Chapter 49: Engagement Party

17 3 0
                                    

CHAPTER 49: ENGAGEMENT PARTY

THIRD PERSON POV:

This is it. Ito na ang araw na matagal na hinihintay ni Priscilla. Ito na ang araw na kung saan ipapaalam na sa buong mundo na siya at si Jethro ay ikakasal na.

Wala ng karapatan ang ibang taong aagawin si Jethro sa akin dahil finally, ako na ang official wife niya.

Ang nasa isipan ni Priscilla. Wala na siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao dahil para sa kanya, si Jethro lang ang sasapat sa buhay niya.

She even didn't mind about Mapple, dahil alam niya na para kay Mapple patay na si Jethro at nagtitiwala si Priscilla sa magiging mother in law niya na hindi malalaman ni Mapple na buhay si Jethro.

Napangiti na naman siya ng nakakaloko at pinag patuloy ng kanyang make up artist ang pagpapaganda sa kanya.

Samantalang, nasa kwarto lang si Jethro at patuloy na tinatawagan si Mapple ngunit kahit anong gawin niyang tawag ay hindi niya ito makontakt.

Sh*t! Why I can't contact her?

Ilang beses niyang pinagpatuloy ang pagtawag ngunit hindi niya talaga siya makontakt.

Hindi niya alam na ng siya ay nahospital ay pinagsabi ng mga magulang niya kay Mapple na patay na siya. Kaya kahit masakit kay Mapple ay dinelete niya lahat ng pwedeng maging contact kay Jethro. Lahat lahat.

Napasuntok na lang siya sa pader. Hindi niya na alam ang gagawin. Hindi niya alam kung paano niya makakausap ang kasintahan.

Biglang pumasok ang isang lalake. Nakahood siyang itim dahilan para hindi ito makilala agad ni Jethro.

Napatayo bigla si Jethro sa pagkakaupo at kinompronta ang lalaki ngunit bago niya pa 'to magawa ay binaba ng lalaki ang hood nito dahilan upang makilala ni Jethro kung sino nga ba siya.

Achan...

MAPPLE'S POV:

Nasa kalagitnaan ako ng pakikinig ng lovesong ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

Bigla kasing pumasok si mama ng walang paalam. Hindi naman ako nagalit dahil sanay na ko, ngunit iba ang aura ngayon ni mama. Iyong aura niya ramdam kong may something na mali eh pero hindi ko alam kung ano nga ba.

Pero sana mali 'tong nararamdaman ko. Sana dulot lang 'to ng pag-iisip ko kay Jethro. Sana.

"Anak..." Hinawakan ni mama ang kamay ko at tumingin sa akin ng maimtim.

"Bakit po?" Tanong ko. Ramdam ko talaga ang kaba sa puso ko. Sana mali lahat ng akala ko.

"Mag empake ka na. Aalis na tayo." Wika niya sabay bukas ng mga drawer at kabinet ko upang kunin iyong mga damit ko.

Napakunot noo ako.

"Bakit ang aga naman po masyado." Tanong ko ulit. Tumingin ng nakatatakot si mama na sinasabing huwag na kong magtanong pa.

Pero masama talaga pakiramdam ko. Ang lakas din ng kaba sa dibdib ko.

Bakit kaya?

*****

IN SEARCH OF A SWEETER SONGWhere stories live. Discover now