Chapter 50: Help from Him

21 3 0
                                    

Chapter 50: Help from Him

THIRD PERSON'S POV:

Napatingin si Jethro sa lalaking nasa harapan niya at lumapit dito na nagtataka.

Kahit na may nangyari sa kanyang masama ay hindi naman nawala ang alaala nito. Feeling nga niya mas nakikilala niya pa ng mabuti ang mga ito.

"Bakit ka nandito!? Nasaan si Mapple!? NA SAAAAAANNN SIYYYAAAA!!!!???" Galit na bulyaw nito sa kaibigan ngunit hindi man lang kumibo si Achan. Mas lalong uminit ang ulo nito.

"Achan please sabihin mo na sa akin kung nasaan siya! Siya lang naman gusto ko eh! Siya lang kaya please! Sabihin mo na sa akin." This time nagmamakaawa na siya. Kung magagalit man siya sa kaibigan baka mas lalong hindi niya malalaman kung nasaan ang kasintahan kaya mas pinili niyang kumalma at magmakaawa.

At naging effected naman ito dahil this time, sumagot si Achan sa kanyang katanungan.

"Jethro, kaya ako pumunta rito upang sabihin sa'yo na aalis na siya ng bansa ngayong gabi. Sa mismong Engagement party mo."  Pasimula ni Achan.

"Pero bakit?" Nanghihinang tanong naman niya. Bumuntong hininga si Achan at itinuloy ang sasabihin.

"Dahil sa kagustuhan ng parents mo, ng parents ni Priscilla even her. At pati ako. I'm sorry, kung hindi lang sana ako nag agree sa deal namin ni Priscilla, hindi mangyayari ang lahat ng 'to. Kasalanan ko rin eh, nalinlang ako ng mga salita niya. Nalinlang ako at nainggit sa'yo that tume kaya ako pumayag pero alam ko dahil sa akin magbabago ang lahat. Pwede pa nating itama ang mali." Wika ni Achan.

Hindi alam ni Jethro ang gagawin dahil sa narinig. Gusto niyang magalit. Magwala, sumigaw, manuntok at kung ano ano pa pero hindi niya magawa.

Iniisip niya, bakit lahat ng mahahalagang tao sa buhay niya ayaw kay Mapple? Bakit ang mga magulang niya maging ang tinuturing niyang malapit na kaibigan ayaw nila si Mapple para sa kanya. At ang mas masakit, bakit pati tadhana humahadlang sa love story nila.

Pero tama si Achan. Kailangan nilang maitama ang mali. Kailangan nilang mahabol ulit si Mapple pero hindi niya alam kung bakit.

"Tutulungan kita Jethro. Tutulungan kita, huwag kang mag-alala. Ang alalahanin natin ngayon kung paano ka makakalabas dito." Wika ni Achan sa kanya.

"Bakit? Hindi ba ako makakalabas dito?" Tanong niya.

"Oo dahil alam nilang once na malaman mong wala na dito sa bansa si Mapple ay tatakas ka." Sagot nito.

"Paano tayo makakalabas?" Taning niya kay Achan.

"I have a plan pero may sasabihin muna ako. Dapat tanggapin mo 'tong sasabihin ko." Wika niya.

"At ano 'yon?"

"Na kapag makalabas ka dito, nawa matanggap mo na para kay Mapple ay patay ka na. Pinalabas nila na patay ka na. Kaya dapat tanggapin mo 'to."

"What the!" Sagot niya lang.

"Alam ko nagulat ka at ramdam kung galit ka na sa kanila ngunit kailangan muna nating makalabas rito. Ready ka na ba?" Tanong ni Achan.

Tama siya, kailangan kong maging malakas para makita ko ulit siya. Ang nasa isip ng binata.

"Ready." At nag-umpisa na silang nagplano ng gagawin.

*****

MAPPLE'S POV:

"Anak, ok ka lang?" Nasa may airport na kami ni mama ngayon, hinihintay namin ang flight namin. Medyo inaantok na ko dahil malapit na mag hating gabi. Ang pinag tataka ko is bakit ngayon kami aalis? Pwede namang bukas ah? Bakit ngayon pa?

Parang ang bilis naman? Feeling ko kasi may tinataguan kami. Na parang may iniiwasan kaya kami aalis.

"Wala 'to ma, inaantok na po ako. Gisingin niyo na lang ako kapag flight na natin." Sagot ko.

"Oh sige anak, tulog ka muna. Maghihintay lang ako dito sa flight natin." Tumango ako at unti-unting hinatak na ko ng antok.

"Anak, gising na. Oras na ng flight natin baka malate na tayo." Wika ni mama. Nag unat ako ng kamay at ramdam kong tumayo na si mama. Tatayo na din sana ako kaya lang may naanigan akong kamukha niya.

Kamukhang kamukha niya. Kamukha ni Jethro. Palapit siya ng palapit sa akin at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Anak!" Sigaw ni mama at hinila ako palayo sa papalapit na Jethro.

Pero kahit palayo na kami ng palayo sa kanya, pabilis ng pabilis naman ang tibok ng puso ko.

At I guessed, mahihirapan akong mag move on nito.

*****

IN SEARCH OF A SWEETER SONGWhere stories live. Discover now