CHAPTER 131 " BLOODY VALENTINE " (PART 1)

1.4K 69 11
                                    

Biglang tumunog ang cellphone ni Lucy habang nakikipagkuwentuhan siya kay Nathalie. Nagpaalam ito sa kausap at lumayo ng bahagya rito upang sagutin ang tumatawag. " Hello Resh... "

" Happy Birthday Lucy! " masayang bungad ni Resha sa linya.

" Thanks, " napangiti ito.

" Lucy, pasensya ka na kung hindi ako makasagot sa mga tawag mo kanina. Nalowbat kasi ako. Saka hindi ako makakapunta d'yan sa Home of Arshey ngayon. Naiba kasi 'yung schedule ng Pre-Valentines Party dito sa KNU... "

" Gano'n ba, pero makakapunta ka ba mamaya sa mansyon? "

" Oo, pero siguro late na kasi 6pm ang start ng party. Saka gagawa na lang ako ng paraan para hindi na ako maihatid ni Adrian mamaya pag-uwi ko. "

" Sige, doon ka na rin matulog sa mansyon. Mag-enjoy ka mamaya sa party ha. "

Sino kaya ang kausap nito sa cellphone... (Nathalie)

" Oo naman, sayang wala ka na rito. Hindi mo makakausap at makakasayaw si Felix hehehe "

" Oo nga eh, sige na. Goodluck sa inyo ng boyfriend mo, " biro ni Lucy sa kaibigan.

Matapos makipag-usap ng dalaga sa cellphone nito ay bumalik na siya kay Nathalie. " Malamang kaibigan mo 'yung tumawag sa 'yo... " tanong nito.

" Yes, binati lang niya ako, " nakangiting sagot ni Lucy.

Hindi kaya si Henrik ang kausap niya? (Nathalie)

" Great, marami ka nang kaibigan dito sa Changwon? "

Ipinatong ni Lucy ang hawak na cellphone sa lamesa. " Hindi naman... sakto lang. Sakto lang sa listahan ng mga tunay kong kaibigan, " nakangiting sagot nito.

Isang volunteer naman ang lumapit kay Lucy. Sinabi nito na hinahanap siya ni Pastor Shin upang ipakilala ang kaibigan nito sa kanya. " Nathalie, pupuntahan ko lang si Pastor Shin ha. Babalikan kita rito. "

" Sige Luciana, take your time, " nang makaalis na si Lucy ay napansin ni Nathalie ang cellphone nito na nasa lamesa.

Mukhang matatagalan ang babaing iyon. Malakas talaga ang kutob ko na itinatago niya sa akin si Henrik. Kailangan kong kalkalin ang cellphone niya. (Nathalie)

*****

" Pasensya ka na Ellie, hindi namin alam na pupunta ka ngayon dito, " ani Zatur na madaling inilalabas ang mga lulutuin.


" It's okay, mukhang nag-eenjoy kayong magbahay-bahayan ni Kashmir dito, " palakad-lakad si Eliziah.

Napangisi ang lalaki. " Hindi naman, gusto lang naming subukan na mamuhay tulad ng mga tao... tulad ng ginagawa mo. "

" Okay, you mean hindi na kayo pumapatay ng mga tao para kainin ang laman loob nito at ubusin ang mga dugo? "

Biglang sumagot si Kashmir. " Hindi, dahil Blood Hag kami kaya ginagawa pa rin namin iyon. "

Napalingon si Eliziah sa kaibigan. " Akala ko ba sabi ni Zatur sinusubukan niyong mamuhay bilang tao? "

" Katulad ng tao... hindi mamuhay bilang tao, " anito at kinuha ang putol-putol na laman ng tao na nasa freezer.

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon