Chapter 40: Secret Admirer

19 3 0
                                    

THIRD PERSON'S POV:

Araw-araw pagdating ni Mapple sa classroom nila ay laging may teddy bear, chocolates, flowers, card at iba't ibang sweet stuff na nasa lamesa niya.

Lagi siyang nagtataka dahil sa araw na araw na routine na iyon ay parang matagal na niyang kilala ang nagpapadala sa kanya noon at halos ang bilis bilis ng tibok ng puso niya kapag nakikita ang intial ng nagpapadala sa kanya.

Ang YYJ.

Hindi niya alam kung sino siya o ano itsura niya or ano ang ugali nito ngunit sa puso at isip niya ay lagi niyang nakikita ang lalaki sa panaginip na hindi niya alam talaga kung sino.

"Wow! May secret admirer ka pala?" Sarkastikong banggit ng classmate niyang si Priscilla. Hindi na lang niya pinansin ang pinagsasabi niya at masayang binasa ang letter na nasa lamesa niya ng araw na rin na yaon.

"Dear Wifey..." Basa ni Priscilla ng kinuha niya bigla sa kamay ni Mapple ang sulat.

"Ano ba! Pwede ba! Akin 'yan eh!" Sigaw ni Mapple sabay agaw sa letter pero hindi niya maagaw dahil tumakbo si Priscilla palayo kay Mapple dahilan para hindi niya makuha ang letter.

"Ano ba? Alam mo ang pabebe mo!" Sabi ni Priscilla na gayang gaya ang boses ni Mapple at bigla siyang nag rolled eyes.

"Pwede ba Priscilla kung naiinggit ka, magpadala ka rin ng sarili mong letter tutal pati fiancé mo ayaw sa iyo!" Pang aasar na sabi ni Ezra kay Priscilla tapos lahat silang magkakaklase maging sila Aaron, Achan, Allison, Kuya Sai, Micah, Stephen ay mahinang nakikisama sa tawanan.

Naasar si Priscilla dahil sa sinabi ni Ezra kaya sa asar niya ay pinunit niya ang letter na hawak niya.

"Hahaha! Now wala ka ng love letter galing sa secret admirer mo!" Natatawang sabi niya na parang nanalo sa lotto. Ngumiti lang ng matamis sa kanya si Mapple at hindi siya umimik bagkos ay pumunta na lang siya sa pwesto ng mga kaibigan niya.

Alam kasi niya na kahit punitin iyon ni Priscill ay magpapadala at magpapadala pa rin iyong secret admirer niya at isa pa, nabasa niya na ito ng paulit ulit kaya medyo namemorize niya na ang laman ng sulat.

"Arrgggghhh! I hate you Mapple! I hate you all ugly people!" Sabi ni Priscilla na may padyak padyak pa sa paa at nagwalk out dahil sa nangyari. Nagkibit balikat lang sila at tamang tamang dating ni Achan.

Dumiretso siya sa pwesto nila Mapple at nagtanong.

"What hapened?"

"Wala! Tumuka na naman ata iyong sakit ni Priscilla." Kwento ni Ezra.

"Oh I see." Wika lang nito.

Agad napansin ni Achan iyong mga sweet stuff sa lamesa ni Mapple at bigla na lang kumunot noo niya.

"So matagal na pala nagpapadala si Jethro." Bulong niya sa sarili habang kinuyom naman niya ang kanyang kamay. Ayaw niya kasing maalala ni Mapple si Jethro at gagawin niya nag the best niya para hindi mangyari ito.

"Mapple.." Bulong niya dahil katabi niya ito.

"Hmmm?" Nagtatakang tanong ng dalaga.

"Kilala ko na kung sino ang nagbibigay sa iyo ng nga iyan at kung sino ang secret admirer mo." Sabi ni Achan.

"Sino!? Sino!?" Excited na tanong ni Mapple. Sasabihin na sana ni Achan kaya lang dumating na ang Teacher nila at bumalik na sa mga proper seat nila.

Naghihinayang na bumalik si Mapple samantalang nag iisip na ng plano si Achan... Magpapanggap siya. Magpapanggap siya na siya nga ang secret admirer nito.

*****

IN SEARCH OF A SWEETER SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon