Chapter 38: Back to Normal

14 3 0
                                    

THIRD PERSON'S POV:

First day of school sa kasalukuyang taon at unang araw din ni Mapple na pumasok. Ramdam niya na medyo matagal tagal na rin siyang naka confine sa hospital at ramdam niya sa buong sistema ng katawan niya ang kasabikan sa pag aaral.

At mayroon ding parte ng sistema niya ang pag aalala baka kasi hindi siya tatanggapin ng mga kaibigan niya o kaya hindi siya belong sa kanila.

She just sighed at pumikit para pakalmahin ang sarili. Bigla na lang niyang naimulat ang kanyang mga mata dahil bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at niluwa ang kanyang ina.

Napangiting tumungo sa kanya ang kanyang ina at niyakap siya. Magmula ng lumabas ng hospital si Mapple ay hindi na bumalik pa sa Seoul, Korea ang kanyang ina at nag disesyong dito na lang mag trabaho. Para na rin maalagaan niya ang kanyang anak at para hindi na siya ito lumayo pa.

Napag tanto din kasi ng kanyang ina ang kakulangan ni Mapple sa kalinga at pag mamahal kaya nag disesyon na lang siyang mag trabaho dito.

"Anak..." Bulong ng kanyang ina pagka alis nito sa yakap.

"Ano iyon mama?" Tanong niya.

"Huwag na huwag kang lalapit sa kahit kanino sa school niyo ah! Tanging sa mga kaibigan mo lang." Sagot ng ina niya. Napakunot ang kanyang noo.

"Bakit po?" Wikang tanong nito. Bumuntong hininga lang ang kanyang ina at sumagot.

"Ang totoo niyan anak, sinabi ng doctor mo na may amnesia ka daw hanggang ngayon at pinag sabihan niya ko na tanging ako at mga kaibigan mo lang ikaw dapat mag tiwala. Natatakot kasi ako anak, baka kasi itrato ka nila ng masama kaya pinag sasabihan na kita ngayon. Naiintindihan mo naman hindi ba?" Tumango siya bilang tugon.

Biglang may kotseng nag bubusina sa labas ng bahay nila. Sila Aaron at Ezra iyon, ang magsusundo sa kanya.

"Anak andiyan na sundo mo... Mag iingat ka." Tumango siya sa sinab ng kanyang ina at hinalikan niya ito sa pisngi. Lumabas na rin siya ng bahay at sumakay ng kotse.

Nag paalam na lang ng tingin ang kanyang ina at naka hinga ng maluwag.

"Sana tuparin niya... Ayaw ko kasing mapalapit siya kay Jethro dahil ayaw ko ng masaktan ang aking anak. Ayaw ko na siyang mag sakripisyo ng dahil sa maling pagmamahal."

*****

Nakarating na sa school si Mapple at halos lahat ng mata nasa kanya. Napayuko na lang siya.

"Relax Bessy... Na miss ka lang nila kaya ganyan sila mag react pero 'wag kang mag alala... Andito lang kami... Hindi ka namin iiwan." Pag aasure na wika ng bestfriend niyang si Ezra sa kanya sabay hawak sa kamay nito. Tumango na lang siya at ngumiti. Natanggalan na rin sa wakas ang bahagyang tinik na nasa lalamunan niya.

Naging maayos naman ang araw na na ito ni Mapple. Trinatrato siya ng mabuti ng mga kaklase niya maging ang mga guro. Alam kasi nila ang nangyari sa dalaga kaya pinapahalagahan na nila si Mapple.

Ang ilan sa mga estudyante, nag sorry sa kanya sa kanilang ginawa noon at pinatawad na rin niya ito.

Masayang masaya si Mapple ngayon maging ang mga taong nasa paligid niya pero may naramdaman siyang kakaiba.

Na tila may nakatingin sa kanya sa malayo. Na parang may nag mamasid pasikreto sa kanya.

Ngunit hindi niya alam kung sino.

*****

IN SEARCH OF A SWEETER SONGHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin