Chapter 29: Christmas Eve

21 4 2
                                    

Chapter 29: Christmas Eve

THIRD PERSON'S POV:

INIMBITAHAN ni Ezra ang buo niyang barkada sa bahay ng kanyang mga tunay na magulang upang doon na lang mag celebrate ng kapaskuhan since ito ang unang pasko ni Ezra kasama ang mga magulang niya at siempre, kasama ang One and Only niya. Si Aaron.

"Wow! Ang laki pala ng bahay niyo Ezra. Parang bahay ng maharlika. Pwede bang makitira dito?" manghang sabi ni Micah pagpasok na pagpasok nilang dalawa ni Sai sa Mansyon ni Ezra.

"Hehe! Ganyan din ang naging expression ko ng una akong pinunta dito nila mama. Eh pero di ba mas malaki ang bahay niyo kaysa dito, du'n na lang ako makikitira sa inyo." pabirong sabi ni Ezra kay Micah.

"Pero mas type ko 'tong bahay mo atsaka mas ty--" tinakpan ni Sai ang bunganga ng Gf niya dahil kanina pa ito salita ng salita. Napatawa na lang si Ezra.

"Ah pasensiya na Ezra kay Micah ah! Hindi kasi 'to nakainom ng gamot niya." nagjojoke na sabi niya. Natatawa na tumango lang si Ezra.

Bigla namang dumating ang mag fiancé na sina Alisson at Stephen.

"Hey Ezra!" masayang bati ni Alisson na blooming na blooming.

"Mukhang ang saya mo ngayon ah?" tanong ni Ezra sa kaibigan na di mawala wala ang ngiti sa labi.

"Siempre. Inspired ako ngayon since natanggap ko na ang best gift ngayong pasko." sabi niya sabay tingin kay Stephen na super gwapo ngayong gabi. Hinawakan nito ang kamay ng fiancé niya at hinalikan at pagkatapos ay nagtitigan sila ng napakatagal na akalain mong hindi na sila magkikita pang muli.

Napawave na lang ng kamay si Ezra sa dalawang lovers na dahilan para bumalik na sila sa tunay na mundo na kasama ang mga kaibigan at hindi ang mundo nilang dalawa.

"Sorry." nagkakamot batok na paumanhin ni Stephen sa nangyari.

"Ok lang.. Alam ko namang mahal niyo ang isa't-isa. Kulang na lang kainin ako ng langgam dito sa sobrang sweet niyo!" natatawa at kinikilig na sabi niya sa dalawa.

Inimbitahan niya na silang pumasok at dumiretso sa kusina kung saan nandoon sila Micah at Sai at upang mapakilala niya na ito sa kanyang mga magulang.

SAMANTALANG, si Aaron ay pauwi na galing sa isang supermarket dahil siya ang laging inuutusan ni Ezra na bumili ng kakailangan nila. Habang nasa biyahe pauwi sa bahay nila Ezra biglang may nagtxt sa kanya. Hininto niya muna sa gilid ang sasakyan at binasa ang txt.

'Bro.. Si Achan 'to. Baka kasi hindi ako makapunta diyan eh! pakisabi na lang sa iba. Kung tatanungin din kayo ni Mapple pakisabi busy lang ako. Pinapunta ko na lang diyan sila Jethro at Priscilla, sila muna ang hahalili sa akin. Sige.. Bye.'

"Ano bang nasa isip mo Achan at pinapaubaya mo lagi kay Jethro si Mapple." bulong niya at sinimulang idrive ang kotse niya. Hindi niya na nireplayan ito dahil hindi niya alam ang sasabihin at wala din siyang load.

IKINAGULAT ni Ezra ang pagdating ng mag fiancé na si Jethro at Priscilla.

"Anong ginagawa niyo dito?" takang tanong niya sa dalawa habang relax na relax na umupo lang si Jethro sa malambot na couch ng mansyon nila.

"Masama?" malditang sagot ni Priscilla habang inaabot niya ang binili nilang regalo.

"Hindi ko kailangan 'yang mga regalo niyo. Pwede ba lumabas na kayo!" sigaw nito dahilan para lumabas ang iba pang mga tao na naroon kasama na ang parents niya.

"Anak. Anong nangyari?" tanong ng mama niya. Sasagot na sana siya ng makita ng mama niya si Priscilla, ang inaanak niya.

"Mom.. Kayo po ba ang nag imbita sa kanila?" nagtataka niyang tanong ng nahalata niyang magkakilala nga sila.

IN SEARCH OF A SWEETER SONGTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang