CHAPTER 151 " GROWING PAINS " PART 1

981 43 7
                                    

" Kamusta 'yung ipinapagawa ko sa 'yo? " tanong ng dalaga sa kasama nito.

" Ayon, mukhang abala rin pala sa buhay ang heneral na 'yun. So far, wala pa naman akong nakikitang kahina-hinala sa mga ginagawa niya. " patuloy sa pagmamaneho si Jerson.

" Hindi mo ba siya sinundan kung saan siya nagpupunta? "

" Malamang sinundan ko siya. Kanina pa siya nakauwi sa bahay nila. "

" Bukas, buong araw mo siyang imbestigahan. Alam kong may ginagawa silang hindi maganda ni Eliziah d' Ultima, " saad ni Lucy sa binata na katatapos lang iparada ang kotse sa labas ng malaking bahay.

Napatingin ang dalaga sa kanyang relo bago nito tanggalin ang seat belt na nakasuot sa kanya. " 11:28 pm na pala... " lumabas ito sa pintuan ng sasakyan.

*Sniff *Sniff *Sniff

Kumaripas ng takbo si Lucy upang hanapin ang kanyang naaamoy. " Ms. Lucy, saan ka pupunta!? " singhal ni Jerson matapos nitong masilayan ang mabilis na paglisan ng kanyang amo.

Napahinto ang dalaga sa kanyang pagtakbo. Napalunok siya ng malalim habang nakatingala sa isang malaking puno malapit sa kanyang mansyon. Unti-unting pumatak ang mga luha niya sa mata habang pinagmamasdan ang kanyang nakikita. Nakatarak sa katawan ng puno ang mga parte ng katawan ni Manang Carol na naliligo sa dugo. Mulo sa ulo, wasak na dibdib, binti, mga kamay at paa na puno ng sugat. " Ahhh!!! Ahhh!!! Ma-Manang Carol!!! Ahhh!!! Huhuhu!!! Hindiiii!!! Huhuhu!!! " napatakip ang kanyang isang kamay sa bibig. Pailing-iling ito habang umiiyak dahil hindi niya lubusang maisip na ang matandang katulong na itinuring niyang pamilya ay isa na ngayong malamig na bangkay. " Manang Carol huhuhu!!! Huhuhu!!! "

Nagtaka si Jerson nang makita niyang umiiyak ang dalaga. Napadako ang kanyang tingin sa katawan ng matayog na puno at doon niya nakita ang dahilan ng pagtangis ng kanilang among bampira. " Manang Carol... " napapikit ang binata at nakayukong umiling ang mukha. Tila hindi rin siya makapaniwala sa malagim na sinapit ng matandang si Manang Carol.

" Huhuhu!!! Sino'ng pumatay sa 'yo!!! Huhuhu!!! Ahhh!!! Ahhh!!! Sino'ng gumawa nito sa 'yo huhuhu!!! Ahhh!!! Huhuhu!!! Manang Carol huhuhu!!! " halos humagulgol si Lucy dahil hindi niya matanggap ang kinahinatnan ng kanyang butihing katulong. Napaluhod siya sa lupa habang inihahampas ang isang kamay dito. Unti-unting naging kulay itim ang kanyang mga mata at binalot ng maliliit na kulay itim na ugat ang paligid nito. Nagsimula nang mag-iba ang kulay ng kanyang balat. Naglabasan ang matutulis niyang kuko kasabay ng kanyang mga pangil. " Ahhh!!! Papatayin ko sila!!! Ahhh!!! "

---

" Ano'ng ginagawa mo rito sa dis oras ng gabi nang nakahubad? " saad ni Kashmir matapos nitong buksan ang pintuan.

Ngumisi ang dalaga at iniabot ang plastic bag na dala nito. " Dala ko na ang kailangan niyo... "

Nang makapasok si Nathalie sa bahay na tinutuluyan ng dalawang Blood Hags na kaibigan ng kanyang ina-inahang si Eliziah. Sinabi nito na ang mga buhok sa mga suklay na kanyang nakuha ay buhok ng taong kanyang pinaghihinalaan. " So, ang brasong naaagnas na dinala mo rito noon at ang mga buhok sa mga suklay na ito ay sa tingin mong konektado sa isa't-isa, " ani Zatur sa dalaga habang pinagmamasdan ang mga suklay na nasa kanyang harapan.

" Exactly! Iba talaga ang pakiramdam ko sa babaing 'yun. Nararamdaman kong si Lucy Hyun at si Luciana also known as Lucy Campbell ay iisa. Magkamukhang-magkamukha sila. "

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon