Chapter 37: She Knows

21 4 0
                                    

THIRD PERSON'S POV:

Nasa isang sikat na boutique si Priscilla ngayon at kausap ang pinaka magaling na designer para sa magiging damit ng susuotin niya sa kanyang kasal.

Habang nagtitingin biglang nagtanong si Ella, iyong magaling na designer kung nasaan si Jethro dahil nagtataka siya dahil nag iisa lang si Priscilla ngayon na tumitingin at nagdedecide sa kanilang kasal.

"Ahmm ma'am? Nasaan po pala ang magiging asawa niyo?" Magalang na sabi niya.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Priscilla.

"Papunta na siya kaya don't asked many question kung ayaw mong putulin ko ang dila mo!" Naiinis na sabi nito. Napatahimik na lang si Ella.

Ilang saglit may biglang tumawag kay Priscilla na kinainisan niya.

"Istorbo!"

Bulong nito sa sarili at kinuha ang iphone niya at agad na sinagot ang tawag na hindi tinitignan ang caller id nito.

"What do you want!" Malamig na wika nito sa kabilang linya.

"Chill lang Priscilla. Si Achan ito. May gusto lang akong sabihin sa iyo."

Napataas naman ang kilay niya sa sinabi ni Achan.

"At ano naman iyon?" Tanong niya dahil nauubus na ang pasensiya niya.

"Si Jethro..." Pabitin na sabi niya.

"Anong meron kay Jethro?" Tanong ulit nito.

"Gumagawa na siya ng paraan para maalala na siya ulit ni Mapple!"

Napa nga nga naman siya sa sinabi nito.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya dahil naguguluhan na siya.

"Hindi mo ba alam na nagising na si Mapple? At nag bigay ng bulaklak sa kanya si Jethro na may card pang nakasulat?" Sabi ni Achan.

"What!?" Gulat na wika nito. Walang alam si Priscilla sa mga nangyayari dahil ang akala niya patay na si Mapple. Mas nalaman pa pala ni Jethro ang kalagayan ng dalaga kaysa sa kanya.

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Achan. Nag buntong hininga na lang si Priscilla dahil kung hindi baka kanina pa siya nag wawawala dito.

"Just accept our deal! Naalala mo pa ba iyon? Iyon na lang ang tanging paraan para mapasayo si Mapple. Remember nandiyan si Jethro na umaaligid kay Mapple. Kung ayaw mong mawala sa tabi mo si Mapple then pumayag ka sa deal natin." Sabi ni Priscilla.

Narinig niya na lang ang buntong hininga ni Achan sa kabilang linya.

"Sige pumapayag na ko pero hindi ibig sabihin noon na kakampi na ko sa iyo. Gusto ko lang mapasa akin si Mapple at hindi mapunta kay Jethro dahil masakit ng magmahal ng hindi ka naman minamahal pabalik." Napangiti naman si Priscilla.

"Huwag kang mag alala, the feeling is mutual."

At binaba niya na ang tawag sa kabilang linya kahit na nag sasalita pa si Achan.

Napabalik siya sa upuan at uminom ng wine.

"Mapple bakit ang lakas lakas mo? Hindi ka niya kayang makalimutan? Leche ka eh!" Bulong nito sa isipan.

"Ma'am? Ok lang po ba kayo?" Tanong sa kanya ni Ella.

Tumango lang ito at tinuon ang tingin sa mga designs pero deep inside gustong gusto niya ng puntahan si Mapple at sabunutan.

Napapikit na lang siya...

"Sana naman kahit itong deal lang namin ni Achan ay tumalab dahil kung hindi, kahit kailan hindi na mapapasa akin si Jethro."

"At kung mag katuluyan silang dalawa, hindi ko hahayaang mag karoon sila ng happy ending."

*****

IN SEARCH OF A SWEETER SONGOnde histórias criam vida. Descubra agora