CHAPTER 154 " BLOODY MARRIAGE " PART 1

1.2K 41 12
                                    

Matapos ang masamang ginawa ni Nathalie sa kaibigan nito. Bumalik din kaagad siya sa Changwon matapos ng ilang araw na pamamalagi sa hotel. Dumiretso siya sa opisina ng kanyang ina sa slaughter house upang ibalita rito ang mga nangyari. " Gano'n na nga Mama, wala na ang babaing iyon dito sa mundo hahaha! "

" You know napakatanga mo. "

" And why!? Hindi ba dapat matuwa ka pa dahil pinatay ko na siya. "

" Kailangan ko si Luciana. I need her influence pero pinatay mo siya. Alam mo ba 'ng halos 50 % ng sales natin ay apektado na simula ng magbukas ang Stacey's Meatshop. "

" So, ano'ng kinalaman ni Luciana doon? "

" Balak ko siyang gawing modelo ng ating meatshop. Maganda ang background niya at image sa mga tao dahil kilala siya bilang owner ng kanyang sariling jewelry company. Ngayon sino pa ang gagamitin ko para mapataas ang sales natin!? "

" Ako. "

" What the hell. Talagang wala kang magawang maganda para sa pamilya natin... para sa business at para sa sarili mo, " napahawak sa noo si Eliziah na bahagyang nakayuko dahil sa pagkadismaya.

" Babalik na si Henrik, " sambit nito na naging seryoso bigla ang mukha.

" So? "

" Magpapakasal na kami. Ngayong wala na ang balakid sa aming dalawa. Mangyayari na ang pangarap ko. "

" Wow, gusto mo ba'ng magpaparty ulit ako para sa 'yo dahil sa pangarap mo. Tsk! Sinasabi ko na nga ba, pinatay mo si Luciana dahil sa walang kwentang lalaki na 'yon. "

" Mama, nag-usap na tayo hindi ba. Hayaan mong pakasalan ko si Henrik at aalis na kami rito sa Changwon. "

" How many times ko ba'ng sasabihin sa 'yo na humanap ka na lang ng iba. Do you think na magpapakasal siya sa 'yo dahil patay na ngayon si Luciana? Mag-isip ka nga Nathalie. "

" Basta. Kung hindi rin siya mapapasaakin papatayin ko rin siya tulad ng ginawa ko kay Luciana. "

" Whatever. "

---

Nagpunta si Nathalie sa mansyon ni Lucy. Gumawa siya ng huwad na pangyayari tungkol sa nangyaring bakasyon nila ng dalaga sa Jeju Island. " Natatakot na ako, hindi ko makontak ang cellphone ng amo mo. Akala ko naman umuwi na siya rito sa Changwon dahil ang sabi niya sa akin tumawag sa kanya si Henrik. Nagpaalam pa siya sa akin na mauuna siyang bumalik dito. Actually, sinasama niya na nga ako pero ang sabi ko mauna na lang siya. "

" Wala po si Ms. Lucy dito ang alam ko lang ay magkasama kayong dalawa sa Jeju Island, " ani Mandy sa kausap nito.

" Hindi kaya magkasama na sila ni Henrik? Wait, nainform ka ba ng amo mo kung kailan babalik si Henrik dito sa inyo? "

" Hindi po, sa inyo ko lang nalaman na babalik na si Mr. Henrik dito sa amin. "

" Wala kang alam!? " nag-iba ang tono ng boses ni Nathalie.

" Wala po, " umiling ito.

Wala ring kuwenta ang isang ito. Hindi niya alam na uuwi na si Henrik dito sa Changwon. It means si Luciana pa lang ang nakakaalam ng tungkol doon. (Nathalie)

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon