Chapter 35: Goodbye

24 4 0
                                    

MAPPLE'S POV:

"Bessy?"

Tanong ko sa babeng nakatalikod at paalis na ng kwarto ko.

Kwarto ko? Iyong totoo? Gising na ba ko?

Unti unti siyang lumingon sa kin at nagulat. Kita sa mga mata niyang kakagaling niya sa pag iyak at ng makita niya ako, bigla na lang ulit tumulo ang mga luha niya.

Unti unti siyang lumapit sa akin at nang malaman niyang totoong gising na ko, niyakap niya ko ng mahigpit na mahigpit na akala mo mawawala na ko ulit.

"Bessy!!!"

Iyak niya sa kin habang nakayakap pa rin siya.

"Ang saya saya ko Bessy! Ang saya saya! Nagising ka na sa wakas! Thank you Lord!"

Iyak pa rin niya habang nakayakap sa akin..

Marami pa siyang sinasabi sa akin pero hindi ko magets dahil hanggang ngayon, kahit kakagising ko, ramdam ko pa rin ang sakit ng ulo ko at paghihina ng katawan ko.

Ang dami kong gustong itanong sa kanila. Ang dami kong gustong malaman pero bakit ganoon, hindi ko man lang mahanap ang boses ko at ang tamang timing para magtanong.

Natatakot kasi ako.. Natatakot na malaman ang totoo...

Kaya kahit gustong gusto ko ng malaman ang mga dahilan kung bakit ngayon lang ako nagising o kaya kung ok lang ba sila, hindi ko magawa...

"Bessy.."

Iyak niya habang bumitaw sa yakap at bigla niya kong tinignan...

"Ok ka lang ba Bessy? Bakit ayaw mong mag salita?"

Tanong niya. Ibinuka ko ang aking mga labi at hinahanap ko ang aking boses pero hanggang ngayon wala pa rin.

Isinarado ko na lang ang labi ko at umiling bilang sagot. Ngumiti lang siya sa kin at niyakap niya ulit ako.

Napansin ko ang paligid.. Puro puti lang ang nakikita ko at tila busy ang mga tao.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at ngumiti..

"Dito ka lang Bessy ah! Tawagin ko lang mga doctor mo pati na rin sila tita at mga kaibigan natin!"

Tumango lang ako at lumabas na siya ng kwarto ko.

Nakita ko ang masayang aura ni Bessy habang umalis siya...

Napakasaya niya..

Ako kaya kailan magiging masaya?

"Sana mahalin mo siya."

Narinig kong bulong.. Hindi ko alam kung kanino galing pero alam ko... Sure akong kilala ko king sino iyon.

"Sana mahalin mo siya."

Bulong niya ulit. Napahawak ako sa ulo ko. Ramdam ko ang pag ikot ng mundo.. At naramdaman ko ang unti unting pagpikit ng mata ko hanggang sa makatulog ako.

*****

THIRD PERSONS'S POV:

Biglang nakatulog si Mapple sa kanyang higaan habang ang kanyang kaibigan na si Ezra ay masayang masayang binabalita sa cellphone ang pagkagising ng kaibigan.

"Tita!  Gising na po si Mapple.  Opo!  Gising na siya sa awa ng Diyos.  Napakasaya ko ng makita siyang buhay at humihinga.  Opo,  dalian niyo po mukhang naghihintay na po siya sa inyo.  Hindi pa po.  Sasabihin ko pa lang po sa mga kaibigan ko." ang wika niya habang masayang kinakausap ang ina ni Mapple na nasa Airport na sa ngayon.

Sinod naman niyang tinawagan ang mg kaibigang sila Aaron,  Micah,  Sai,  Allison,  Stephen at Achan.  Hindi niya na tinawagan si Jethro dahil alam niyang kapag nakita ulit ng kaibigan ang binata, babalik at babalik ang mga masasakit na alaala na dulot ng kanyang sakit.

Samantalang habang natutulog si Mapple ay may nakikita siyang babae. Medyo bata pa ito at ramdam niyang naging matalik silang magkaibigan kahit sa maiksing panahon.

"Kamusta?" ang tanong sa kanya ng dalaga. Hindi siya makasagot dahil batid niya kung sino ang nasa harapan niya ngayon at kung sino ang kinakausap niya ngayon.

"Jyra?" tanong niya dito.  Ngumiti lang sa kanya si Jyra.

"Alam ko batid mo ng nagising kanina at alam kong alam na ng kaibigan mong buhay ka." kwento sa kanya ni Jyra.  Tumango lamang siya.

"Ang totoo niyan,  naiinggit ako sa'yo kasi binigyan ka pa ng pagkakataong mabuhay.  Pagkakataong maitama mo 'yong mali mo.  Sana mabigyan din ako ng chance kahit saglit lang pero wala eh!  Siguro,  hindi 'to para sa akin." anya nito.  Naguguluhan na si Mapple sa pinagsasabi ng kaibigan.  Batid niyang may mali sa kanyang inaasta.  Na tipong nagpapaalam na ang kaibigan sa kanya sa kanyang panaginip.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.  Nagulat siya dahil may lumabas na sa kanyang mga labing mga salita pero hindi niya na ito inisip o pinansin.  Ang tanging nasa utak niya ngayon ay ang sabi ng kanyang munting kaibigan.

Hinawakan lang ni Jyra ang kamay ni Mapple at umiling.  Ramdam ni Mapple ang lamig ng kamay nito.

"Wala.  Huwag mo na lang isipin ang aking sinabi sa'yo.  Sige na!  Bumalik ka na sa inyo.  Alam ko nag aalala na sa'yo ang iyong mga kaibigan." magtatanong pa sana siya ngunit hindi niya na ulit mahanap ang tamang salita.

"Basta maging masaya ka para sa akin." iyon na ang huling wikang narinig niya sa bibig ng kaibigan.

Nagising na siya at nakita niya ang mga mukha ng mga kaibigang nag aalala.  Maging ang mukha ng mama niya ay nakita niya rin.  Puno ito ng pag aalala,  kalungkutan ngunit ngayon ay napalitan ng kasiyahan.

Agad siyang niyakap ng kanyang ina at pagkatapos ay ang kanyang ina.  Tila wala ng bukas ang pagkakayakap sa kanya ng kanyang ina.  Ayaw na kasing mawala pa ang kanyang anak ulit sa kanya kaya kaya gagawin ng mama niya ang lahat upang gumaling siya sa kanyamg sakit.

"Mama... " ang mahinang mutawi na kanyang nabanggit.  Napaiyak na lang ang mama niya sa tuwa ng marinig sa kanyang anak ang salitang iyon.

"Ano iyon anak?" tanong sa kanya ng kanyang ina.

"Maaari niyo po ba akong samahan sa kwarto ng aking kaibigan dito sa hospital. Batid kong nandito lamang siya." wika nito.  Naguluhan ang kanyang ina sa sinabi ng kanyang anak ngunit tumango lamang siya.

Humiram sila ng wheelchair sa isang nurse at doon siya pinasakay.  Dahil kakagising lamang niya at hindi pa siya maaaring maglakad dahil hindi pa kaya ng katawan niya.

Nilibot nila ang buong hospital. Bawat kwarto ay pinasok nila upang mahanap lamang ang tinutukoy na kaibigan. Nawalan na siya ng pag asa pero sa isang sandali, biglang tumigil ang tibok ng puso niya ng may nakita siyang babaeng nakahiga at tinutulak ng mga nurse papuntang morgue. Wala ng buhay ang babae at walang tigil sa pag iyak ang mga kamag anak nito.

Agad niyang sinabihan ang kanyang ina na sundan iyon at pagkarating na pagkarating nila doon, nakita niya ang walang buhay na bangkay ni Jyra.

Ang kaibigan niya sa panaginip.

Napaiyak na lang siya at hinalikan ang malamig na kamay ni Jyra. Ramdam ng mga kaibigan niya maging ang nanay niya ang hinagpis at hinayaan si Mapple na umiyak ng umiyak. Hindi man nila alam kung kailan sila naging magkaibigan, alam nila at batid nilang mahalaga ito sa dalaga.

Ilang minuto rin ang lumipas ng tumahan si Mapple. Hinalikan niya ang pisngi ng malamig na bangkay ng kaibigan.

"Hindi ko man 'to maipapangako pero gagawin ko ang lahat upang sumaya katulad ng sinabi mo sa akin."

"Salamat sa lahat munting kaibigan. Salamat at paalam." naiiyak na wika nito.

Tuluyan niya ng iniwan ang kaibigan at hindi na tumingin pa dahil batid niyang ayaw siyang makita 'tong nahihirapan at nasasaktan.

*****

IN SEARCH OF A SWEETER SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon