EPILOGUE: The Sweeter Song is ...

59 3 0
                                    

EPILOGUE: The Sweeter Song is ...

(5 YEARS LATER)

MAPPLE'S POV:

Five years na ang nakakalipas ng huli kong nasilayan ang Pilipinas.

Five years na pala at ang bilis ng panahon.

Nakagradute na ko ng college dito sa Seoul. Naka pagpatayo na rin kami ng maliit na negosyo rito sa Seoul at yes, sabi ni mama dito na kami titira habang buhay.

Noong una mahirap, especially sa akin dahil noong araw na umalis ako ng bansa nakita ko siya. Ang lalaking minahal ko. Ang lalaking nagparamdam sa akin na special ako. Si Jethro.

Nakita ko siya. Buhay na buhay.

Kahit sinabi nila sa akin noong araw na nagising ako dahil sa aksidente na patay na siya, even mom, alam ko nagsinungaling sila. At pinagmukha nila akong tanga.

Noong una, syempre masakit. Iyong sabihin sa'yo na patay na ang pinakamamahal mo, sinong hindi masasaktan?

Umiyak ako ng umiyak. Gusto ko na ring magpakamatay noon pero hindi ko nagawa, dahil alam ko, binigyan pa ko ng Diyos ng isang pagkakataong mabuhay upang maitama ang mali.

Pero ngayon nakita ko siya. Buhay siya. At ang saya ko. Buhay siya pero sa limang taon na nagdaan, pinagmukha ko kay mama at sa mga kaibigan kong nakamove on na ko. Na nakalimutan ko na siya pero ang totoo, nangungulila ako sa kanya.

Sa mga yakap niya, sa mga sweet things na binibigay niya sa akin.

Namimiss ko na siya. Miss na miss pero kailangan kong maging matatag para makita ko pa siya.

Kailangan...

"Anak..." Wika ni mama. Kahit nandito kami sa South Korea, Filipino pa rin ang gamit naming wika. May natutunan naman akong korean language kaya lang kaunti lang, mga basic lang. Mas gusto ko na lang mag tagalog kaysa magpakahirap na magsalita ng wika rito.

"Ne?" [Ne=Yes] tanong ko rin.

"Ang lalim ng iniisip mo ah? Pwede ko bang malaman." Tanong niya. Napangiti lang ako ng pilit at nagbuntong hininga.

"Aniyo. Stress lamang po siguro ako sa pagpapatakbo ng ating negosyo." Sagot ko. [Aniyo=No/Nothing] Napatawa naman si mama.

"May sasabihin pala ako anak." Sabi niya. Napakunot naman ang noo ko.

"Ano po 'yon ma?" Tanong ko.

"Alam ko anak na stressed ka na dito at miss mo na mga kaibigan mo. Napagdisesyon ko lang na baka pwede kang magbakasyon kahit saglit lang." Sabi ni mama sa akin. Napa angat ako ng tingin at ngumiti ng malaki. Sa wakas, makakapagbakasyon na ako.

"Pero ma, saan naman po?" Ngayon naman siya ang ngumiti ng malaki.

"Ito, buksan mo." Inabot niya sa akin ang puting envelope. Napatingin ako dito ng may halong pagtataka.

"Buksan mo." Walang sabi sabing binuksan ito at napalaki ang mata.

Ang laman nito'y plane ticket at Visa papuntang Pilipinas. Walang sabi sabing napayakap ako kay mama.

"Omo Umma! Kamsamhamnida!" Nangingiyak na sagot ko. [Omo Umma! Kamsamhamnida = Oh my Mama! Thank you!]

"Walang anuman anak! Just enjoy and I'm sorry sa nagawa ko sa inyo." Hindi ko naintindihan ang huling sinabi ni mama pero ang nasa puso ko ay kagalakan dahil sa wakas, makikita ko na siyang muli.

Sa wakas!

*****

All passengers, please be ready. For in a minute we will be landing. Thank you.

IN SEARCH OF A SWEETER SONGWhere stories live. Discover now