Chapter 32: Lola Anastasia

18 4 0
                                    

CHAPTER 32: Lola Anastasia

MAPPLE'S POV:

Nagising ako bigla.. Puro puti ang nakikita ko dito.. Tila wala ako sa loob ng isang silid or ano pa man.. Para akong nasa kawalan.. Di ko maexplain kong nasaan ako.. Nakakatakot! Natatakot ako!

"Tao po!! May tao po ba dito?"

Nagtataka kong tanong ngunit walang sumasagot.. Nakakatakot!
Nasaan ba ko?

Naglakad lakad ako kung saan man ako ipunta ng mga paa ko.. Feeling ko hindi ako umaalis.. Iyong tipong umiikot ikot lang ako.. Bumabalik sa dating kong pwesto..

Mama?? Papa?? Ezra?? Micah?? Allison?? Kuya Sai?? Stephen?? Aaron?? Tulungan niyo ko!

Hubby!?? Tulungan mo ko!

Ilang beses kong sinisigaw 'yon. Hindi ko alam kung nababaliw ba ko o hindi.. Umiiyak na ko! At kahit na ilang beses akong sumigaw, wala pa ring nakakarinig sa kin.

Nasaan ba ko? Gusto ko ng umuwi!

"Mapple! Mapple! Wake up! Mapple please wake up! Kailangan kita! Kailangan ka namin!"

Rinig kong iyak ng mga kaibigan ko.. Naririnig ko sila pero kahit ilang beses akong sumigaw at tugunan ang mga daing nila hindi pa rin nila ako naririnig.

"Mapple? Ikaw ba 'yan?"

Narinig kong bulong ng isang matanda.. Parang familiar siya ngunit hindi ko alam kong sino dahil medyo maliwanag ang mukha niya.

Pinuntahan ko siya at nagulat ako na si Lola Anastasia pala 'to! Thank you Lord dahil may kasama ako dito at hindi ako nag iisa..

"Lola... Ano pong ginagawa niyo dito?"

Ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko.. Katulad ko siya, parehas kaming nakaputi yong tipong para kaming white lady.. At parehas din kaming umiilaw.

"Lola.. Nasaan ako? Nasaan tayo?"

Tanong ko ngunit hindi siya umimik. Hinawakan niya lang ulit ang kamay ko. Medyo malamig ang kamay niya katulad ng sa akin.

"Lola?"

Tanong ko ulit. Huminto kami sa isang lugar. Napakaganda! Puno ito ng mga bulaklak. Para nga kaming nasa isang paraiso.

Paraiso? Don't tell me patay na ko!?

"Mapple.. Welcome!"

Napataas ang isang kilay ko at lumakas ang tibok ng puso ko.

"Lola! Huwag niyong sabihing patay na ko?"

Umiling lang siya. Nawala naman bigla ang pangamba sa dibdib ko.

Umupo siya sa isang bench malapit sa amin at sumunod naman ako. Wala na talaga ata kami sa mundo.. Nananaginip ata ako?

"Mapple.."

Pambasag katahimikan niya.

"Paano kapag sinabi ko sa iyong patay ka na, maniniwala ka ba sa akin?"

Napasinghap naman ako bigla. Natatakot ako na baka totoo ang sinasabi niya pero mas natatakot akong iwanan silang lahat.

Patay na ba talaga ako?

"Lola... Hindi naman kayo nagbibiro hindi ba?"

Nauutal kong tanong.

"Ang totoo niyan nasa bingit ka pa rin ng kamatayan Mapple pero may tsansa ka pang mabuhay."

Sagot niya. Magsasalita pa sana ako ng nagsalita ulit siya.

"Maswerte ka dahil bibigyan ka pa Niya ng isang pagkakataong mabuhay. Dahil na rin kailangan ka pa nila."

"What do you mean lola?"

Tanong ko pero hindi siya sumagot.

"Paano po kayo lola.. Mabubuhay pa rin naman kayo hindi ba?"

May assurance na tanong ko sa kanya.. Umiling lang siya.

"Hindi.. Malapit na kong mawala sa mundong iyon Mapple.."

"Pero bakit?"

"Hindi ko na kasi kaya.. Kahit gustuhin ko pang mabuhay, ayaw na ng katawan ko."

Hinawakan niya ang kamay ko at nagsabing, "Alagaan mo siya ha! Ikaw na lang ang pamilya niya Mapple. Hindi ko man hilinging mahalin mo siya sana naman alagaan mo siya at sabihin mo sa kanya kung gaano ko siya kamahal."

"Pero lola."

"No buts Mapple.. Kailangan ko ng umalis. Pakisabi na lang na mahal na mahal ko siya.. At sana mahalin mo din siya.. Kahit bilang kaibigan lang..."

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at hinalikan ang noo ko.

"Lola!" Sigaw ko dahil unti unti na siyang naglalaho.

"Lolaaaaaaaaa!"

At nakita ko na lang ang sarili kong umiiyak habang pinagmamasdan siyang unti unting nawawala. Katulad ng puso kong unti unting nasasaktan sa mga sinabi niya.

Paano si Achan? Paano na ngayong wala na ang Lola niya?

Paano ko siya mamahalin at aalagaan kong pati ako malapit ng mawala?

ACHAN'S POV:

Napabalikwas ako ng gising ng naramdaman kong gumalaw ang daliri ni Lola..

Gising na siya! Sa wakas!

Agad akong lumabas ng kwarto niya at tinawag ang mga doctor at nurses niya. Masaya kong sinabi na nagising na siya sa matagal na pagkakacoma.

Yeah! Nacoma si Lola ng araw ng Pasko. Ilang linggo na ako dito at ilang linggo na rin akong nagbabantay sa kanya. Ang akala ko noon ay mamamatay na siya kasi sabi ng doctor malala daw ang naging lagay niya. Very mysterious din ang sakit kung kaya't hindi nila alam kong may tsansa pa ba siyang gumaling o hindi na.

Ayaw ko siyang mamatay!

Iyong iyong mga katagang unang pumasok sa isipan ko. Ayaw kong mawala siya katulad ng mga magulang ko. Ayaw kong mawalan na naman ako ng mahalagang tao sa buhay ko.

Matagal na kasing patay ang mga magulang ko at takot na kung may mawala ulit.

Nakarating na kami sa kwarto ni Lola. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay agad na pagrespunde ang mga doctors and nurse sa kanya. Umupo ako sa coach malapit sa higaan niya at pinagmamasdan ang ginagawa ng mga medical personel sa kanya.

Bakit ako kinakabahan ng ganito? Nagising na siya hindi ba? Pero bakit mali 'tong nararadaman ko.

Napansin ko ding tila binubuhay nila ang Lola ko. Huwag mong sabihing!?

"Clear!" Sigaw ng doctor habang binubuhay nila si Lola.

Agad akong lumapit sa kanila ngunit pinaalis lang ako ng mga nurse. Iyak ako ng iyak! Hindi ko na alam ang nangyayari! Ang alam ko lang kanina ay nagising na siya pero bakit nila siya nirerevive?

"Clear!" Sigaw ulit niya.

*Ting*Ting*Ting*

Naging straight line na ang nasa monitor. No Lola! Buhay ka pa hindi ba? Hindi mo ko iiwan hindi ba?

"Time of death: 3:28 PM. I'm sorry lahat ginawa namin ngunit hanggang dito na lang siya."

Sabi ng doctor sa akin at tinapik niya ko sa likod at tuluyan na silang lumabas.

Binuksan ko ang kumot na nakabalot sa kanya. Lola! Bakit mo ko iniwan?

IN SEARCH OF A SWEETER SONGWhere stories live. Discover now