CHAPTER 140 " ACE IN THE HOLE "

1.3K 50 6
                                    

Nang makababa si Maestro sa sasakyan ay kaagad na itong naglakad papasok sa main door ng kanyang mansyon. Wala siyang imik sa bawat tauhan o katulong na bumabati sa kanya habang naglalakad. Seryoso ito at iniwan na sina Lucy at Jerson na kanyang nasa likuran.

" You know, ikaw ang may kasalanan nito eh. Sana hindi ka na lang dumating. Tsk! " pairap na sinabi ni Lucy sa binatang kasabay nito sa paglalakad.

" Baka nakalimutan mo Ms. Lucy ikaw ang nagsimula nitong lahat, " may ngiti si Jerson na sumagot.

" Wow naman sa 'yo grasshopper! Kung hindi mo ako sinabihan ng lampa edi sana hindi tayo aabot sa ganito. "

" Hahaha! Edi lumabas din ang totoo. Kaya ka nagagalit dahil doon. Hindi ba ang sinabi ko lang naman ay siguro hindi ka lampa hindi ko sinabing lampa ka ahaha! " patuloy sa paglalakad ang lalaki habang hinihila ang kanyang maliit na maleta.

Nakaramdam ng inis si Lucy nang sandaling iyon. Agad niyang pinatid si Jerson gamit ang isang paa nito ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nakailag ang binata. " Tsk! Tsk! Tsk! Not so fast. "

" Not so fast ang mukha mo... " agad bumira ng mga suntok ang dalaga ngunit nasasalag itong lahat ni Jerson.

Tinadyakan ng binata ang maleta nito papunta kay Lucy. " I'm not expected na ganito ka kabayolenteng tao Ms. Lucy hihihi! "

" Ahhh! Titirisin kitang grasshopper ka! " agad tumakbo ng mabilis si Lucy at gumawa ng atake sa binata. Hindi siya makapaniwala dahil lahat ng kanyang ginagawa ay sinasalag lamang nito.

Paano niyang nakikita ang bawat galaw ko. Sa bilis kong ito tanging hindi mga ordinaryong tao lang ang makakakita nito. (Lucy)

" Don't ever underestimate me! " sinuntok nito ang tiyan ng dalaga.

" Ahh... ahh... " napaubo ng ilang beses si Lucy habang nakahawak ang isang kamay nito sa kanyang tiyan. Bakas sa mukha ng dalaga ang sakit na kanyang nararamdaman. " Tell me... hi-hindi ka tao! "

Pumamewang ang binata. " Hahaha! Yeah right! Hindi ba grasshopper ako sa tingin mo? " kinuha nito ang maleta.

" H'wag mo akong pinagloloko! " nagpula ang mga mata ni Lucy at kumaripas ng takbo papunta sa binata.

" Hindi ka ba napapagod Ms. Lucy kahit ano'ng gawin mo baliwala sa akin ang lahat ng iyan hihihi "

" Hinding-hindi ako mapapagod hanggat hindi kita natitiris ng buhay! Ahhh! Ahhh! " malalakas na suntok ang pinakawalan ng dalaga.

" Hindi kita papatulan hanggat kaya ko, " patuloy na sinasangga ng binata ang bawat suntok at sipa na ginagawa ni Lucy sa kanya.

" Kaya pala sinuntok mo ako kanina sa tiyan! Itong sa 'yo!!! " gumawa ng fog ang dalaga at doon niya sinimulang pagsisipain si Jerson hanggang gumulong-gulong ito sa sementadong sahig ng mansyon.

Bahagyang bumangon ang binata at pinunasan ang kauntin dugo na lumabas sa kanyang bibig. " Cheater... umpisa pa lang ginagamit mo na ang kapangyarihan mo, " tuluyan na itong tumayo ng maayos habang pinapagpag ang suot na damit.

" I'm a vampire... kaya gagamitin kong lahat ng kakayahan ko kung kinakailangan ito, " nakangiting sagot nito kay Jerson.

" Hmm, I know, it seems na hindi mo kayang tumanggap ng pagkatalo pero bibigyan kita ng advise na maaaring makatulong sa 'yo someday hihihi "

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon