Chapter 48: Invitation

19 2 0
                                    

THIRD PERSON POV:

Naka labas na ng hospital si Mapple ngunit hanggang ngayon, hindi niya pa rin tanggap ang pagkawala ng kanyang kasintahan.

Nararamdaman niya pa rin hanggang ngayon ang sakit, ang hapdi ngunit pinipilit pa rin niya ang sarili na tanggapin ang lahat.

Iniisip niya na sana, panaginip na lang ang lahat ng 'to at sana sa paggising niya, hindi pa siya patay. Na nandyan pa siya na maghihintay para sa kanya. Magmamahal ngunit kahit anong gawin niyang pagpilit sa sarili na tanggapin 'to, hindi niya pa rin kaya.

Mahal na mahal ko siya pero bakit niya ko iniwan.

Iyan lagi ang tumatatak sa isipan niya.

Napatingin na lang si Mapple sa mga travelling bag na inaayos ng mama niya.

"Mama, kailangan po ba talaga natin umalis?" Iyan ang tanong niya sa mama niya. Hinawakan ng mama niya ang kamay nito at ngumiti.

"Kailangan talaga natin umalis anak para makalimot ka. Patawad anak kung ngayon ko lang nasabi na aalis tayo. Ayaw kasi kitang biglain eh." Ngumiti na lang ng mapait si Mapple.

So, kailangan ko na talagang magmove on? Sige. Pero kahit ganoon... Hindi ko pa rin siya makakalimutan.

Tumayo na ang mama ni Mapple at lumabas ng kanyang kwarto pero ramdam pa rin niya ang sakit. Kasi kahit aalis na siya ng bansa, feeling niya iiwan niya si Jethro.

Samantalang, kakagising lamang ni Jethro mula sa isang linggong pagkakahimbing sa tulog. Yes, Jethro is still alive pero hindi alam ito ni Mapple dahil binayaran ng mama ni Jethro ang mama ni Mapple upang hindi malaman ni Mapple ang totoong nangyari sa kasintahan.

Isang linggo siyang walang malay at nagpapalakas ngunit batid sa kanilang kaalaman, hindi katulad ng nangyari kay Mapple na nawalan ng alaala. Dahil buhay na buhay pa rin sa alaala ng binata ang lahat lahat.

Nakaramdam ng sakit ng ulo si Jethro at pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Agad niyang nilibot ang kanyang paningin at nakita ang isang envelope na nasa lamesa.

Kinuha niya ito at binuksan at laking gulat kung ano ang laman nito.

Isang imbitasyon. Hindi lamang ito isang normal na imbitasyon dahil ito ay imbitasyon ng kanilang kasal ni Priscilla.

Agad niyang kinuyom ang kanyang palad at nakaramdam ng galit at sakit sa puso. Dahil malakas ang kutob niyang may kinalaman ang mga magulang niya sa nangyari sa kanya.

At bago pa siya tuluyang bumangon sa pagkakahiga ay may nakapa siya sa kanyang unan na isang litrato.

Isang litrato ng babaeng matagal niya ng mahal. At alam niyang ito lang ang nais niyang maikasal.

Mapple.

*****

IN SEARCH OF A SWEETER SONGWhere stories live. Discover now