CHAPTER 133 " THE HOWS AND WHYS "

1.3K 59 7
                                    

Habang umiiyak si Resha sa basketball court ay nilapitan ito ni Adrian. " Resha... so-sorry hindi ko napigilan kanina ang sarili ko. "

" Huhuhu! Bakit ba kailangang umabot sa ganito Adrian huhuhu. Wala naman akong ginagawang masama huhuhu! "

" Alam ko 'yun. Sadyang may mga tao lang na sumisira sa ating dalawa, " tumabi ito sa umiiyak na dalaga.

" Bakit!? Hindi ba tayo puwedeng ma-maging masaya huhuhu! Hindi ko alam kung mali ba na mahalin kita huhuhu! " patuloy sa pag-iyak si Resha.

" Resha Kim, mahal na mahal kita simula pa lang noong makita kita noon. Simula pa lang nu'ng nasa afternoon class pa ako ng first semester. Simula pa lang nang maisayaw kita sa Acquaintance Party... " mahinahong sagot ni Adrian.

" Mahal na mahal din kita Adrian. Pe-pero siguro mas magandang maging magkaibigan na lang muna tayo huhuhu! Kasi ma-mas nasasaktan ako kapag nasasaktan ka huhuhu! " niyakap nito ang binata.

" Resha... " tumulo ang mga luha sa mata ni Adrian.

Ilang sigawan naman ang bigla nilang narinig mula sa mga estudyanteng nagtatakbuhan. Napakalas sa pagkakayakap ang dalaga at tumayo upang makita ang nangyayari. " Wha-what's happening? " pinunasan nito ang kanyang mga mata.

" Mukhang may nangyayaring hindi maganda. "

Napahawak si Resha sa tagiliran ng kanyang suot na gown. Nagsimula itong maglakad papunta sa ilang estudyanteng nakikita. " A-ano'ng nangyari? Bakit kayo nagtatakbuhan? "

" Ma-may pa-patay doon... " utal na sagot ng lalaking estudyante.

" Patay!? "

" Oo! Kilala mo 'di ba si Marie Song 'yung kaibigan ni Chelsea Young. Patay na siya! "

Hindi makapaniwala si Resha sa narinig. " Pa-pa'no siyang namatay? "

" Umalis na tayong lahat! May halimaw akong nakita! Ahhh!!! "

" Nakakatakot! Wasak na wasak ang katawan nu'ng dalawang estudyante! "

" Bilisan niyo baka tayo ang isunod na patayin! "

Mas lalung dumami ang mga taong nagtatakbuan. Kasabay nito nawala ang buong ilaw sa university. Nabalot ng sigawan at takbuhan ang lahat. Halos magkaroon ng stampede dahil nagmamadali ang lahat na makalabas sa napakalaking university. " Resha... nasaan ka!? " singhal ni Adrian na hinahanap ang dalaga.

" Nandito ako Adrian! "

" Ahhh!!! Ma-Marie!!! Ahhh!!! Huhuhu!!! " paulit-ulit na sumisigaw si Nicole habang nakatingin sa wasak-wasak na katawan ng kaibigan nito.

" Nicole, halika na! " aya ni Eriol sa dalaga.

" Huhuhu! Pe-pero 'yu-yung kaibigan ko po huhuhu! " hindi nito magawang umalis dahil sa nakikita.

" Listen to me! May kung ano'ng lumilipad na bagay ang biglang nagbagsak niyan. We need to run baka tayo pa ang isunod nitong patayin! " ani Eriol sa umiiyak na si Nicole. Dahil sa takot na nararamdaman ay minabuti na rin ng dalaga na sumama sa kanilang instructor.

Huhuhu! Ma-Marie... a-ano'ng nangyari sa 'yo huhuhu! (Nicole)

Patuloy naman si Chelsea sa pagmamasid sa mga estudyanteng nagtatakbuhan. Nakapuwesto siya kung saan ang control room ng buong university. " Gan'yan nga... matakot kayong lahat! Hahaha! Ngayon na ang simula ng aking paghihiganti sa lahat ng mga taong umaapi sa akin rito. Matakot kayong lahat sa akin! Hahaha! Humanda kayong mga d' Ultima dahil kayo ang isusunod ko. Igaganti ko si Papa sa inyo. "

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon