Chapter 15: Confused

56 7 0
                                    

MAPPLE'S POV:

"Mapple.. May problema ka ba?"

Bungad na tanong ni Allison sa akin.. Ilang araw na siyang wala dito sa school dahil nagkasakit siya.. At hindi niya Alam ang nangyari sa akin nitong mga nakaraang araw..

"Tsssk! Tsssk! Tsssk! Broken hearted lang yan kasi iniwan niya si ----"

Hindi na naituloy ni Micah ang kanyang sinasabi dahil piangdilatan ko siya ng mata.. Sa totoo lang, may something na nag bobother sa akin kaya ako malungkot.. Feeling ko nga,pinagsakluban ng langit at lupa ang itsura ko ngayon..

"Na saan si Bessy?."

Paiwas na tanong ko.. Nakita ko kasi si Allison na nacucurious.. Kung pwede ko lang sanang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.. Gagawin ko.. Para lang mawala na itong tensyon na nararamdaman ko.

"Ewan ko.. Mapple.. Please sabihin mo na! Gugustuhin mo bang mabaliw sa pagsasarili ng problema mo?"

Nag mamakaawang sabi ni Allison. Kung pwede lang sana.. Kung pwede ko lang sabihin sa inyo eh! Ginawa ko na sana.. Pero... Hindi pwede eh!

"Ummm.. Alis muna ako. May pupuntahan lang saglit.. Nag text kasi si Aking Prinsipe eh! Hihihi! ^^"

Sabi ni Micah sabay tago ng cp niya sa bag.. Tumango lang kaming dalawa ni Allison..

"Mapple.."

Mahinang bulong niya sapat para marinig ko..

"Pwede mo namang sabihin yang nagbobother sa iyo.. Huwag ka lang matakot.. Kasi.. Handa naman akong makinig."

Pahabol na sabi niya.. Kung sasabihin ko ba.. May magbabago ba?? Mawawala ba ang alinlangan na aking nararamdaman ngayon?

Maraming tanong ang bumabagabag sa akin.. Natatakot ako.. Natatakot na malaman ang katotohanan.. Na baka ang sakit na nararamdaman ko ngayon ay mas lalong lumala.. Lumalim.. Mas masakit kaysa normal..

"Kung sasabihin ko ba.. May magbabago?"

Mahinang bulong ko.. Gustong gusto ko namang sabihin sa kanya.. Sa kanila.. Kaya lang, inuunahan ako ng takot ko.. Natatakot talaga ako.. Natatakot na baka may masaktan ako sa kanilang dalawa..

"Just trust me.. Hindi ko naman sasabihin eh.. Atsaka, baka makatulong ako sa problema mo.."

Sabi ni Allison sa akin sabay hawak sa kamay ko na nakapatong sa lamesa.. Huminga ako ng malalim at nag buntong hininga..

"Allison.. Kasi natatakot ako.. "

IN SEARCH OF A SWEETER SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon