Chapter 28.3: Christmas Party (AaZra Moment)

25 4 0
                                    

Chapter 28.3: Christmas Party (AaronxEzra Moment)

EZRA'S POV:

"Uy! Congrats Allison ah! Kayo na pala 'di niyo man lang sinabi sa akin kay Aaron ko pa nalaman. Kailan ang kasal?" Tanong ko kay Allison na blooming na blooming.

Nalaman ko lang kagabi na nagbalikan na sila ni Stephen. Remember? Dati silang mag fiancé kaya lang ay inayawan nila dahil may kanya kanya pa silang lovelife n'un. Eh! Sabi sa akin ng magaling na si Aaron na ng magkaaminan daw sila at agad silang dalawa pumunta sa both parents nila para basbasan sila at para matuloy ang naudlot na kasal.

"Ah... Wala pa eh! Hindi pa namin napag uusapan ni Stephen. Baka kapag nasa legal age na kami."

"Tama si Allison, Ezra. Tsaka sure na kami na kami ang magkakatuluyan dahil kung hindi malalagot sa 'kin si tadhana." Sang ayon ni Stephen sa sinabi ni Allison.

"Kung sabagay ikaw lang naman ang nagpatunaw sa yelong puso ng babaeng 'yan eh!" Sabi ko at nagsitawanan na lang kami.

Hayy nakakapanibago si Allison. Siya 'yung tipo ng taong minsan mo lang siya makikitang nakangiti. Cold kasi siya magmula ng nagbreak sila ng ex niya at ramdam namin kung gaano siya nasaktan ng lubosan. Masaya ako ngayon dahil dumating si Stephen na nagpatunaw sa malamig niyang puso. Hayy! Ako kaya? Kailan ko kaya makikita at makikilala si Mr. Right?

"Ah Ezra, nasaan si Mapple?" tanong ni Stephen habang pinagmamasdan ang paligid. Maraming tao ngayong gabi dito sa hotel kung saan namin sinecelebrate ang christmas party namin. Taon taon ng ginagawa ng school na sa mga mamahaling hotel ang venue ng celebration specially mga taga highschool department.

"Ah oo nga... Sige hahanapin ko muna siya. Pakibigay na lang tong regalo ko baka kasi hindi ko na maabutan ang program." tumango lang sila.

Maraming estudyante ang nagsasayahan especially mga first year student. Nilibot ko na ang buong paligid at tinanong ko na ang ibang estudyante pero hindi daw nila alam kung nasaan siya.

Haiysst Bessy! Asan ka na ba? Malapit ng mag umpisa ang christmas program tapos wala ka pa! Haiysst!

Lumalalim na ang gabi at ako'y stressed na stressed na. Tssk! Bakit kasi nakalimutan ko siya.

Stupid mo talaga Ezra! May amnesia pa naman 'yon mamaya kung ano pang mangyaring masama sa kanya ako pa ang malalagot.

"Ezra!"

"Ay palakang kamukha ni Aaron!!"

"Bwahahahaha!" tawa ni Mapple sa naging expression ko.

Mapple? MAPPLE!!?

"Hoy Bessy! Kanina pa kita hinahanap kung saan saan tapos dito lang kita makikita! Sa loob ng cr!?" sigaw ko sa kanya. Natatawa na lang siya sa sinabi ko. Seriously? Ganito na ba kalala ang amnesia ni Bessy na dahilan para maging kauri namin siya ni Micah? Kung ganoon, pareparehas na pala kaming mga baliw.

"Ah sorry Bessy ah! Kanina pa ko sa loob eh pero kakapunta ko pa lang dito sa cr kasi naiihi na ko. Alam mo, ikaw kaya ang hinahanap ko kasi may naghahanap din sa'yo. Since nakita na natin ang isa't-isa, tara may pupuntahan tayo." sabi niya lang sabay hila sa akin palabas ng cr.

"Teka saan ba talaga tayo pupunta Bessy eh hindi na ito papunta sa party room? Ibang lugar na 'to oh! Huwag mong sabihing uuwi na tayo?" sabi ko dahil napansin kong papunta na ito sa ibang part ng hotel.

"Ah hindi. Hindi pa tayo uuwi..."

"Eh?" iyon lang ang nasabi ko dahil tinakpan niya ang bibig ko gamit ang isa niyang kamay dahil ang kamay naming isa ay nakaposas dahil kanina sinubukan kong tumakas sa kanya pero wala eh, nahuli niya pa rin ako, kaya ayan!. Agad niyang pinusasan ang kamay ko kaya sa ayaw at gusto ko sasama ako sa kanya.

IN SEARCH OF A SWEETER SONGWhere stories live. Discover now