ka ngayon sa Changwon. I guess mas magandang tanungin kita personally about sa mga nararamdaman ko this past few days. "

" Okay, ano ba'ng mga nararamdaman mo? Anyway, can I have this tea? " sabi ni Margareth at sinang-ayunan naman iyon ng dalaga.

" Pagkahilo, pagsusuka at marami pang iba. "

Napangiti bigla ang kausap niyang doktora. " Hindi naman kaya pregnant ka? Hahaha! Just kidding. "

Mahinahong uminom ng tsaa si Chelsea. " Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo Dr. Cheng kaya sana tapatin mo ako tungkol sa U.B. Drop na ininject mo sa akin noon. "

" Okay fine, sa pagkakatanda ko pareho lang iyon sa serum na ginagawa ng father mo rito sa Changwon but like what I said to you noon, may hinalo ako sa serum na ininject ko sa 'yo. "

" Hinalo? A-ano'ng hinalo mo!? " pag-uusisa ni Chelsea sa kanyang nalaman.

" Relax. Don't make a scene here... "

" Paano ako kakalma kung hindi ko alam kung ano'ng hinalo mo sa serum na iyon. "

" Okay, mayroong isang kilalang temple sa China kung saan pinaniniwalaan doon ang mga mythical creatures. Ang serum na ininject ko sa 'yo ay may basbas lang  ng mga monghe doon. Ginawan nila ng ritwal ang serum bago ko dinala rito sa Changwon upang iinject sa 'yo. Gano'n lang ka simple, wala kang dapat ikatakot. "

" Eh, bakit nagkaroon ako ng pakpak noon? Ba-bakit nagkaroon ako ng mga balahibo ng katulad ng sa ibon? "

Nakangiting uminom ng tsaa si Margareth. " Feng Huang, is one of the four famous Chinese mythical creatures. Kung hindi ako nagkakamali it symbolizes sun, warmth, summer and harvest. Feng Huang is said to be born of fire and is considered the emperor of all birds. "

" So, you mean magiging isang taong ibon ako? "

Napangisi na ng tuluyan ang doktora matapos nitong ilapag ang tasa sa lamesang nasa kanilang harapan. " Exactly my dear Chelsea. As I remembered, lumabas ang kakaibang kakayahan mo nang patayin mo noon ang kaibigan mo. You said na nagkaroon ka ng wings and long nails. Ang mga nararamdaman mo lately ay maaaring sintomas na nadedevelop na ang serum sa loob ng katawan mo. In other words, malapit ka nang maging isang halimaw. "

Biglang naging seryoso ang mukha ng dalaga na bakas ang pagkatakot na nararamdaman. " Hindi... hindi puwedeng mangyari 'yun. May ipapakiusap sana ako sa 'yo. "

" What? "

" Puwede ba'ng tanggalin mo ang serum na ito sa katawan ko. "

" Are you crazy? Ano'ng sinasabi mo... hindi na maaaring tanggalin 'yan sa katawan mo. And you should be thankful dahil naging compatible ka sa U.B. Drop na ininject natin noon sa 'yo. "

" Hindi ko na kaya... "

" Chelsea, is there any problem? "

" Wala. Basta ayaw ko na nito! "

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon