CHAPTER 165 " HIDDEN AGENDA "

1.2K 37 28
                                    

Napangisi bigla si Jenna at muling tumingin sa babaeng nasa harapan niya. " Impressive, mukhang alam mo kung ano ang bagay na gusto ko. "

" Well, kaibigan ko si Madam V. at naikuwento niya sa akin na mahilig kayo sa alahas. Isang set para sa mga kasagutan na nais ko, " ani Lucy.

Isinara ni Jenna ang briefcase na naglalaman ng isang set ng mga alahas. Tinitigan nito ang dalaga na para bang kinikilatis ng mabuti. " Bueno, pumapayag na ako... "

Lihim na napangiti si Resha ng marinig ang sinabing iyon ni Jenna. Napatingin siya kay Lucy at simpleng nginitian ang kaibigan.

" Pumapayag na kayo? "

" Yes, but in a one condition. I want her to get out, " tumingin ito sa sekretaryang kasama ng kanyang bisita.

" Lalabas siya? "

" Yes Ms. Lucy, I hope na okay lang sa 'yo? " uminom ng wine si Jenna.

Tumango si Resha sa kanyang kaibigan. " Sure, it's okay. Ayesha, iwanan mo muna kami ni Ms. Jenna. "

Sumunod naman ito sa sinabi ni Lucy. Lumabas siya ng opisina ng may-ari ng casino at hinintay na lamang ang kaibigan nitong lumabas. Naisipan niyang gumamit ng restroom at tawagan ang kanyang nobyong si Adrian.

" About sa mga d' Ultima I'm not sure kung halimaw talaga sila. Maybe halimaw sa kasamaan? Hahaha! But one thing I'm sure mayroon kang kalalagyan kapag kinalaban mo sila. "

" Pero totoo po bang impostor lang ang Nathalie na nakilala ko rito sa Changwon? I mean, sinabi ni Ms. Ellie sa presscon niya na matagal na raw patay ang tunay na Nathalie at nakipagkasundo lamang siya sa halimaw para sa seguridad ng pamilya niya. "

" Hmm, hindi ko alam kung ano ang totoo doon. Lately, iyon ang naging issue namin sa organisasyon... ang tungkol sa nangyari sa anak niyang si Nathalie. Iba kasi ang dugo ng mga d' Ultima. Hindi siya katulad ng ordinaryong dugo na alam atin, " pahayag ni Jenna.

Biglang nagtaka si Lucy sa kanyang nalaman. " What do you mean na iba ang dugo ng mga d' Ultima? "

Uminom muli ng wine si Jenna." Well, kapag inofferan ka ng mga d' Ultima na maging kaalyado ng kanilang organisasyon sigurado na ang seguridad at impluwensya mo rito sa Changwon. Pero mayroon pa silang i-ooffer sa 'yo bukod doon."

" And what is it Ms. Jenna? "

" Ang kanilang dugo or should I say Ultimate Blood. "

Ito marahil 'yung sinabi ni Chalix d' Ultima sa akin noong maglaban kami. Iba ang dugo nila. Iba ang dugo ng mga d' Ultima. (Lucy)

" Ano po'ng mayroon sa dugong iyon? "

" As far as I know, ang dugo ng isang d' Ultima ay nakakapagbigay raw ng kakaibang lakas sa isang taong masasalinan nito. Maaring maging malakas ang resistensya ng katawan ng taong mayroon nito at maging makapangyarihan katulad nila. I don't know kung totoo 'yun. "

" Bakit po, hindi ba kaalyado kayo ng mga d' Ultima? It means, may  Ultimate Blood na rin kayo? "

Sinalinan nito ng wine ang baso ni Lucy. " Uminom ka muna... masyado kang maraming itinatanong. " Uminom naman ang dalaga at nakangiti itong pinagmamasdan si Jenna. " So, mayroon na po ba kayong dugo ng d' Ultima sa katawan niyo? "

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon