CHAPTER 145 " DON'T KILL THE MESSENGER "

1.4K 50 10
                                    

" Pakawalan mo na ako rito Mrs. d' Ultima! Sinabi ko na ang lahat ng nalalaman ko sa babaing iyon... " nakahawak sa rehas na bakal ang lalaking journalist.

" Pinag-iisipan ko pa kung hahayaan kitang nabubuhay sa mundo. Baka kasi kapag pinakawalan kita ay magsulat ka na naman ng mga balita laban sa pamilya ko... laban sa akin, " mariing sagot nito.

" Pinatay mo na ang amo ko hindi ba at sinabi mo'ng papatayin mo ang pamilya ko kung hindi ako magsasalita. Ano pa ba'ng mapapala mo sa akin? "

" Hmm, naaalala ko ang sabi mo sa akin noon marami kayong journalist na kinausap ng babaeng nagbayad sa inyo para sirain ang pangalan ko. Kung sasabihin mo sa akin kung sinu-sino ang mga journalist na kasama mo papalayain kita at bibigyan ng pera upang lisanin niyo ng pamilya mo ang Changwon. "

" Mrs. d' Ultima, h'wag mo nang idamay pa rito ang ibang tao. Huwag mo nang idamay ang mga inosenteng pamilya nila para lang pagtakpan ang dumi ng pamilya niyo. "

Napangisi si Eliziah. " Ang lakas ng loob mo'ng utusan ako sa kung ano ang dapat kong gawin. Alam mo ba'ng bukod sa patay na ang amo mo eh pinapatay ko na rin ang pamilya niya. Gusto mo yatang mangyari 'yon sa pamilya mo? "

" Hindi... h'wag mo'ng gagalawin ang pamilya ko... ma-maawa ka sa mga anak ko! Wala silang kinalaman dito... " pagmamakaawang tugon ng lalaking journalist na nakabilanggo.

" Puwes, makipagtulungan ka sa akin. Sabihin mo kung sinu-sino pa'ng journalist ang kasama mo noong tinanggap niyo ang offer sa inyong 1 million para sirain ako. Kapag nakilala ko ang mastermind ng lahat ng ito pinapangako kong makakalaya ka rito at makakasama mo na pamilya mo, " ani Eliziah at lumayo na sa bilangguan.

---

Nasalubong ni Eliziah ang isa nitong tauhan habang naglalakad siya pabalik sa kanyang opisina. " Ms. Ellie, nagpupumilit siyang makapasok dito. Kailangan niya raw kayong makausap tungkol sa asawa niya. "

" Nasaan na siya? "

" Inihatid ko na po siya sa opisina niyo. "

" May mga napansin ka bang kasama niya sa labas? "

" May dalawa siyang bodyguard na naghihintay sa labas. "

Nang makapasok si Eliziah sa loob ng kanyang opisina ay nakita nito ang gobernador na kanyang tinulungan noon. " Alam kong may kinalaman ka sa nangyari sa asawa ko. Hayop ka! Bakit mo siya pinatay! " mariing saad nito.

Nagpatuloy si Eliziah sa paglalakad papunta sa kanyang silya. " Dahil hinayaan ka niya sa mga baluktot mo'ng desisyon dito sa Changwon. Bakit nagpapasok ka ng isang multi-millionaire na businesswoman dito sa aking teritoryo ng hindi ko nalalaman? "

" At bakit kailangan mo pa'ng pakialamanan ang mga desisyon ko kung ano ang dapat kong gawin. Para sa Changwon ang ginagawa ko! Para sa ikauunlad ng ekonomiya ng ating siyudad! " paliwanag ng gobernador.

Umupo si Eliziah sa kanyang silya sa opisina. " Malinaw ang usapan namin noon ng asawa mo. Tutulungan kitang maging governor dito sa Changwon basta susunod kayo sa kagustuhan ko. "

" Nariring mo ba ang sinasabi mo!? Matagal nang panahon na naging sunud-sunuran sa 'yo ang asawa ko. Pati pamilya namin nadadamay na dahil sa mga ipinagagawa mo sa kanya. Hindi pa ba kami bayad sa lahat ng pagtatakip namin sa baho ng pamilya niyo! " pahayag nito.

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon