Chapter 14: Confession

67 8 0
                                    

MAPPLE'S POV:

"Ang Ganda Ganda talaga nitong binigay ni Aking Prinsipe sa akin... Hindi katulad ng Isa diyan, wala siyang natanggap kahit isa.."

Narinig kong wika ni Micah at tila pinapatamaan si Bessy..

"Hoy!!! Wala akong pake kung may regalo sa iyo ang boyfriend mo! At isa pa,wala pa akong boyfriend kaya wala akong pake kung may nagbigay sa akin o wala!"

Inis naman na tugon niya kay Micah..

Napailing naman ako sa dalawang ito.. Noong isang araw pa sila nagbabangayan at nag aaway sa hindi ko alam na dahilan.. Hindi ko tuloy sila nakakausap na matino..

"Hey Bessy! Kanina kapa nakatulala ah!! Kanina pa kita kinakausap nag dadaydream ka naman! Siguro iniisip mo si ---"

Hindi na naituloy ni Bessy ang sasabihin niya dahil pinutol ko na..

"Sorry na po!! Masakit lang kasi ang ulo ko kaya ganito ako ngayon. Pasensiya na kayo ah!"

Sarcastic kong sabi.. Napatawa na lang ako sa expression nila kasi si Bessy nakanganga habang si Micah ay naka kunot ang noo. Pero seriously, masakit talaga ang ulo ko.. Hindi lang masyadong halata..

"Ok? Sige ipunta ka namin sa clinic para makapagpahinga ka na."

Sabi naman ni Micah with a ngisi on her face. Binalingan niya ng tingin si Bessy at na kita kong tumango sa kanya si Bessy.

*Gulp* May something na nagbobother sa akin na may mangyayaring hindi maganda ah.. Pero.. Baka guni guni ko lang iyon o di kaya'y naprapraning lang ako.. Ewan ko pero.. Siguro ganun nga ang nararamdaman ko.. Tama!

Sinamahan nga nila ako sa may clinic. Nakasarado ito at halatang walang tao sa loob dahil madilim..

"Sige. Pasok na ako."

Sabi ko sa kanila at tumango lang sila at nag evil grin sa akin.. Hayy!! Bahala na kung ano mang mangyari sa akin. Huhu!! Bahala na talaga si batman!

ACHAN'S POV:

Kinakabahan na talaga ako.. Bading mang pakinggan pero iyon talaga ang nararamdaman ko.. Hindi ko alam kung ano man ang magiging reaksyon niya pero hinahanda ko na ang aking sarili sa pupuwedeng mangyari mamayang pagdating niya dito..

Nasa clinic kami ngayon at hinahanda na ang surpresa ko para sa kanya. Kakuntsaba ko ang buong F5 pwera na lang kay Jethro. Kasama syempre ang mga barkada Kong babae.. Inaasar nga nila ako habang inaayos namin itong clinic eh pero hindi ko lang sila pinansin.

Hindi naman kasi ito para sa kanila, para ito sa babaeng pinakamamahal ko at ang nag iisang nanay ng magiging anak ko.

Natapos na naming ayusin itong clinic. Kumpleto na ang mga gagamitin. Siya na lang ang kulang..

IN SEARCH OF A SWEETER SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon