CHAPTER 153 " THE DEATH OF LUCIANA "

1.2K 65 5
                                    

" Mr. Nam, puwede ba'ng makisabay sa'yo sa pagkain? " sabi ni Nicole hawak ang tray na naglalaman ng pagkain nito.

" Sure, wala naman akong kasama rito, " sagot nito habang nakangiti. Agad namang umupo ang dalaga sa kaharap na silya ng kanilang batang instructor. " Ms. Nicole, hindi mo yata kasama ngayon 'yung kaibigan mo? "

" Si Chelsea po ba? Ah, absent siya ngayon kasi masama raw po ang pakiramdam niya. " sinimulan nitong kainin ang kanyang pizza na nasa tray.

" I see, matagal na siguro kayong magkaibigan 'no? " tanong ni Eriol sa dalaga habang kumakain.

" Yes po, since elementary magkakakilala na kami nina Chelsea at Marie. "

" Ah, 'yung Marie hindi ba siya 'yung pinatay ng halimaw? "

Tumango si Nicole sa lalaking kausap nito. " Alam mo Mr. Nam, nakakatakot na talaga ngayon dito sa Changwon. Bukod sa marami nang nawawala eh nagkalat pa ang patayan na hindi maipaliwanag. Kahit ang mga pulis hindi man lang masabi kung sino ba talaga ang pumapatay. Kung tao ba o halimaw talaga. "

" Oo nga eh, hindi kaya may nagtatago ng buong katotohanan sa taong-bayan ng Changwon. "

" I don't know, pero sana lang gumawa ng aksyon ang gobyerno tungkol dito. Siguro naman nababalitaan nila ang mga nangyayari rito sa Changwon. "

" Tama ka. Ikaw ba, naniniwala ka ba sa mga halimaw? "

Uminom ng juice ang dalaga. " At first hindi po kasi napapanood ko lang naman 'yun sa mga movies or tv series. Pero nu'ng nakita ko ang nangyari kay Marie. Kitang-kita ko na nag-eexist pala talaga ang halimaw sa mundo. Hays! Hindi na nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kaibigan ko. "

" Nakakapagtaka nga lang Ms. Nicole dahil tanging si Marie Song at 'yung isang sophomore na lalaki lang ang namatay ng gabing 'yun. Hindi kaya personal nilang kilala ang halimaw, " pahayag ni Eriol sa kausap nito.

Napatawa naman si Marie. " You mean kilala ni Marie ang halimaw? Hahaha! Paano mangyayari 'yun eh ever since po na nag-aral kami rito sa KNU ay tatlo lang naman kami nila Chelsea sa grupo namin. "

" Paano 'yung sophomore na lalaki? "

" Ewan ko po, sa pagkakatanda ko kasi manliligaw siya ni Marie. Ilang beses ko na silang nakikita noon na nag-uusap. Wala naman kaming naeencounter na halimaw dito before except sa dalawang anak ng mangkukulam hahaha! "

" Anak ng mangkukulam? Mayroong anak ng mga mangkukulam dito? " nagtaka ang binata na tila interesado sa narinig.

" I mean not literal na anak ng mangkukulam. Iyon lang po talaga ang bansag namin noon kina Lucy Hyun at Resha Kim dito before. "

" Si Resha Kim na girlfriend ni Adrian Featherwind? "

" Yes po, that weirdo guy. Whatever! " kumagat muli sa pizza ang dalaga.

" Matagal na ba silang dalawa? "

" Sino? 'Yung dalawang weird na 'yon. I don't know and I don't care. Duh! Ang tanging alam ko lang po sa boyfriend niya is galing 'yun sa afternoon class before at nagshift lang sa umaga this semester. "

" Alam kaya ni Resha Kim na halimaw siya... " nasambit ni Eriol.

" Wa-wait, ano po'ng sabi niyo halimaw? Sino? " natigilan sa pagkain si Nicole.

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon