CHAPTER 123 " MEMORIES OF THE PAST "

1.8K 72 7
                                    

" Gumana kaya itong naisip mo Lucy, " nakatingin ang dalaga sa piraso ng basag na flower vase.

" Wala namang masama kung susubukan natin. Natatandaan ko ang sinabi mo sa akin noon about sa flower vase na 'yan... "

" Nakita kong hinawakan ito ni Henrik at nagliwanag ang kanyang kamay. " (Read: Chapter 8 Shine A Light On -BOOK 1)

" Baka may makuha tayong information kung hahawakan mo ulit 'yan. "

" Sa tingin mo ba isang supernatural being din si Henrik? "

" I don't know, gumagana naman ang glamour ko sa kanya. Besides sa tagal naming magkasama sa mansyon na 'to. Wala naman akong napapansin sa kanyang kakaiba maliban sa pagiging seryoso niya. "

Hinawakan ni Resha ang isang piraso ng flower vase na nabasag. Ilang beses niya itong paulit-ulit na hinimas ngunit wala siyang makitang vision dito. " Wala talaga Lucy... sorry wala akong makita. "

" Pero iyang flower vase na 'yan ang ibinato ko kay Henrik noon. Hindi ako pupuwedeng magkamali dahil walang kaparis ang flower vase na 'yan dito. "

" Hindi kaya pinalitan niya na ang flower vase na 'to? "

Hinawakan ni Lucy ang basag na flower vase. " Kung nabasag na ito noon at idinikit lang niya para mabuo muli dapat may mga guhit na 'to tama? "

" Oo Lucy. "

" Wait, ang isang ito ay may kulay pula. Malamang dugo ito ni Henrik ng ibato ko sa kanya ito kanina... " ipinakita ng dalaga ang hawak sa kanyang kaibigan.

Tinangka namang hawakan ito ni Resha. Biglang nagliwanag ang mga mata nito at nakakita ng vision mula sa basag na piraso ng flower vase. " Mukhang sinusubukan niya itong buoin matapos itong mabasag noon... nagliwanag ang kamay niya... at nabuo ang flower vase... "

" Isa lang ang ibig sabihin ng nakita mo Resh. Hindi siya isang ordinaryong tao. "

Bumalik sa normal ang mga mata ni Resha. " Kung gano'n ano siya... bakit inilihim niya ito sa 'yo Lucy? "

" Wala akong idea kung bakit. Siguro mas magandang tawagan ko siya ngayon, " kinuha ni Lucy ang cellphone nito sa bulsa ng suot na damit.

" No, I think much better na hayaan muna natin siya. Siguro may dahilan kung bakit hindi niya ito sinasabi sa 'yo Lucy. Kung bakit nililihim niya ito sa 'yo, " saad ni Resha sa kaibigan nito.

" At ano'ng dahilan? "

" Lucy, lahat tayo ay may kanya-kanyang desisyon sa buhay. Siguro naguguluhan din si Henrik sa mga nangyayari sa kanya. Tulad ng sabi mo gusto niyang malaman ang tungkol sa sarili niya... sa pagkatao niya. Hayaan na muna natin 'yung tao sa gusto niyang gawin baka sa gano'ng bagay tayo makakatulong sa kanya. "

" Okay, I understand, " ibinalik ng dalaga ang cellphone nito sa bulsa.

" H'wag mo na muna itong babanggitin kina Manang Carol at Mandy. Tayo lang ang dapat makaalam ng tungkol sa vision na nakita ko, " seryosong sambit ni Resha na sinang-ayunan naman ng kaibigan.

*****

Nang makarating si Henrik sa Seoul ay agad itong nagpunta sa mansyon ni Maestro." Habang tumatagal naguguluhan na po ako sa aking mga napapanaginipan. Naguguluhan na po ako dahil hanggang ngayon hindi ko alam kung ano ba talaga ako. "

OUT FOR BLOOD III & IV: Vengeful HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon