Chapter 30: Vacation

24 6 0
                                    


Chapter 30: Vacation

MAPPLE'S POV:

"Hindi ba ko pwedeng sumama?" pang isang milyong tanong ko na kay Bessy na busy sa pag aayos ng impake niya. Magbabakasyon kasi silang dalawa ni Aaron sa may London at iiwanan nila akong mag isa dito sa bahay.

"Pwede ba Bessy, huwag ka na ulit mag tatanong dahil paulit ulit ko ng sinabing hindi pwede. Trip for two lang 'yun at 3 araw lang kami do'n. Papasalubungan naman kita eh! Ano bang gusto mo?"

"Wala! Wala akong gusto!" kunwaring tampo ko pero ang totoo niyan, gusto kong mapag isa ngayon.

"Ito naman si Bessy, tampo tampo na naman. Huwag kang mag alala, may inimbita akong kasama mo."

Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Seriously? Gusto kong mapag isa tapos nag imbita pa siya ng kasama ko dito! Is she insane!? Di bale kung sila Allison or Micah naman ang inimbitahan niya, ok lang. Wag lang boys.

"Sino naman 'yang inimbitahan mo?" tanong ko sa kanya. Nakita ko lang siyang nag evil smile.

"Sikret! Malalaman mo din.. Nyahaha.."

"Baliw."

Maya maya may nag busina sa harap ng bahay. Agad kong tiningnan sa may bintana kung sino at siyempre sino nga bang susundo kay Bessy kundi ang 'The One' niya. Si Aaron.

"Uy! Andiyan na sundo mo." sabi ko sa kanya.

"Talaga? Sige Bessy babye na!" at biniso beso niya ko.

"Wait.. Kailan ba darating 'yung sinasabi mong magiging kasama ko?" atat kong tanong.

"Mamaya.. Nandito na rin 'yun." at lumabas na siya ng bahay at iniwang mag isa. Tssk! Lagi naman eh!

JETHRO'S POV:

Naalimpungatan ako ng narinig kong may tumatawag sa iphone ko. Sino ba ang hamak na taong tatawag sa akin ng ganitong umaga? Malalagot siya sa 'kin pag nagkataon.

Wala sa mood kung sinagot ang tawag.

'Hello?' sabi niya sa kabilang linya pero hindi ako nag sasalita.

'Hello? Jethro!?' this time pasigaw niya ng tanong sa akin. Grabe! Ang sakit sa tenga ng boses ng babaeng 'to ah!

'What do you want?' cold na tanong ko. Narinig ko siyang nagbuntong hininga.

'Pwede bang pumunta ka dito sa bahay namin ni Bessy?' tanong niya.

'Why?' tanong ko.

'Wala kasing kasama si Bessy dito. Mag out of town kami ni Aaron eh walang kasama si Bessy dito. Eh tinawagan kita para magbakasakaling sasamahan mo siya ng kahit isang araw para naman di siya malungkot.' sabi niya. Nagdadalawang isip ako kung papayag ba ko o hindi. Teka?
Bakit hindi na lang ang barkada nila ang sumama sa kaniya since magkakaibigan naman sila.

'I don't wanna.' sabi ko na lang. Narinig ko ulit siyang nagbuntong hininga.

'Ah ok.. Si Achan na lang tatawagan ko since nalaman kong nililigiwan niya si Bessy. At least siya pinapahalagahan niya si Bessy, hindi katulad ng isa diyan, wala man lang pake sa damdamin niya.' patama niya sa'kin. F*ckin sh*t! Nanliligaw na si Achan kay Mapple!? Di pwede to! Dapat ako lang ang pwedeng manligaw sa kanya!

Napabangon ako bigla. Sh*t! Kailangan kong pumayag or else mauunahan ako ni Achan. Teka nga? Bakit ganito ako mag react!?

'Hold on Ezra! Don't you ever call Achan or else.. You're dead!' banta ko sa kanya. Narinig ko lang siyang tumawa ng nakakaloko.

IN SEARCH OF A SWEETER SONGWhere stories live. Discover now