CHAPTER 122 " LIGHT UP MY LIFE "

2.6K 90 1
                                    

" Henrik, may problema ka ba? " tanong ng matandang katulong sa binata na kanina pa nakatingin sa flower vase.

Sumagot ito. " Wala naman po. May iniisip lang ako Manang Carol. "

" Mukhang napakaseryoso ng bagay na iniisip mo Henrik, " ngumiti ito at binigyan ng tasang may kape ang binata.

" Salamat po. "

" Napapansin ko na halos isang buwan ka nang gan'yan hijo. Gusto mo ba'ng ikuwento sa akin 'yang iniisip mo? " uminom ng kape ang matanda.

" Nagtataka lang po kasi ako sa mga napapanaginipan ko Manang Carol. Alam kong nakakatawa kung maniniwala ako pero hindi maalis sa isip ko na mukha itong totoo. "

" Hmm... mukhang totoo? "

" Na mayroon akong dapat alamin sa pagkatao ko, " uminom ng kape si Henrik.

" Bakit? Mayroon ka pa ba'ng hindi nalalaman sa sarili mo Henrik. Ang pagkakakilala ko sa 'yo ay personal bodyguard ka noon ni Ruby na namayapang apo ni Maestro. Hindi man kita nakilala noon hijo pero alam kong mabuti kang tao, " ngumiti ito sa kausap.

" Ibang bagay po ang tinutukoy ko Manang Carol. Feeling ko hindi lang ako isang bodyguard... feeling ko may dapat akong malaman. "

" What do you mean Henrik? H'wag mo'ng sabihing iniisip mo'ng isa ka ring supernatural being tulad ni Ms. Lucy at Ms. Resha? " Uminom muli ng kape ang binata at napatingin sa flower vase na nasa kanilang harapan ni Manang Carol.

*****

Halos tatlong buwan na ang nakalipas ng mapatay ni Lucy si Dr. Martin Young -ang taong may pakana sa kamatayan ng kanyang pamilya. Alam ng dalaga na maaaring kasabwat siya ni Markus d' Ultima noon sa pagpapapatay sa kanila. Ngunit isa pa ring palaisipan kay Lucy kung bakit ganoon na lamang ang sinapit ng kanilang pamilya. Biglang may kumatok sa car window kung saan nakasakay ang dalagang. " Lucy. "

Agad namang binuksan nito ang pintuan ng kotse. " Kamusta ang kalagayan ni Jewel? "

" Ayun, nakausap ko ang mga kabanda niya at wala pa rin daw response na nangyayari sa katawan ni Jewel. Almost three months na siyang comatose dahil sa nangyari... " sagot ni Resha matapos makapasok sa kotse.

" Ako ang may kasalanan kung bakit siya nagkaganyan. Utang na loob ko kay Jewel ang buhay ko, marahil kung hindi niya ako tinulungan noon sa pakikipaglaban kay Martin Young ay patay na ako ngayon. "

" Lucy, don't blame yourself. Hindi mo kasalanan ang nangyari kay Jewel. Maybe naiintindihan ka rin niya tulad ko, " sagot ni Resha habang nakatingin sa kaibingan nito.

" Hindi ko matatanggap kung may mangyayari sa kanyang masama... "

Hinawakan ng dalaga ang kamay ni Lucy. " Buhay pa si Jewel at comatose lang siya. I know magigising din siya at makakasama natin muli. "

*****

Habang kumakain sina Eliziah at Nathalie ng hapunan. " Nakakapagtaka lang Mama na hindi ka na ginugulo nitong father ni Chelsea Young. Maybe narealize niya na mas makapangyarihan tayo kaysa sa mga halimaw na ginagawa niya. "

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon