Chapter 34.1: New Year; New Heartache (Part 1)

35 5 1
                                    

PRISCILLA'S POV:

Masaya akong gumising ng araw na ito. Siyempre, umaayon na ang tadhana sa mga plano ko at unti unti ko na rin natatamasa ang tagumpay!

Napangiti ako ng bahagya sa mga pinag iisip ko.

Tama! Sumasang ayon na sa akin ang lahat! Lahat ng nasa plano ko nangyayari na at masaya ako dahil unti unti ng nawawala ang pag asang may pag iibigan pa silang makakamtan.

Naaamoy ko na rin ang pupuwedeng mangyari kay Mapple. Nyahaha!

Mapple...

Pasensiya na kong nasa piling ko ang pinakamamahal mo.. Di bale pagnakarating ka na ng langit, ipakamusta mo na lang ako sa mga anghel diyan.

I smiled devilishly.

Kung makakapunta kang langit nyahaha!

Iiling iling ako habang nakangiti. Iyon ang nangyayari sa kin ngayon. Hindi naman ako masaya ngayon hindi ba? Well! Masayang masaya ako ngayon dahil nararamdaman ko na ang pag ibig sa kin ni Jethro. Yeah! Ang pinakamamahal kong si Jethro.

Magkikita kaming dalawa ngayon, sa may park malapit sa school. Medyo busy na ang mga tao sa paghahanda dahil mamayang gabi na ang New Year. Akalain mo iyon, tatlong linggo na ang nakararaan magmula ng nangyari iyon kay Mapple at tatlong linggo na rin akong masaya.

Magmula last week, nalaman ko kay Michal (pinsan ko na ginawa kong investigator ko sa mga nangyayari kay Mapple at Jethro) na pumayag na siyang magpakasal sa akin. Ofcourse! Nang nalaman ko iyon hindi ko alam kung ano irereact ko. Siyempre katulad ng ibang girls na nalaman na nililigawan sila ng crush nila, sumisigaw sila, namamalo, tumatalon, etc. at alam ko mas malala pa ang reaction ko sa mga ordinary girls. Well! Iba kasi ang level ko sa kanila. Iba rin ang kilig na dulot ng nalaman mong gusto ng magpakasal sa iyo iyong mahal na mahal mo kaysa doon sa feeling na may nanliligaw sa iyo na crush mo. Oh! Ang gulo ko!

Iba kasi ang magic niya.

I grin from ear to ear. Kawawang Mapple... Tsk! Tsk! Ang bata bata pero mamamatay na.

Ganyan talaga ang kapalaran niya at she deserves it. Deserve niyang mamatay ng maaga.

Bata pa lang kami, I have this urge na patayin siya o pahirapan. Bata pa lang kasi kami kinuha niya na kung ano ang meron sa akin. Kaibigan, katangian, katalinuhan, kagandahan at lalaking mamahalin. Kaya lumaki akong may malaking galit sa kanya at hindi ako nagsisisi kung ano man ang mangyari sa kanya kasi katulad ng sinabi ko, she deserves that!

Bitch man sa inyong pagtingin, huwag kang mag alala mamahalin mo rin. Nyahahaha.

I dressed my very gorgeous dress na meron ako. Nag lagay din ako ng make up sa aking mukha and for the final touch, nag lagay ako ng aking favorite red lipstick.

Napatingin ako sa salamin.

Kahit kailan ang ganda ganda mo Priscilla. Mas lalo na ngayon, nasa iyo na ang pinaka aasam mo. Si Jethro.

Lumabas na ko ng bahay at dumiretso sa kotse ko. Pupunta na ako sa park kung saan kami magkikita ni babe. Pagkapasok ko ng kotse, may nakita akong lalaking nakamasid sa akin. Napalunok ako.

Bakit parang may mali akong nararamdaman? Bakit?

MAPPLE'S POV:

Naramdaman kong unti unti kong naigagalaw ang daliri ko. Hindi ko alam kong may nakakita ba no'on o sadyang umaasa lang akong kahit ilang segundo lang, may nakapansing gising na ko.

Ilang araw na ba kong tulog? Ilang linggo o buwan na ba akong naghihintay na makaya kong imulat man lang tong mga mata ko.

Ilang pagkakataon na ba ang nasayang ko? Ilang oras na ba ang hindi ko nakamtan?

Kamusta na kaya sila? Kamusta na kaya siya?

Nag aalala ba siya sa kin? Binibisita ba niya ko dito kahit na ang tagal tagal ko ng tulog?

Nakalimutan niya na kaya ako? O kaya kinamusta kaya niya ko?

Ang dami kong tanong na bumabagabag sa akin. Nacucurious na ko! Sobra! Kating kati na kong gumising at malaman kong ano na ang nangyayari... Sa akin o kahit sa kanila.

Ang dami kong tanong na gustong tanungin.. Tanong na kailangang sagutin...

Naalala pa kaya niya ko?

Stupid Mapple... Wifey ka nga niya di ba? Of course naaalala ka niya!

Pero bakit ganoon? Iba iyong feeling ko? Kakaiba? Masama tong kutob ko.

Nakaramdam kong may kumalbit sa kin. Unti unti kong nilingon kung sino iyon at nagulat akong si Jyra, isang kaibigan na katulad ko nag aagaw buhay, pala ang kumalbit sa akin. Masyado akong nadala sa pag iisip. Pati tuloy mga taong nasa paligid ko, hindi ko na napapansin.

Kung nagtataka kayo siguro kung nasaan ako? Nandito pa rin ako sa lugar na pinagdalhan ni Lola Anastasia. Nang nawala siya na parang bula, naiwan ako ditong nag iisa. Oo maganda nga tong lugar. Oo nasa parang paraiso ako pero naiwan naman akong nag iisa. And for the nth time naramdaman ko ulit na para akong walang pag asa.

And all of a sudden biglang dumami ang tao. Sa isang kisap mata, bigla silang dumating out of nowhere at heto, nakilala ko si Jyra. Isang 11 year old girl na akala mo 20 kapag mag isip. Maganda, matalino at mapapansin mo sa kanya ang lungkot sa mga mata niya.

She's suffering from brain tumor at sinabi niya sa aking hanggang ngayon, coma siya. Katulad ko, hindi namin alam kung hanggang kailan kami dito o kung may chance pa kaming mabuhay pero hinahawakan ko na lang iyong pangako ni Lola Anastasia na mabubuhay pa ko. Sana nga bigyan pa ko ng chance na mabuhay.

"Ang lalim ata ng iniisip mo?"

Tanong niya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Medyo," sagot ko, "Iniisip ko lang kasi iyong mga mahal ko sa buhay kung ok lang ba sila o nag aalala na sila sa akin. Sa palagay mo magigising pa kaya ako?"

Ngumiti lang siya.

"Oo naman... Nag aalala sila sa iyo at huwag kang mag alala, kaunting oras  na lang magigising ka na!"

Nagulat ako sa sinabi niya sa akin.. Paano niya nalalaman? May mga alam ba siya dito na hindi ko alam?

Bigla niyang kinuha ang dalawang kamay ko at hinawakan.

"Sana sa pag balik mo, hindi mo ko makalimutan.. Binigyan ka ng pagkakataon para mabuhay upang mahalin mo siya. Sana mahalin mo siya."

Napakunot ang noo ko.

"Sino?"

Tanong ko.. Umiling lang siya. Naramdaman ko na lang na parang  nahihilo ako at tila unti unti akong nawawala. And for the last time, I glanced at her at nakita ko siyang ngumiti sa akin habang may tumulong luha sa mga mata niya.

Bakit ganoon? Bakit ang sakit sakit? Bakit ang bigat sa pakiramdam na iwan siya doong nag iisa? Bakit?

To be Continue...

AUTHOR'S NOTE:

Sorry po sa super duper late update! Subukan ko pong mag update ng chapters araw araw or linggo linggo. Please be patient.

P.S
Salamat sa pagbabasa at pagboboto

xoxo,
~Blexxydust

➡➡Tweet me on Twitter if you want and ask me some question. I will glad to answer it. Don't forget the hashtag AskBlexxydust (#AskBlexxydust) on twitter! Thanks ❤ ⬅⬅

Twitter Account: @Blexxydust


IN SEARCH OF A SWEETER SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon