CHAPTER 183 " I'M YOUR ENEMY IN DISGUISE " PART 2

302 10 2
                                    

Habang magkausap ang dalawa ay nakatanggap ng text message si Victoria mula sa kanyang pamangkin. " Excuse me, nand'yan na pala si Adrian sa labas, " paalam niya sa dalaga upang pagbuksan ng pintuan ang pamangkin.

Nang makapasok ang binata ay masaya itong sinalubong ni Mira. Yumapos kaagad ito sa braso ng kanilang bisita. " You're here, mabuti naman at naisipan mong bumisita. Sasamahan mo ba ako rito ngayon? "

Napakamot sa kanyang ulo si Adrian. " Ah, nagkakamali ka Mira ang totoo niyan may pupuntahan kasi kami ngayon ni Tita. "

" Gano'n ba. Nga pala, kahapon hindi na kayo tumuloy ni Resha sa orphanage? "

" May biglaan kasi silang inasikaso ng girlfriend niya kahapon sa university. Pasukan na kasi nila sa isang araw, " sagot naman ni Victoria.

" Hmm, kaya pala hindi sila nakapunta. Sayang namigay pa naman kami ng mga school supplies ni Victoria, " nakangiting pahayag ni Mira habang pinagmamasdan ang katabing binata.

" By the way, nakapaglunch ka na ba Adrian? "

" Opo Tita. Pa'no, shall we go? "

" Teka, kararating mo lang ha. Aalis na kaagad kayo? "

" Yeah. Importante kasi ang lakad namin ngayon. "

Kinuha ni Victoria ang kanyang bag at ipinasok ang hawak na cellphone. Matapos nito ay nagpaalam na ang magtiyahin sa dalaga. " Mira, I don't know kung what time ako makakauwi mamaya. Magluto ka na lang ng dinner mo ha. "

" No problem. Mag-ingat kayong dalawa sa lakad niyo. "

" Salamat Mira, " masayang tugon ni Adrian.

" You're welcome, " kumindat pa ito sa binata.

-----

Habang nagmamaneho ng kotse si Victoria ay tinanong siya nang kanyang kasama tungkol sa taong kasama nito sa tinutuluyang condo unit. " Regina Malum, wala ka ba'ng napapansing kakaiba kay Mira? "

" What do you mean? "

" Tsk, hindi naman po sa nag-aassume ako but I think... may gusto siya sa akin. "

" Si Mira? May gusto sa 'yo? "

" Yeah, parang gano'n. Kanina kasi pagpasok ko pa lang sa condo bigla niyang iniyakap 'yung mga kamay niya sa braso ko. Tapos nu'ng nagpasalamat ako sa kanya bago tayo umalis kanina kinindatan niya pa ako. "

" Baka naman masyado lang siyang kumportable sa 'yo? " nakangiting tugon ng babae sa kanyang pamangkin.

" Pero bakit po kay Resha hindi naman siya gano'n? "

" Why, is there anything wrong? "

" Napansin ko rin po nu'ng magpunta kami noon ng girlfriend ko sa condo niyo. Iba siya makitungo at makipag-usap kay Resha Kim. I mean, parang mainit ang dugo niya rito pero sa akin naman hindi siya gano'n. Kaya naisip ko lang baka may gusto siya sa akin? " pahayag ni Adrian sa kanyang kausap.

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon