Chapter 17: Because of that Anonymous Girl

44 5 0
                                    

Chapter 17:Because of That Anonymous Girl

MAPPLE'S POV:

"Bessy..Are you okay?"

Tanong ni Bessy pagkaupong pagkaupo ko sa destined seat ko.. Ano pa nga ba ang bago sa akin? Ganoon pa din naman ang ikot ng mundo ko eh.. Siya lang at siya lang naman ang iniisip ko eh.. Kahit sa panaginip ko.. Pero bakit ganoon? Pati sa panaginip mahirap ko pa rin siyang maabot?

"Kahit masakit, pinilit ko siyang kalimutan...Kahit masakit, pinilit kong wag umiyak...Kahit masakit, pinilit kong wag magtiis...Pero kahit anong gawin ko, siya at siya parin ang mahal ko eh...Kahit masakit!"

Iyak k okay Bessy.. Bessy gave me a hug.. Kahit papaano gumaan ang nararamdaman ko..kahit papaano,nailabas ko ang sama ng loob ko.. I hate myself! Bakit kasi nahulog ako sa isang tulad niyang walang alam kundi saktan at paasahin ako? Well! Maybe ako din ang may kasalanan kasi ako ang nahulog sa kanya.. pero kahit na! ganoon pa rin iyon! Ako at ako pa rin ang lumabas na tanga!

"Bessy.. Don't cry.. may tamang lalaki naman para sa iyo eh.. hindi mo lang napapansin kasi puro ka Jethro! Hay!!! Ewan ko nga sa inyong dalawa.. Achannnn!!!!! Samahan mo nga si bessy sa canteen para naman gumaan na pakiramdam niya!"

Sigaw ni bessy dahilan ng pagpansin sa akin ni Achan. Achan just smile at bessy at tuluyan na kaming iniwan ni bessy na kasama ko siya.Ilang days na rin kasi akong hindi pinapansin ni Achan at tila naiilang siya pag nandiyan ako sa tabi niya.Well! Alam ko naman at ramdam ko naman eh! Nasaktan ko siya! Pinaasa! Pero hindi naman ako tanga at manhid na hindi maramdaman iyon! All this time, siya lang ang nakakapiling at nakakasama ko. Minsan nga iniisip ko na sana siya na lang ang minahal ko! Na sana.. siya na lang ang tinitibok ng puso ko.. pero hindi eh! Si Jethro at si Jethro pa rin.. Am I that stupid na hindi ko man lang alam ang nararamdaman niya.. Well! Maybe may kasalanan rin ako.. Bakit ko kasi hinayaan na ma-fall siya sa akin at bakit ko kasi hinayaan na ma-fall ako kay Jethro. Hay! Mas lalo lang akong ginugulo ng isip ko eh! Mas lalo lang akong nag aasume.. mahirap! Sobra! Masakit! Sobrang sakit!

"Hey Mapple.. Tara sa canteen tayo! May treat!"

Masaya at masiglang alok niya sa kin.. ngumiti na lang ako at sumunod sa kanya.. Gusto ko na rin kasing mawala na itong lungkot ko at itong sakit sa puso ko.. pero ang tangi ko lang tanong... kaya bang mahilom ang sugat sa pusong lubhang nasaktan at nasugatan? Kaya bang ngumiti ng taong walang ibang nararamdaman ngayon ay kundi hapdi at sakit? Hindi na,man kasi medaling magamot ng simpleng nguti o simpleng bagay ang sakit sa nararamdaman mo.. pero nasa sa iyo naman kung hahayaan mong sumaya at lumigaya ng tuluyan na hindi na iniisip ang sakit na nadarama.

"Thank you Achan ah! Kasi lagikang nandiyan para sa akin kahit na ... alam mo na... nasaktan na kita.. nandiyan ka pa rin para damayan at suportahan ako.. in times I felt weak and in times of my happiness... alam mo Achan.. ikaw lang iyong lalaking nagtiyaga sa akin kahit na nasaktan na kita ng lubusan... and I am happy because I have a friend like you who always there for me.. even though hindi ako lagging nandiyan para sa iyo.. "

I cry in front of him.. hindi ako nahihiya.. bakit? Kasi totoo naman ang sinabi ko eh.. mahal ko din naman siya pero as a friend.. hanggang doon na lang iyon.. at alam ko... may karapat dapat na babae na para sa kanya na ibinigay ng Diyos at hindi ako iyon..

"Lagi naming ganyan eh.. Lagi na lang second lead boy ang nagsasakripisyo.. ang nasasaktan... hindi ba pwedeng kami din.. ako na lang ang mahalin mo... hindi na lang siya kasi... ako... ikaw lang talaga... ikaw lang... hindi ba pwedeng ako din? Kasi.. ginawa ko na ang lahat ng kayak o.. lahat ng bagay ibinuhos ko.. lahat ng sakit at saya binigay ko na pero ano? Siya at siya pa rin!? Alam mo Mapple... sana pala hindi ko na ibinigay ang puso ko sa iyo kasi... hindi ka deserving.. hindi ka ang para sa akin.. masakit pero iyon ang totoo... sorry ha kung ako ang pumupuna sa pagkukulang niya... bayaan mo.. hindi na kita dadamayan pa kahit kailan..."

"Achan......"

Iyon lang ang naisambit ko sa napakahabanbang sinabi niya... alam ko naman iyong pagkukulang ko pero... masisisi niyo ba ako kung sa kanya lang tumibok ang puso ko... masakit din naman para sa akin iyon eh! Iyong gawin kang pangalawa ng taong lagi mong inuuna... masakit... alam ko ang nararamdaman niya pero wala eh... wala... pati ako talo... talong talo....

Tumalikod siya sa akin at humakbang papalayo... ang sakit palang malaman galing sa kanya na ayaw niya na sa akin... bigla na lang sumikip ang dibdib ko at hindi na makahinga.. Oh no! Lord! Huwag po ngayon... Achan!!! Tulungan mo ako!!! Hinabol ko siya... kung saan saan ko siya hinanap pero wala.... Laking gulat ko ng makita ko siya... Hindi si Achan kundi si Jethro kasama ng hindi ko kilalang babae... ang sakit pala no na makita ang mahal mong may kasamang iba... na masaya sa piling niya hindi sa piling mo... masakit... sobra... Hindi na ako makahinga sa sobrang sakit.... Hindi ko kayo mapapatawad... pati ikaw na babaeng hindi ko kilala!!!! I Hate you both!!!!! And I wish you did'nt exist anymore!!!!

Then everything's went blank..

ACHAN'S POV:

Lecheng pag-ibig diba? Hindi ba pwedeng maging perpekto kahit minsan?

Lagi na lang okay, lagi na lang nasa tama, pero perpekto ba? Hindi diba? Kasi

sa pag-ibig, laging may nasasaktan: laging may nananalo, laging may

natatalo. Parang double effect lang iyan. Pero saang panig ka ba?

Sa nasasaktan, o sa nanalo?

Kahit saang panig pa alam kong talo pa rin ako... How come to this? I love her with all my heart but she didn't love me... kainis! Bakit pa kasi ako nainlove sa kanya eh alam ko naman in the first place mahal na mahal niya ang bestfriend ko... grabe!

Sana pala hindi ko na lang siya minahal... sana pala hindi ko na siya pinasaya... sinamahan sa bawat sakit at kasiyahan na dumadating sa buhay niya... sana pala hindi ko na hinayaang mahalin siya... na mahulog ang loob sa kanya pero alam ko huli na... huling huli na.... dahil... mas pinili niya siya kaysa ako...

Tumalikod na ako sa kanya at hindi na lumingon pa.. para saan? Para maramdaman ko ulit iyong matagal ko ng tinatagong sakit? Para saan pa? para maging panakip butas niya... haha! Patawa siya! Hinding hindi na ako babalik pa sa kanya! Never!

I didn't bother to look back and say my last goodbye... for what? She doesn't care for me anymore!

Pero bakit ganoon? Kahit nagmamatigas pa rin ang puso ko sa kanya at sa kanya pa rin ako bumabalik... feeling ko nga may tali ang puso ko na nakadugtong sa puso niya na ang makakatanggal o makakaputol lang ng taling iyon ay siya... bumabalik at bumabalik pa rin ako sa kanya.. parang ngayon... tumatakbo ako pabalik sa aming pinaggalingan... pero bakit wala siya? Ganoon na lang bas a kanya kadali ang pagwawalang bahala sa nararamdaman ko? Pero kahit ganoon... kahit ulit ulitin niyang saktan ang puso ko wiling pa rin akong magpasaktan basta siya.. haha! Sabihin niyo ng tanga ako... ng manhid ako pero alam ko iyon at iyon lang naman ang nararamdaman ko ngayon... pagbigyan niyo na ako...

Takbo ditto.. takbo roon... kung saan saan ko na siya hinanap ngunit hindi ko siya Makita.. Asan ka nab a Mapple? Galit ka ba sa akin? Ayaw mo nab a akong maging kaibigan? Alam ko kaibigan lang ang turing mo sa akin pero kahit ganoon mahal pa rin kita... please Mapple! Magpakita ka na! nag aalala na ako!

Sa wakas nakita ko na siya... ngunit nagulat ako ng bigla siyang hinimatay... buti na lang at nasalo ko na siya.. ngunit mas may nakakagulat pa lang pangyayari ang nakita ko... alam ko nakita niya rin ito... si Jethro kasama ang hindi ko masyadong kilalang babaeng naghahalikan sa harap niya... familiar sa akin itong babaeng ito pero hindi ko na matandaan kong saan ko siya nakita...

That bastard! That B*itch! Hindi ko silamapapatawad! Sa ngayon papalagpasin ko muna ang ginawa nilang dalawa pero pagnakita ko ulit sila mapapatay ko na sila! Mas lalo ka na Jethro at pati na riniyang babae mo! Tandaan niyo! Hinding hindi ko na hahayaang mapunta sa pilingmo si Mapple... ayaw ko na ulit siyang masaktan! Tandaan niyo iyan!    


IN SEARCH OF A SWEETER SONGWhere stories live. Discover now