Chapter 5: Jealousy

137 16 3
                                    

SAI'S POV:

Hello!! Ako si Miguel Sai Smith. Ang pinsan ni Allison.

Heto ako ngayon sa malapit sa clinic ng school namin. Nakamasid lang sa kung anong mangyari sa loob nito.. Naiinis ako sa aking sarili dahil hindi ko nailigtas man si Mapple sa kung ano mang kapahamakan na pwedeng gawin sa kanya ng P4..

Napakuyom ko na lang ang aking kamao sa galit at pinikit ko na lang ang aking mata para pakalmahin ang aking sarili..

"Kuya Sai, ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong sa akin ni Micah.. Tumango na lang ako bilang tugon..

"Kuya Sai, alam ko na kung bakit ka nag kakaganyan.." Pahabol na sabi niya sa akin.. Napakunot noo na lang ako sa pinag sasabi ni Micah..

"Sige nga bakit?" Nagtataka kong sabi sa kanya.

"Hmmmmmmm.... Nagseselos ka sa kanya no? Kay Achan.. Kasi siya iyong nagligtas doon sa kung ano man na ginawa ng mga kasamahan niya. Tingnan mo rin oh! Bagay silang dalawa ni Mapple at tsaka ang maalalahanin siya kahit na ngayon niya lang nakilala si Mapple siya iyong naglakas loob na iligtas si Mapple doon sa nag aapi sa kanya.. Sa tingin mo, bagay sila? Kasi para sa akin Perfect Match sila.." Masayang tugon niya habang naka tingin kay Achan na binabantayan si Mapple sa loob ng clinic is..

Nakita ko ring dumating na si Ezra sa clinic tapos nag usap silang dalawa saglit atsaka umalis na si Achan..

Napa isip tuloy ako bigla ..

Ganun na ba kahalata na nagseselos ako..

"Halata ba? Na nagseselos ako?" Tanong ko kay Micah.. Napansin ko na ang aura niya kanina na maganda ay biglang nawala at nagbago rin ang naging ekspresyon ng kanyang mukha..

Tumango siya biglang tugon.. Napa isip tuloy ako, siguro kailangan ko ng sabihin ang nararamdaman ko kay Mapple sa pamamagitan ni Micah.. Wala naman sigurong mawawala eh kasi naging matalik ko na rin si Micah na kaibigan..

"Alam mo Micah, sa 'yo ko lang to sasabihin ah." Sabi ko..

"OK ba." Masayang sabi niya..

Pinagpatuloy ko ang aking sasabihin..

"Si Mapple.. Matagal ko na siyang kilala.. Lagi ko nga siyang nakikita eh kahit na hindi ako dito nag aral dati.. Mabait siyang tao at matulungin.. Isang araw nga nakita ko siyang sinamahang tumawid 'yong matanda at inalalayan niya pa. Alam mo magmula noon hinahanap hanap KO siya kasi hindi mawala wala sa utak ko iyong mga ngiti niya. In fact, para sa akin nasa kanya na ang lahat ng katangian kahit na sandali ko lang siya nakita.. Hindi ko nga alam na na fall na pala ako sa kanya. At maswerte ako dahil naging malapit kaming magkaibigan." Masaya kong tugon habang binabalikan iyong araw na una ko siyang nakita..

May mahabang katahimikan ang namayani sa amin..

"Saglit lang kuya ah!, may gagawin pala ako.. Sige alis na ako.." Sabi ni Micah at umalis..

Bakit ganoon ang ekspresyon niya?

"Bakit? Kasi Manhid ka."

Nagulat ako sa nag salita.. Tumingin ako sa likod ko at napansin ko si Allison.. Umupo siya bigla sa tabi ko at sinabi niyang..

"Kuya! Bakit ka ganyan? Bakit ka nag prepretend na nag seselos ka Kahit hindi naman!!! Alam ko at alam mo sa sarili mo na hindi mo siya gusto o mahal pero bakit hanggang ngayon hindi mo maintindihan!! Wag kang maging manhid dahil sa huli .. Magsisisi ka!"

Tapos umalis na siya.. Anong ibig niyang sabihin?.

MICAH'S POV:

Sniff*Sniff* Huhuhu ಥ_ಥ

Ang sakit isipin na sa kanya galing Iyong mga salitang iyon..

Ang akala ko noong una, hindi niya gusto si Mapple.. Pero nag kamali ako..

Mahal niya si Mapple at ako'y wala ng pag asa pa..

Nag seselos ako at the same time na iingit kay Mapple kasi..

Lahat na nasa kanya..

Kagandahan,katalinuhan,mga magagandang asal at higit pa doon ..

Mga tanong nag mamahal sa kanya..

Nagagalit ako sa kanya pero.. Wala siyang kasalanan..

Kasalanan ba ni Kuya Sai, na mahalin siya nito? Di ba hindi..

🎶Heto ako ngayon nag iisa.
Nag lalakbay sa gitna ng dilim.. 🎶
🎶Lagi na lang akong nadarapa..
Ngunit heto bumabangon muli.. 🎶

Kanta ko.. He he! Itawa na lang ang mga problema at idaan na lang sa kanta para sumaya tayo at para mabawasan naman itong sakit. Sakit ng dahil sa kanya.

"Ang emote mo naman.."

Nagulat ako sa nag salita at nakitang si Allison lang pala iyon..

"Hindi ah.. Masama na bang kumanta ngayon?" Tanong ko habang nakangiti sabay patak ng luha ko..

"Hindi daw.. Eh bakit may luha na pumatak sa mga mata mo?" Tanong  niya ulit ..

Iyong kaninang nakangiti kong mukha ay napalitan na ng lungkot at tuloy tuloy na buhos ng aking luha..

"Huhuhu! *sniff* Bakit ganoon Allison? *sniff* Mahal niya *sniff* si Mapple *sob* pero bakit ganoon *sob* hindi niya ako kayang *sob* mahalin. *sob* "

Iyak ko kay Allison.. Hinagod hagod niya lang ang likod ko..

"Single ka,single siya.. 'Mahal' mo siya at 'mahal' ka rin niya.. Ang kaso lang 'Manhid' ka at 'Torpe' siya.. Edi kongrats.. 'Forever' kayong 'nga nga' Sige ka!!" Sabi niya.. Hindi ko maintindihan?

Anong ibig niyang sabihin?

And with that tuluyan na siyang umalis..

ALLISON'S POV:

Hello! Di ba Tama naman ako? Torpe si Kuya Sai at manhid si Micah..

Bakit kasi nag prepretend sila na hindi nila mahal ang isa't isa pero ang totoo mahal naman nila..

Ang gulo nila.. Tapos may pa selos selos effect pa sila..Tssssk..

Love life nga naman sa ngayon.. At sana pag isipan nila iyong pinayo ko sa kanila.. Kasi makakatulong iyon..

At sana sa susunod na pagkakataon, maitama na nila ang kanilang mga kamalian.

*****

IN SEARCH OF A SWEETER SONGWhere stories live. Discover now