CHAPTER 169 " SHATTERED MEMORIES "

535 22 3
                                    

Matapos kumain ay kinuha na ni Henrik sa kanyang silid ang isang hand carry bag na naglalaman ng ilang damit at gamit nito. Sinabi ni Lucy na mas mainam na doon na muna mag-stay pansamantala ang binata sa apartment na kinuha nito. " Ilang araw lang naman ako du'n 'di ba? Bakit hindi na lang sa isang hotel ako tumuloy. "

" Ayos na 'yun, tulad ng sabi mo may nagmamanman sa akin hindi ba. Baka makita ka pa nila rito sa mansyon kung Hindi ka pa aalis dito. "

" Hindi ba mas lalung kailangan mo ako ngayon lalu na't hindi natin alam kung sinong M ang nag-uutos o kalaban mo? "

Patuloy sa pagkain ang dalaga nang bigla itong uminom ng orange juice. Tumingin ito ng seryoso kay Henrik. " Ayaw ko lang na madamay ka pa. Bayad na ang apartment na 'yun hanggat hindi umaamin 'yung lalaking nahuli mo kung sino ang nagpaggawa sa kanya nito. Doon ka na muna mag-stay. "

" Nag-aalala lang ako sa inyo rito lalung-lalo na sa 'yo... "

" I know, salamat. Sige na, balikan mo na 'yung lalaking nahuli mo at kung may oras ka pa ay manmanan mo sina Eliziah at General Min habang wala ako, " iniabot nito ang isang usb sa binata.

" Ano 'to? "

" Ginawa 'yan ni Jerson noong nandito pa siya. Siya kasi ang sumusunod kay General Min noon baka may mga information d'yan na makatulong sa 'yo. "

Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ng binata papunta sa maindoor ng malaking bahay ay nag-ring ang cellphone ni Lucy. Nakita niyang sinagot ito ng dalaga. " Good morning Ms. Ellie, napatawag ka? " masayang sambit nito sa cellphone.

" Hija, busy ka ba today? Kasi balak ko sanang magcharity works tayo or magvisit sa ilang organizations dito sa Changwon. Alam mo na, halos dalawang linggo na lang yata ang bibilangin natin para sa coronation ng Woman of the Year. Kailangan natin 'to para mas lalung maraming bumoto sa 'yo. "

" Gano'n po ba? Kailangan ba talagang gawin natin 'yan ngayon. "

" Yeah, I know na ikaw naman talaga ang mananalo but of course we need to show them na deserving ka. You know what I mean, " natatawa nitong sagot sa kabilang linya.

" Hmm, pano kaya 'to kasi may inaasikaso ako ngayon Ms. Ellie for our event sa Seoul. To be honest magiging busy ako ng ilang araw. "

" Really. So pupunta ka ng Seoul? Kailan naman? "

Bakit kaya interesado siyang malaman kung kailan ako aalis. (Lucy)

" This week. I am really sorry kung hindi kita masasamahan Ms. Ellie and I hope you understand  na may business ako sa Seoul. "

" It's okay hija. I understand, maybe kapag nakabalik ka na lang rito sa Changwon. Sige , happy trip na lang sa 'yo. Bye, " paalam nito kay Lucy.

Nang makita ni Henrik na tapos na ang pakikipag-usap nito ay tinanong niya ang kanyang amo.  " Anong sabi niya? "

" Nand'yan ka pa pala, " naupo muli ito sa silya.

" Bakit tumawag sa 'yo si Eliziah d' Ultima? "

" Gusto niya lang akong isama sa mga plano niya... " uminom muli ng juice si Lucy. " She said, malapit na raw kasi ang coronation para sa Woman of the Year kaya kailangan naming magpabango ng pangalan sa mga tao para sa kanilang mga boto. "

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon