CHAPTER 162 " NOW YOU SEE ME "

952 36 8
                                    

Binuksan ni Chelsea ang pintuan ng restroom. " Sorry, na-lock ko pala ang pinto, " sabi nito sa mag-inang nasa kanyang harapan at tuluyan ng lumabas.

Habang naglalakad siya pabalik kay Vincent ay muli itong napatingin sa lamesa kung nasaan si Luciana. Masaya itong nakikipag-usap sa isang matandang babae na mayroong mamahaling mga alahas na suot sa katawan.

" Are you okay? " ani Vincent sa dalaga matapos nitong makabalik.

" Ye-yeah, " ngumiti ito.

" Binayaran ko na pala 'yung bill natin, " tumayo ang lalaki.

" Ha? Bakit mo binayaran... "

" It's okay, siguro mas magandang magpunta na tayo kung saan gagawin ang training mo. "

" A-about doon... pu-puwede ba'ng sa ibang araw na lang? "

Nagtaka naman si Vincent. " Why? May nagawa ba akong mali? "

" Nothing. "

" Kung gano'n bakit nag-iba ka yata ng isip? "

" Kasi hindi ako okay ngayon. What I mean parang hindi ko kayang magsimula ngayon. Maybe next time na lang kung okay lang sa 'yo? " may hiyang pahayag ni Chelsea.

" Well, if that's what you want naiintindihan ko naman 'yun. Tawagan mo na lang ako kapag okay ka na, " tugon ng lalaki.

Ano kayang nangyari at biglang nagbago siya ng desisyon na magtraining. (Vincent)

Sorry Vincent kung hindi tayo natuloy ngayon. Ayaw ko lang na magkaroon ng problema dahil nag-iba ng itsura ang mga mata ko kanina. Mukhang nag-uumpisa na akong maging halimaw. (Chelsea)

Ilang minuto ang nakalipas at lumabas na rin ang tatlo sa restaurant. " Lucy, may naramdaman ako kanina, " pabulong na sambit nito sa kaibigan.

" Ako rin Resha, feeling ko may nakatingin sa akin kanina. "

" Talaga? Hindi kaya supernatural being iyon? "

" Ano? You mean may halimaw sa loob ng restaurant? "

" Hindi ko alam, bigla kasing nawala 'yung naramdaman ko sa loob. "

" Ms. Lucy, ito nga pala ang sasakyan ko, " sabi ng matandang babae matapos huminto ang isang magarang sasakyan sa harapan nila.

---

" Adrian, akala ko ba sabi mo aalis ka na sa Arts Club pagdating ng school break natin? "

" Oo nga, masama ba'ng bisitahin kayo rito Vivian? "

" Hehehe! Hindi, ikaw naman 'di ka mabiro, " yumapos ito sa braso ng binata.

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon