Chapter 18: Concern

32 7 1
                                    

Chapter 18: Concern

ACHAN'S POV:

"Maghulos dili ka nga diyan Achan.. Gigising din si Mapple.. Maghintay lang tayo."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Ezra.. bakit ba? Nag aalala ako sa kanya.. sa maaring mangyari sa kanya.. kasalanan ko ito eh! Bakit ko kasi siya iniwan doon at hinayaang magsuffer.. alam ko naman na hindi niya kaya.. wala kasi siyang lakas ng loob at tibay kaya lagi siyang nahihirapan... alam ko din naman na selfish siya.. mas gusto niya kasing sarilihin ang problema kaysa ipagsabi sa mga kaibigan niya.. iyon din ang ayaw ko sa kanya.

"Masama bang mag alala sa matalik mong kaibigan.. naguguilty rin kasi ako sa nangyari sa kanya kasi ako iyong huli niyang kasama eh! Ako iyong nasa tabi niya noong panahon na iyon tapos... tapos.. basta basta ko na lang siya iniwan... hindi lang iyon.. nasaktan ko din ang damdamin niya.."

Ngumiti lang si Ezra ng nagkakahulugan.. whatthe! Wag mong sabihin na...zRGpVg

"Hoy Ezra! Nakakaloko yang ngiti mo ah! Nakakakilabot pa! Hoy! Huwag ka ngang mag isip ng kung ano ano diyan."



Wika ko sa kanya. Parang may namumuo na naman dito sa utak ng babaeng ito na hindi ko alam. Weird pero parang ok lang naman sa akin.



"Tsk!Tsk!Tsk! Wala akong iniisip pero ikaw ah... Aminin mo na kasi sa kanya o alam niya na iyang nararamdaman mo para sa kanya?"



Nabigla ako sa kanya. All this time pala ay walang kamuwang muwang si Ezra na alam na ni Mapple na gusto ko siya. Kung sa bagay kasi minsan hindi natin alam or hindi natin pinapaalam sa iba ang katotohanan sa likod ng bawat bagay. Kasi masyado rin kasing misteryoso si Mapple even her bestfriend Ezra. Kung sa bagay hindi sila matatawag na magbff kung hindi sila hawig sa pananaw.



I jus nod at her and she smile for me. A weak smile. Maybe she knew that I felt hurt inside even though I didn't show it in public.



Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Mapple dahil dumating na ang tropa. Si Allison na kasama ang long time suitor niyang si Stephen na mukhang bored at naiirita dahil kay Micah. Si Micah na daldal ng daldal sa bf niyang si Kuya Sai na tango tango lang dito.



"MAAAAPPPPLLLLEEEE! ANONG NANGYAAARI SA IYOOO!!! SINONG GUMAWA SA IYO NITO AT RERESBAKAN NATIN!"



Sabi este sigaw ni Micah pagkakita na pagkita niya sa mahimbing na natutulog na si Mapple sabay yugyog pa dito para lang magising pero ayon inawat din namin siya at inalis sa tabi ni Mapple. Mamaya kasi mas lumala pa ang kalagayan nito kung hahayaan namin si Micah isturbuhin si Mapple.



"Hey! Aking Prinsesa pwede bang tumahimik ka! Mamaya magising si Mapple. Mahiya ka naman. Tara bili muna tayo ng makakain nating lahat mukha kasing hindi pa sila kumakain. Halika na."



wika ni kuya Sai at bahagyang lumabas ng kwarto kahit na labag sa kalooban ni Micah. Pero bigla akong napaisip... Buti pa sila may nagmamahal sa kanila kahit na hindi masyadong maganda ang personality mo or kahit na sabihin na lang natin na isa ka lang simpleng tao. Pero kahit ganoon tanggap ka pa rin nila kahit a


no ka pa kasi 'True Love is the Greatest Power in Life.'



Tsk! Parang hindi ako lalaki sa pinagsasabi ko.



"Ah Achan. Alis muna kami ni Stephen kasi may bibisitahin lang saglit. Dito rin sa hospital na ito. Sige mauna na kami."



Paalam niya sa


akin. Tumango lang ako sa kanya. At ngayon ko lang nalaman na wala si Aaron kasi bumalik siya sa Korea dahil sa family matter. Kaya pala iniiwisan ni Ezra ang patungkol sa kanya. May LQ din ata sila eh.



"Ah Achan ako din wait lang magpapahangin lang sa labas."



Paalam din sa akin ni Ezra. Tumango lang ako at ngumiti. Heto ako ngayon nag iisang nagbabantay kay Mapple. Siguro nasesense nila na mas kailangan ko siyang alagaan ng husto. Iyong tipong walang nanggugulo.... humahadlang... At thankful ako kasi may mga kaibigan akong tulad nila.



Umupo ako sa may upuan malapit sa higaan niya at hinawakan ko ang kamay niya at nilagay sa may pisngi ko. May namumuong luha sa mga mata ko pero pinunasan ko ito agad kasi ayaw kong makita niya akong mahina... na nasasaktan din. Mas gusto ko itong itago at sarilihin na lang.... ayaw kong magdamay ng ibang tao..



"Mapple... Mahal na mahal kita pero bakit hindi mo kayang suklian itong pagmamahal ko sa iyo... pero kahit ganoon ipagpapatuloy ko pa rin ang pagmamahal ko sa iyo."



Nangingiyak kong bulong sa hangin. Hindi man niya narinig ng klaro ang sinabi ko.... balang araw malalaman niya rin ito.



Napatayo ako ng biglaan ng may kumatok. Binuksan ko ang pinto at laking gulat ko na narito siya.



Ang taong walang inisip kundi ang sarili niya. Ang taong walang alam kundi ang saktan siya. At higit sa lahat... Ang taong mahal ni Mapple.



Si .....



(to be cotinued..)

IN SEARCH OF A SWEETER SONGWhere stories live. Discover now