Chapter 45: Meeting Her Mom

23 4 0
                                    

THIRD PERSON'S POV:

Naging maganda ang relasyon nila Jethro at Mapple ngunit ang relasyon na ito ay tinago nila sa mga kaibigan maging sa kanilang pamilya.

Itinago nila ang relasyon nilang ito dahil kapag nalaman ng mga nakakakilala sa kanila ang kanilang relasyon ay baka magkaroon ng conflict.

At ayaw rin nila Mapple at Jethro ng gulo. Mas lalo na ngayon na papalapit at papalapit ang kasal ni Jethro.

"Wifey... Sunduin kita bukas ha." Ang sabi ni Jethro kay Mapple habang naglalakad silang dalawa. Araw kasi ng mga puso ngayon at may date sila ngayon ngunit tumakas lang silang dalawa sa pamilya maging sa mga kakilala.

"Eh bakit naman hubby? Hindi pa ba sapat itong date natin ngayon?" Napaupo sila sa may malapit na bench dito sa park at niramdam ang sariwang hanging dumdampi sa kanilang balat.

"Ah siyempre, sapat itong araw na ito kasi for the first time, cinelebrate natin ang valentines as couples at isa pa..." Hinawakan ni Jethro ang kamay ni Mapple at pinisil sabay halik ng magaan ni Jethro.

"Gusto ko nang makilala ang mommy mo. Para hindi na rin natin itago ito sa kanila. Ayaw mo ba noon wifey?" Umiling lang si Mapple sa binata at pinisil ang kamay ni Jethro na ngayon ay naka hawak sa kamay niya.

"Gusto ko namang makilala ka ni mommy eh kaya lang natatakot ako." Nangingining na wika ni Mapple sa binata.

"Bakit ka namang natatakot Wifey eh wala naman tayong ginawang masama." Kalmadong sambit nito sa kanya.

"At isa pa, nandito ako sa likod mo. Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan." Napangiti naman ng masigla si Jethro at hinalikan ito sa pisngi. Biglang namula si Jethro.

"You're blushing." Pagtease ni Mapple sa kasintahan. Nagsmirk lang si Jethro.

"I'm not. So bukas, punta ako sa inyo ng nine in the morning. And I will prepare myself sa ano mang mangyayari." Kinakabahan man si Mapple ay tumango siya sa sinabi ng binata. Agad na hinalikan ni Jethro ang kasintahan sa kanyang noo at inihatid ito sa malapit sa kanilang bahay. Mahirap na, baka mabuking pa sila.

KINABUKASAN....

Maagang gumising si Mapple. Hindi pa lumilitaw si Haring araw ay nakamulat na ang kanyang mga mata. Kinakabahan kasi siya.

Palagad lagad siya sa loob ng kanyang kwarto at hindi makapakali. Sobrang lakas din ng pintig ng puso niya sa sobrang kaba.

Marami ring mga tanong ang naiisip niya ngunit pinaghahawakan naman niya ang sinabi ng kanyang kasintahan sa kanya.

"Nandito ako sa likod mo. Kahit anong mangyari, hindi kita iiwan."

Napangiti naman siya ng maalala yon.

"Oo tama si Hubby. Nandito lang siya sa piling ko at hindi niya ko iiwan. Ano ka ba kasi Mapple! Sobrang praning mo! Mama mo ang imemeet niya at hindi ang mama niya! Paano na kaya kung ang mama niya na ang imemeet ko? Waahhhhh!!! Naloko na!"

Ang frustrated na wika nito sa sarili. Agad siyang napatayo sa pagkakaupo sa kanyang higaan ng may kumatok.

"Si mama na ata 'to!" Ang kinakabahang sambit niya.

Agad siyang pumunta sa may pintuan at iniluwa nga nito ang mama niyang simple lang ang ayos.

Sinabi kasi niya kagabi sa mama niya na may darating dito sa bahay nila at gusto niya itong ipakilala. Nasiyahan naman ang mama niya sa narinig kaya heto, sobrang ayos na ayos siya.

"So... Anak, wala pa ba iyong ipapakilala mo sa akin." Tumango siya sa mama niya at sinabing sabay na lang silang dalawang maghintay sa living room.

Ilang saglit na paghihintay, ay may nagdoor bell. Saktong nine iyon ng umaga.

"Ma! Ako na po!" Tumango naman siya. Lumabas si Mapple sa kanilang bahay at pinagbuksan ang gate na kung saan si Jethro pala ang naghihintay doon.

"You look gorgeous at your dress wifey." Namula naman si Mapple sa sinabi ng kasintahan.

"Baliw. Tara na nga sa loob. Naghihintay na si mom." Tumango lang si Jethro. Magkahawak kamay silang pumasok sa bahay ni Mapple kahit na pareho silang kinakabahan.

Pagpasok nila, agad binitawan ni Mapple ang kamay ni Jethro at tumingin sa mama niya.

"Mom, this is Jethro. My boyfriend." Kinakabahang sabi ni Mapple.

"Maupo ka hijo." Ang sagot lang ng mama niya.

"Mom, he's my boyfriend." Tahimik na sabi ni Mapple. Nagsmirk lang ang mama niya.

"I know honey. He's the reason why you are in your coma. Sino ba ang hindi makakaalala sa pagmumukha niya." Nakasmirk pa rin na wika nito.

"Mom!" Nahihiyang sagot niya.

"I'm sorry." Iyon lang ang nasabi ni Jethro sabay yuko. Hinawakan lang ni Mapple ang kamay ni Jethro sabay haplos nito na sinasabing, 'magiging ayos din ang lahat.'

"Don't be sorry Jethro. Kahit na may nangyaring masama sa anak ko ng dahil sa iyo eh matagal na kitang napatawad. At alam ko, ikaw rin ang dahilan kung bakit laging masaya at blooming 'tong anak ko."

Napataas ng ulo si Jethro at napangiti. Napangiti rin si Mapple pero hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ng kanyang ina.

"Mom so ibig sabihin, tanggap niyo siya para sa akin?" Nakangiting tanong ni Mapple. Tumango lang ang mama niya sa kanya.

"Thank you tita!" Hindi makapaniwalang sambit ni Jethro sabay yakap dito.

"Oppps! Don't call me tita. Call me mama. Tutal boyfriend ka naman ng anak ko eh."

"Opo mama." Nakangiti pa ring sabi nito.

"So, dito ka na maglunch ha future son." Tumango ito.

"Sabi ko sa iyo eh, magugustuhan ako ng mama mo."

Tumango si Mapple at yinakap ito.

"I love you." She murmured.

"I love you too."

*****

IN SEARCH OF A SWEETER SONGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon