CHAPTER 188 " WOMEN OF THE YEAR " PART 1

236 12 10
                                    

Kasalukuyang naglalakad si Adrian sa loob ng mall. Nagtataka ang binata kung bakit wala sina Victoria at Mira sa lugar kung saan sila dapat magkikita. Ilang beses din nitong tinawagan ang cellphone number ng dalawa ngunit pareho na itong nakapatay. " Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon... para ba'ng may mangyayaring hindi maganda. "

" The number you have dial... " muli nitong pinindot ang end call na nakikita sa kanyang hawak na cellphone.

Ilang minuto ang lumipas matapos niyang hanapin ang dalawa sa loob ng mall. Napahinto siya sa tapat ng isang appliances store. Dinukot niya sa bulsa ng kanyang suot na panglamig ang kanyang cellphone upang tawagan ang numero ng dalawang taong hinahanap niya. " Nasaan ba sila... " nakapatay pa rin ang cellphone ng dalawa. Nang mapadako ng tingin ang kanyang mga mata sa isang 60 inch flat screen TV ay naging seryoso ang kanyang mukha. Samantala, isang store crew naman ng appliances store ang lumabas upang lapitan ang binata. " Sir, maganda po 'yang TV na 'yan. Gusto niyo po ba'ng pumasok muna? "

" Real time ba 'yang news? "

" Ah, yes po. Hindi po 'yan taped. Balita po talaga ngayon 'yan. Grabe 'no... laganap na talaga ang krimen... " Hindi pa man natatapos magsalita ang lalaking store crew ay mabilis nang tumakbo si Adrian. Nagmamadali itong makalabas ng mall upang puntahan ang pinangyarihan ng balitang napanood.

Anong nangyari kay Regina Malum... akala ko ba narito na sila ni Mira kanina pa. Bakit nandoon ang kotse niya. (Adrian)

Nang makalabas si Adrian sa mall ay mabilis itong nagtatakbo ramdam niya ang pumapatak na tubig mula sa langit. Palakas iyon ng palakas ngunit patuloy pa rin siya sa ginagawang pagtakbo upang makanap ng masasakyan. Sa kasamaang-palad ay nabundol siya ng isang kotse na nagmula sa madilim na daan. Napagulong ang katawan ng binata sa sementadong daan habang iniinda ang sakit na nararamdaman sa katawan. Kaagad namang bumaba ang nagmamaneho ng kotse. " Ano ba'ng ginagawa mo!? Magpapakamatay ka ba! Ha? Hindi mo ba alam na hindi ito tawiran ng tao... "

" Tu-tulungan mo ko... kai-kailangan kong makapunta ngayon doon... " sambit nito habang pinipilit ang katawan na makabangon. Tinulungan naman siya ng lalaki at inalalayan hanggang makapasok sa pintuan ng kanyang kotse. " Alam mo ba'ng nagmamadali ako... may hinahabol akong oras ngayon. Kailangan ko ng makabalik... "
Sinabi ni Adrian sa kanyang kausap ang lugar na gusto niyang puntahan. Kailangan daw niyang makita ang kanyang tiyahin dahil napanood niya sa news flash ang nangyari sa sasakyan nito. " Ple-please... you have to he-heelp me... " hanggang sa nawalan na ito ng malay sa upuan.

***

(An hour ago)

Nagising si Victoria nang maramdaman nito ang tubig sa kanyang mukha pababa sa kanyang katawan. Hindi pa siya makadilat ng maayos dahil ramdam niya ang hapdi sa kanyang mga mata. " Ahh... si-sino kayo? Nasa... nasaan ako!? " Unti-unti niyang naaninag ang mga bagay sa kanyang paligid. Kasalukuyan siyang nasa rooftop ng isang gusali habang nakaupo sa isang bakal na upuan. " Pakawalan niyo ako rito... pakawalan niyo ko! Si Mira... Mira! Mira!? Nasaan ka!? " singhal nito sa mga taong kanyang nakikita. Hindi siya makagalaw ng maayos dahil nakagapos ng kadenang gawa sa pilak ang kanyang mga kamay at paa. " Anong ginawa niyo sa kanya!? Mga hayop kayo!!! Nasaan si Mira! Ilabas niyo siya!

" Shhh... ang ingay mo naman... " saad ng babaeng naglalakad papalapit sa taong nakagapos.

" I-ikaw, sinasabi ko na nga ba. Ikaw ang may pakana nito... " sambit ni Victoria ng makita ng tuluyan ang itsura ng taong dumating.

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon