Chapter 41: Fake Admirer

11 3 0
                                    

THIRD PERSON'S POV:

Ilang araw ng naghihintay si Mapple sa mga regalo na binibigay sa kanya ng secret admirer niya dahil ilang araw na itong hindi nagpapadala ng kahit sulat or chocolates man lang.

And honestly speaking, she admit na namimiss niya na ito.

Sa araw araw na lumipas na lagi niyang pagpasok at paghintay sa mga iba't ibang stuffs na binibigay ng secret admirer niya ay palagi pa rin siyang umaasa, umaasa siya na sana magparamdam na kung sino ba ang taong iyon dahil alam ng puso at isip niya na hindi kumpleto ang pagkatao niya kung hindi niya malaman kong sino iyon.

Ngunit sa paglipas ng araw ay nawawala na rin iyong pag asa niyang iyon. Lahat nawala na parang kisap mata dahil sa pagod niyang maghintay.

SAMANTALANG, si Achan ay gumagawa na ng hakbang kay Mapple. Masaya si Achan dahil nakita niyang hindi na nagpapadala si Jethro ng mga sweet stuff sa dalaga at parang naging way pa ito upang magawa niya ang nais niyang gawin.

Minsan, nagprisinta si Achan kay Ezra at Aaron maging kay Mapple na siya na ang maghahatid at magsusundo sa dalaga. Nong una, hindi pumayag si Ezra dahil alam niya na kapag papayag siya ay parang pinapayagan niyang pumasok ito sa puso ng dalaga ngunit sa huli ay pumayag na rin ito.

Gusto rin kasi ni Mapple ang suggestion ni Achan dahil nahihiya siya sa magkasintahan dahil lagi siya na lang ang iniisip kaya magmula noon ay si Achan na ang sumusundo at naghahatid sa kanya sa pagpuntang school o pag uwi man sa kanilang bahay.

Naaapreciate naman ni Mapple ang effort ng binata ngunit feeling niya parang may mali... May kulang... At iyon ang gusto niyang punan.

Feeling niya kasi mas magaan sa feeling niya o mas masaya siya kapag ang secret admirer niya ang siyang nagbibigay ng iba't ibang stuff na katulad na katulad ng mga natatanggap niya.

Kaya sa sobrang nais niya ng malaman kung sino ang secret admirer niya ay isang araw tinanong niya ito.

"Umm... Achan..."

"Ano iyon Mapple?" Nagtatakang tanong ni Achan kay Mapple.

"Ahh... Ikaw ba ang secret admirer ko. Don't get me wrong... I'm just curious..." Sagot ng dalaga.

Napatigil naman si Achan sa paglalakad at tumingin sa kanya ng seryoso.

"Kapag sinabi ko ngang ako, maniniwala ka?" Sa tanong na iyon ni Achan ay hindi makasagot si Mapple. May part kasi ng puso niyang naniniwala at may part na hindi kay nalilito siya.

"Kapag bang sinabi kong naniniwala ako, aamin ka sa akin?" Nanginginig sa kabang tanong ng dalaga. Hinawakan lang ni Achan ng mahigpit ang kamay ni Mapple.

"Oo."

"So ikaw ba iyong YYJ. Iyong secret admirer ko?" Tanong ulit ni Mapple.

"I am." Mata sa matang pag amin ni Achan sa dalaga. Sa una hindi siya naniwala ngunit kalaunan ay naniwala na rin siya. Ngunit hindi niya alam na niloloko lang siya ng binata.

"Pasensiya na ah, kung hindi na ko nakapagbibigay sa iyo. Mas gusto ko kasi ng personal na iparamdam sa iyo na mahalaga ka sa akin." Sabi ni Achan. Hindi kumibo si Mapple ngunit malalim ang iniisip mo.

"Mapple!" Paggulat na medyo sigaw ni Achan sa dalaga.

"Are you okay?" Tanong niya.

"I am." Wika naman nito.

"Hindi ka naniniwala no?" Tanong ulit ni Achan kay Mapple.

"Hindi naman sa ganoon, siguro hindi lang ako sanay..." Wika nito. Tumango lang ang binata pero deep inside nararamdaman niyang mukhang palpak ang plano niya.

*****

IN SEARCH OF A SWEETER SONGWhere stories live. Discover now