Chapter 26: Meeting Her

34 6 0
                                    

Chapter 26: Meeting Her  

MAPPLE'S POV:

Late akong nakapasok sa school ngayon. Iniisip ko kasi 'yung sinabi sa 'kin ni Lola Anastasia. Nakapagtataka nga eh! Hanggang ngayon wala pa rin akong ka-ide-idea kung papaano ko mahahanap 'yung napakatamis na awitin na 'yun.

Hayy! Napabuga na lang ako ng hangin sa sobrang pag-iisip. Seriously? Mahahanap ko ba talaga 'yun?

"Okay, ba't ganyan mukha mo?" pambungad na tanong sa 'kin ni Bessy pagkaupong pagkaupo ko sa destined seat ko.

I just shrugged my shoulder.

"Problem?" tanong naman ni Alisson na ngumunguya ng chewing gum.

"Ah nothing. Wala ito," ang tanging nasabi ko.

Tinignan ako ni Bessy mula ulo hanggang paa tapos iiling-iling. 'Di na lang ako umimik.

Biglang tumabi sa 'kin si Achan na mukhang pagod na pagod. Saan kaya 'to galing?

"Saan ka galing?" tanong ko sa kanya sabay bigay ng mineral water na binili ko kanina sa cafeteria bago ako dumating dito sa classroom.

Kinuha niya 'yung mineral water at ininom.

"Sweet," nakangiting wika ni Bessy habang nakamasid sa 'ming dalawa. "Bagay kayo," pahabol na sabi niya pa.

Ay antofu! Ano bang nakain ni Bessy at kung anu ano ang pinagsasabi.

I smirked at her, "Bessy miss mo na si Aaron no?"

"Hindi no!" naiinis niyang sigaw sa akin pero kitang kita naman sa ekspresyon niya.

"Wehh?" asar na tanong ko sa kanya.

Tumalikod siya sa 'kin at umupo sa destine seat niya at nagbasa kunwari. Natawa na lang ako bigla. Hayy!! Nakakamiss din pala 'yung pag tatantrums ni Bessy. Matagal na matagal ko na ring hindi naeksperience 'to.

"Ah... G-galing akong Principal's Office," sagot ni Achan 'dun sa tanong ko kanina.

"Ha bakit?" tanong ko ulit sa kanya.

"Ah basta. Sinabi lang ni Principal na itrato naming mabuti 'yung fiance ni Jethro."

"Ahh," 'yun lang nasabi ko. Teka lang sino si Jethro? Bakit ngayon ko lang narinig pangalan niya? Is he our classmate? Teacher or what?

"Ah.. Kaibigan namin si Jethro," paliwanag ni Achan. Siguro napansin niya 'yung malaking pagtataka ko kaya sinabi niya. Mabuti naman 'yun para maliwanagan ako.

*****

Third subject na at busy kaming lahat. Bigla kaming pinagawa ng teacher namin ng journal. Ok naman. Natapos ko agad pero medyo busy pa rin ang utak ko kakaisip patungkol sa pinakamatamis na awitin na 'yan. Ewan ko ba kung bakit 'yun 'yong lagi kong iniisip. Siguro na-eexcite ako! O baka may gusto lang talagang sabihin si Lola sa 'kin pero ginawa niya lang 'tong talinghaga? Ay ewan ko! Ang sakit na ng ulo ko!

"Bessy, ano pa lang ginawa niyo ni Achan?" tanong sa 'kin ni Bessy pero 'di ko sinagot.

"Baka nagdate sila!" kinikilig na wika ni Micah. Napa face palm na lang ako at umiling.

"Hindi! Baka gumawa sila ng kababalaghan," sabi naman ni Alisson while grining from ear to ear.

Napa buntong hininga na lang ako sa pinag sasabi nila. Bakit ba ang big deal para sa kanila 'yung pag alis namin ni Achan?

Bigla na lang sila napatahimik at umupo sa kanya kanya nilang upuan ng biglang dumating si ma'am kasama ng isang babaeng napakaganda at lalaking tila nakita ko na dati.

Sa'n ko na ba siya nakita?

"Okay class," sigaw ni ma'am dahilan para tumahimik kami. "Meet Priscilla, your new classmate."

Halos lahat ng mga kaklase kong lalaki ay nag hihiyawan samantalang ang mga kaklase kong mga babae naman ay tinignan siya ng masama.

"B*tch," bulong ni Bessy.

"Gold Digger," bulong naman ni Alisson.

"Fame Whore," bulong din ni Micah.

Napailing na lang ako. Bakit parang familiar siya?

"Hi! I'm Priscilla Nichole Clarkson. I'm from Seoul, South Korea. Please take good care of me and be friends. Thank you!" pakilala niya sa sarili tapos nag bow sa 'ming lahat.

Pinaupo siya ni ma'am sa tabi ng Jethro daw. Huminto at tumingin sa 'kin 'yung new classmate namin at ngumiti sa 'kin. Kinalibutan ako! Sino ba 'tong babaeng 'to?

*****

"Kilala ko ba siya?" tanong ko kay Bessy.

"Hindi bakit?" nag tatakang tanong ni Bessy.

"Bakit ganyan siya makatingin sa 'kin. Parang kakainin niya ko ng buhay. Nakakatakot!"

Napa sigh na lang si Bessy.

"Alam mo Bessy, 'wag mo na lang siyang pansinin kasi 'yang mga taong 'yan insicure lang 'yan. Kasi alam niyang ikaw ang mahal ng taong mahal niya at hindi siya."

Napakunot noo ako, "Anong pinag sasabi mo?"

"A-ah E-eh.. Wala wala! Wala akong sinasabi! Wala wala!"

"Meron Eh! Ano ba 'yun."

"Tama naman siya eh," singit ni Priscilla. 

"Insicure ako sa 'yo," napakunot noo ako. "Insicure ako kasi ikaw at ikaw ang mahal niya ikaw lang! At gagawin ko ang lahat para hindi ka niya mahalin." at tumalikod siya.

"Sino ka bang talaga?"

Ngumiti siya ng nakakatakot.

"I AM HIS FIANCE."

IN SEARCH OF A SWEETER SONGOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz