Chapter 43: Meeting Her Real Secret Admirer

10 3 0
                                    

MAPPLE'S POV:

Ang tagal ng jeep! Malalate na ko sa next subject ko. Bakit kasi ang layo ng next destination namin?

Biglang may tumapik sa akin at pagtingin ko, si Bessy lang pala iyon.

"Bessy! Tara na! Sabay ka na lang sa amin ni Aaron ngayon tutal dala naman niya kotse niya." Sabi ni Bessy. Umiling lang ako bilang sagot.

"You sure? Matagal maghintay ng jeep ngayon mas lalo na ngayong rush hour. Sabay ka na sa amin please!!" Pagmamakaawa ni Bessy.

Tama naman siya eh. Matagal maghintay ngayon ng jeep mas lalo na kung ganitong rush hour.

Madaming pasahero ang sasakay pero nakakahiya naman kasi sa kanila eh. Kahit bestfriend ko siya, kailangan niyang magkaroon ng bonding time with her boyfriend mas lalo na ngayong malapit na kaming mag graduate.

"Ahhhh... Sige na nga baka malate pa tayo!" Napa yes naman siya sa sinagot ko at hinintay na namin si Aaron. Bakit kasi ang layo ng next building?

*****

Nasa may locker room ako ngayon dahil kukunin ko iyong p.e uniform ko dahil p.e subject namin.

Buti na lang at may extra ang school na p.e uniform sa bawat lockers ng mga estudyante kundi hindi kami makaka pasok sa p.e class namin kung hindi kami nakasuot ng p.e uniform.

Tamang tamang pagbukas ko ng locker ko ay may isang sulat ang nalaglag.

Pinulot ko ito at napakunot ang noo.

"From your secret admirer." Bulong ko habang binabasa ang nasa likod ng sulat.

Ang lakas talaga ng trip ni Achan! Hindi pa rin siya makamove on sa pagbibigay sa akin ng sulat kahit kilala ko naman siya. Hahaha! Si Achan talaga oh!

Ibabalik ko sana ang sulat sa may locker ko ng napansin kong medyo bukas ito. Mukhang hindi masyadong naseal.

Dahan dahan ko itong binuksan at kinuha ang sulat sa envelope niya.

Ganoon pa rin ang amoy, amoy sulat ngunit bakit biglang umiba tibok ng puso ko?

Dahan dahan kong binuklat ang nakatuping sulat at nagulat sa laman nito.

Mapple, I'm sorry if I didn't gave you stuff like I use to do but please give me one more chance.

Please go to the Function Hall, later after school because finally, you will meet me.

Hugs and Kisses,
YJJ

Napatakip ako sa bibig ko at nabitawan ang sulat na kakatapos ko ng basahin.

Totoo ba lahat ng 'to o gawa gawa lang ni Achan? Pero kung gawa gawa lang ito ni Achan, bakit iba pakiramdam ko? Bakit ang sinasabi ng puso ko ay puntahan siya kung sino man siya doon sa Function Hall.

Pupunta ba ko o hindi? Pupunta ako o hindi? Waahhhhh! Hindi ko alam!? Pero ang alam ko lang, kailangan kong pumunta doon para matapos na ang lahat ng 'to!

*****

Uwian na. Nagpaalam na ko kay Achan na maiiwan muna ako saglit dito sa school. Nong una, nag insist siya na samahan niya na lang ako dito maiwan sa school kaya lang sabi ko hindi na.

Hindi naman na siya nagsalita ni nagprotesta man lang at umalis na. Pero baka dideretso siya sa Function Hall. Hindi ko alam! Sana pala tinanong ko siya kanina.

Nasa may pinto na ko ng function hall ng huminto ako.

Paano kapag hindi sumipot iyong taong iyon anong gagawin ko? Paano kung niloloko lang niya ako sa huli magiging tanga ako dito?

Sa pagtatalo ng puso't isip ko, naramdaman ko na lang na papasok na ako sa loob. Bakit hindi ko man lang alam na may sarili pa lang utak itong paa ko?

Nang nakapasok na ko sa loob ay nakapatay ang ilaw. Kahit kinakabahan ay kinapa ko kung nasaan ang light switch at ng mahawakan ko ito ay agad kong swinitch ang ilaw.

Biglang umilaw, pero kahit nakakasilaw ay kitamg kita ko ang loob ng function hall.

Isang lamesa sa gitna na parang pang date, mga petals at mga lobo isama na rin natin ang mga kandilang nasa sahig.

Sobrang romantic ngunit mas nagfocus ako sa isang lalaking nakatalikod sa akin.

Matangkad, maputi at maayos ang hulma ng katawan.

Biglang bumilis tibok ng puso ko. Tila kilala niya kung sino ba itong lalaking nasa harap ko.

At hindi nga ako nagkamali dahil ng unti unti siyang humarap sa akin ay unti unti ko ring narealize kung sino siya.

Siya ang lalaking laman ng aking panaginip.

*****

IN SEARCH OF A SWEETER SONGWhere stories live. Discover now