CHAPTER 166 " FLY ON THE WALL "

671 20 4
                                    

" Mr. Nam, are you okay? " tanong ng isang lalaki na kakilala nito. Nagising si Eriol na nakahiga sa loob ng isang clinic. " Ba-bakit ako narito? " pinilit nitong bumangon.

" Wait, sabi ng doctor natin dito sa KNU. Hindi ka pa puwedeng gumalaw ng gumalaw. "

" Kailangan ko ng umalis... ahhh... " bigla itong nakaramdam ng pangingirot sa kanyang katawan. Napahinto si Eriol sa ginagawang paggalaw.

" Eriol, hindi mo pa kaya you need to rest first. Nakita kita kanina sa court na walang malay. A-ano ba'ng nangyari sa 'yo at nandu'n ka? Puro sugat ang iyong mukha at katawan, " usisa ni Mr. Yung sa kaibigan nitong guro.

Naging seryoso ang mukha ng binata na waring pinipilit alalahanin ang mga nangyari sa kanya bago siya nakita ng kanyang kaibigan. " Ah, ang alam ko ay nakita ko si Adrian doon sa court... "

" Adrian? Hmm, si Mr. Featherwind ba ang tinutukoy mo? "

" Oo, Si Adrian Maxwell Featherwind. Nakita ko siya roon na nagbabasa ng isang book... "

" Okay, eh, bakit puro sugat ka? Saka sabi ng doctor na tumingin sa 'yo kanina para kang kinuryente kaya expected niyang paralisado ka. "

Nakaramdam muli ng pananakit sa kanyang katawan ang binata. Muli nitong naalala ang labanan na nangyari sa kanila ni Adrian sa court ng university. " Ang ta-taong iyon... de-delikado siya Mr. Yung... ahhh... ahh... "

" What? I don't understand. Sino? " usisa ni Mr. Yung sa kanyang kausap. Samantala patuloy pa rin sa pagkirot ang buong katawan ni Eriol hanggang sa hindi na siya makapagsalita dahil sa nararamdamang pananakit.

---

Kasalukuyang pinagmamasdan ni Lucy ang isang larawan nila noon ni Felix. Kuha ito noong magpunta sila sa isang amusement park sa Changwon. Naalala niya ang mga nangyari sa kanila ng araw na iyon.

" Lucy, mukhang seryoso ka sa pagtitig sa picture na 'yan ha. "

Agad inilapag ng pataob ng dalaga ang hawak na picture sa kanyang study table. " Ah, wala lang ito picture lang namin ni Eliziah d' Ultima, " kubli nito.

Napangisi si Resha habang papalapit sa kanyang matalik na kaibigan. Ginamit nito ang kanyang telekinesis upang palutangin ang picture at kanyang makita. " Eliziah d' Ultima pala ha, eh bakit si Felix ang kasama mo? "

Napatayo si Lucy. " Resh, ano ba'ng ginagawa mo... "

" Sorry, nagtaka lang ako Lucy dahil seryoso ka d'yan. Actually, kanina pa nga ako narito pero hindi mo man lang ako naramdaman to the point na isa kang vampire dapat naramdaman mo na ako kaagad kanina pa lang, " hininto nito ang ginagawa.

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon