TO MY BELOVED READERS

1.7K 128 7
                                    

Hello everyone! This is MasterJey24 kung binabasa mo ito ngayon. I'm sure marunong ka na talagang magbasa. Hahaha! 😜😜😜
Gusto kong sabihin sa inyo na hanggang ngayon ay nag-iisip pa rin ako ng effective plot para sa book 3. Actually, mayroon na talaga itong plot dati kaya lang since binago ko ang book 2 kaya may pagbabago na rin akong gagawin sa book 3.

Sa ikatlong bahagi ng buong kuwento ay isasalaysay ko ang back story ni Henrik at kung sisipagin pa ako ay malalaman niyo na rin ang tunay na pangalan ni Maestro. Sino ba talaga siya? Hahaha! 😝😝😝
Maraming mga pangyayaring hindi naganap sa book 2 tulad ng character ni Kim Taehyung -V na dapat ay kasama roon at ang nangyari sa ama ni Resha matapos silang iwan nito.

Ang buong book 3 ay tatalakay about sa mga nakaraan. Hindi ko masasabi kung marami akong supernatural beings na gagamitin para sa yugtong ito ngunit sinisigurado ko na maraming mamatay sa characters dito. Dito ko na rin ipapakilala si Odeth kaya kung nagbasa ka talaga ng book 1 at 2 ay gets mo na ang ibig kong sabihin. Malalaman niyo na rin kung ano'ng klaseng nilalang si Adrian at kung matatanggap ba siya ni Resha. Hello sa mga IU-Jungkook dyan! Hahaha! 😜😜😜

So far, ayan pa lang ang aking mga naiisip pero malay natin biglang magbago muli. Anyway, bago matapos ang lahat gusto kong iparating ang mga mensahe ko sa iba't-ibang klase ng readers ng book 1 at 2 na maaaring magbasa rin nito. 😊😊😊

Para sa mga hindi nakakaintindi ng sinusulat ko. " Please lang, h'wag niyo nang ituloy kung nag-guguluhan po kayo. Hindi po ako fan ng P.O.V. (Point Of View) kaya magbasa na lang kayo ng ibang kuwento. Hindi uso sa akin ang P.O.V. na nakikita ko rin sa ibang mga kuwento rito. "

Para sa mga nagrerequest ng update. " Ate, bago ka naman magrequest siguraduhin mo muna na bumoboto ka at naiintindihan mo 'yung kuwento. Hindi 'yung makapag-request ka ng update akala mo may ipinatago ka sa aking kuwento. Mahirap kayang mag-isip ng isusulat, try mo kaya tapos 3,000 to 3,500 words per chapter ha. "

Para sa mga sumusubaybay, sumusuporta, bumoboto at nagbabasa. " Maraming salamat po sa inyong oras na inilalaan para basahin ang kuwentong gawa-gawa ko lang. Kayo ang dahilan kung bakit nagpapatuloy ako sa pagsusulat. Kaya lang minsan din unawain niyo na may personal life ako at may work. H'wag din po'ng magdemand agad ng update dahil kahit ako hindi ko rin alam kung anu-ano ang isusulat ko. Iniisip ko pa po at nagsesearch pa minsan sa google. Chill lang po sa paghihintay h'wag po'ng reklamador para happy lang. "

- MasterJey24 😊😊😊

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon