CHAPTER 157 " I WAS BORN TO SURVIVE "

1.5K 59 11
                                    

Nagbukas ng champagne si Mandy at sinalinan ang mga baso. " Napakasaya ko talaga ngayon kasi wala na ang halimaw ng bayan na si Nathalie! "

" Tama ka Mandy. Atleast, makakahinga na muli ang Changwon sa kasamaang ginawa niya, " tugon ni Resha matapos kumuha ng isang baso.

" Pero ano kaya ang gagawin ng mga d' Ultima ngayon? Nalaman na ng taong-bayan ang kasamaang ginagawa nila. Pati ang tungkol sa pagprotekta sa kanila ng kapulisan, " uminom si Romeo.

" I'm sure, wala na silang magiging takas doon Romeo. Kitang-kita na sa video ang pag-amin ni Nathalie d' Ultima mula sa pagpatay niya sa mga inosenteng tao at hayop lalung-lalu na kay Manang Carol. "

" By the way, nasaan si Lucy? "

" Ang alam ko Ms. Resha nagpunta muna siya roon sa silid kung nasaan ang abo ni Manang Carol, " sabi ni Romeo sa dalaga.

" Kasama si Mr. Henrik, " dagdag ni Mandy na sinimulan na rin ang pag-inom ng champagne.

---

" Kanina mo pa ako tinititigan... " sambit ni Lucy habang pinagmamasdan ang maliit na banga kung saan nakalagay ang abo ni Manang Carol.

" Bigla ka kasing nawala sa ibaba kaya hinanap kita, " pumasok ng silid si Henrik.

" Iniisip ko lang kung masaya si Manang Carol ngayong nabigyan ko na ng hustisya ang pagpatay sa kanya ni Nathalie... "

" Siguro. Pero mas napasaya mo ang taong-bayan dahil ikaw ang naging dahilan para malaman nila kung sino talaga ang halimaw. Maraming napatay si Nathalie rito sa Changwon kaya tama lang na pagbayaran niya ang lahat. "

Humarap si Lucy sa binata. " Hindi ka ba galit sa akin? Hindi ka ba nakokonsensya sa mga nangyari ngayon? "

Nagtaka si Henrik. " What do you mean? "

" Noon kasi natatandaan ko naging apektado ka pagtapos nating patayin si Mina Matsumoto. Naging kaibigan mo siya Henrik. Hindi ko alam kung nagkaroon ka ng feelings sa kanya dati. But I know na nakonsensya ka sa pagpatay natin sa kanya... "

Bigla itong sumagot. " Iba si Mina kay Nathalie. Si Mina ay mabait na kaibigan marahil nakakapatay lang siya dahil isa siyang Rokurokubi. "

" Pareho silang halimaw kaya paano mo nasasabing magkaiba sila ni Nathalie? "

" Si Nathalie... marami siyang pinatay na inosenteng tao at hayop. Pinatay niya si Manang Carol. Pinatay ka rin niya 'di ba. She will do everything to get what she wants. Hindi gano'n si Mina. "

" Gano'n ba, akala ko kasi nakokonsensya ka ulit dahil kay Nathalie. Baka umalis ka na naman, " napatalikod ang dalaga.

" Ang totoo niyan. Isang araw aalis muli ako rito. "

" Ba-bakit? "

" Hindi pa tapos ang misyon ko sa Alfeia. May dapat pa akong malaman. Hindi ko pa napapalaya ang mga kalahi kong dryadalis sa kamay ni Veldrin. "

" Iiwan mo pala ulit kami... "

Nilapitan ni Henrik ang kanyang amo. Iniharap niya ito sa kanya at niyakap ng mahigpit. " Don't worry. Hindi pa naman ngayon. Hindi ko pa nga alam kung paano ako makakabalik doon. Pero gusto kong malaman mo Ms. Lucy na nu'ng nandon ako sa Alfeia... walang oras na hindi kita naiisip. "

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon